h1

Ako Ay Magbabalik!

Marso 30, 2009

para sa lahat ng aking mga masusugid na mga tagasubaybay… na walang sawang nag-iiwan ng kanilang mga komento sa blog kong ito.

ako ay nagbabalik…

muli niyo ba akong tatanggapin???

oo na. aamin na ako.

AKO SI FAU!

AKO SI MAKOY!

ako rin ang ilan sa blog na naka-ere pa rin sa kung saan-saang lupalop ng blogworld… hehehe!

babalik ako kasama ang isang MATINDING TWIST!

sa totoo lang. nagbalik na ako… at hinihintay ko lang kayo sa aking bagong tahanan!

h1

Virgin Pussy :-(

Marso 20, 2008

mangmang.gif

Namimiss ko na rin ang Miyaw ng pusa naming si Mangmang. Nalungkot tuloy ang tuta naming si Itoy dahil wala na siyang kalaro. 8 Years old na kasi si Mangmang (virgin pa siya) nanahimik kasi siya ng 8 years sa loob ng bahay, ni hindi lumalabas at siyempre lalaki siya. Kawawang pusa hindi man lang nakatikim ng sex buong buhay niya. Nakakalungkot din kasi hindi ko na siya nakikitang nakikipag-agawan ng pagkain sa aso namin. Isanlinggo rin kasi siyang hindi kumain dahil sa pagkakasakit, o sa katandaan na rin siguro hanggang sa mamatay na nga lang bigla. Poor Virgin Pussy!😦

———————————

Naadik na ako sa kababasa ng blog ni Brian Gorrell. Dial-Up lang ang Connection na ginagamit ko, kaya para mabasa ko ito nang mas maayos sinave ko ang pages sa PC. Kawawa naman siya hindi ba? Sana maibalik na sa kanya ang $ 70,000.00 niya.😦

———————————
ADD NIYO AKO SA FRIENDSTER!
—“ fau.rafili@yahoo.com “—
h1

Oooopppsss TUMALSIK!

Marso 17, 2008

“Fau may humahanap sa iyo!” ang sabi ng kuya ko. Kasalukuyan akong naliligo nun. Nagmadali ako, malay ko ba kung sinong naghahanap sakin. Paglabas ko… si Trexx pala ang naghahanap sakin. Si Trexx ang mas nakababatang kapatid ni ex-pinakamamahal.restinpeace.gif

restinpeace.gif

FAU:          oh brod kamusta? napadalaw ka?
TREXX:     nagpadala kasi sakin si Ate Irene (panganay nila) ng celphone na kagaya nung sayo eh. papasama sana ako sayo kuya.
FAU:          san naman?
TREXX:     eh kuya, bibili kasi ako ng Memory Card, para malagyan ng Sounds at Videos tong fone ko.
FAU:          ah okay sige hintayin moko, bihis lang ako.

Matapos kong magbihis, sinamahan ko siya sa bilihan ng Memory Card para sa fone niya. Naka-dalawang branches na kami ng CD-R King pero wala talaga. Habang naglalakad kami, siyempre kuwentuhan, hanggang sa…

TREXX:     nasan ba yung celphone mo?
FAU:          eto.. (saka ko inilabas)
TREXX:     magkano nga ulit yung 1gig na Memory Card?
FAU:          mahal yun kapag bibili ka sa iba, dito ka lang sa CD-R King bibili, hahanapin mo yung PQI na Micro SD Card na 1 gig (nakkkksss!) eto ganito itsura nun (sabay tinanggal ko sa celfone yung Memory Card)
TREXX:     anliit pero ang galing andaming nailalagay no?
FAU:          oo nga eh… (habang papababa kami sa escalator, ibinabalik ko ang Memory Card… nang biglang pumitik at nawala sa kamay ko) WAAAAAAAAAH! tumalsik!

Pagbabang-pagbaba namin sa escalator, hinanap namin nang hinanap, nang tingnan ko ang dulo ng escalator, me posibilidad palang lumusot na yun sa loob ng escalator. Anak nang pawikan naman! Ba’t ba ipinakita ko pa kasi… napakatagal pa naman na nung Micro SD Card na yun tapos ngayon wala na siya! WAAAAAAAAAAAAAH! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang wala na akong pambili ng ipapalit sa kanya!

FAU:          malas ka sa buhay kong ugok ka!
TREXX:     sisihin mo pa ko kuya!
FAU:          MALAS! MALAS! MALAS!

Goodbye My Precious Micro SD Card
h1

Balyahan, Banatan…

Marso 15, 2008

animation
*nakkkssss! marunong nako gumawa ng animation!* 

mainit ang labanan sa court. tagaktak na ang mga pawis ng mga manlalaro, nagkakabakawan na, nagkakasakitan na. lagi namang ganoon, ewan ko ba kung bakit tila normal lamang iyon sa larong basketbol. maya-maya, ako na ang may hawak ng bola… paglundag ko upang i-shoot ito sa ring, bigla ang pagdilim ng paningin ko. nai-shoot ko ang bola. pero sapo ko ang kaliwang mata ko. nandidilim pa rin ang paningin ko. nasiko ako ng paksiyet na kalaban.

napikon ako.

muli kong kinuha ang bola at ibinato sa mukha niya. anak nang, tama ba namang sikuhin ako sa mata? ayos ah! eh halatang-halata pang sinadya ng gago yung pagkakasiko niya sa mata ko. “tangina!” ang wika niya sabay sugod sakin. eh mabilis ata akong umilag, nasapak ko tuloy ulit siya.

“AWATIN NIYO! AWATIN NIYO!” ang sigaw ng ibang miron. tinatamaan niya ako, pero gulpi-sarado siya sakin. nakakahiya tuloy siya, sa laki ng katawan niyang yun, samahan pa ng dambuhalang tiyan, natalo ko siya. saka lang kami inawat nang makitang nakasalampak na siya sa lupa. mga katropa din naman namin ang naglalaro, walang kampihan. napikon ako dahil napapansin kong ilang beses na niya akong nasasaktan na tila ba gumaganti sa mga ginawa kong kasalanan. teka? ano naman kayang kasalanan yun? mas bata ako sa kanya ng dalawang taon. may asawa na siya at mga anak, samantalang ako… napakalaki ng kabaligtaran namin. madalas lang niya talaga akong pag-initan. at napuno na ako.

h1

Ang Katapusan!

Marso 10, 2008
666.jpg

I received a txt message this afternoon from one of my friend. ang nakasaad ay ganito

President GMA approved the P150 Million budget for the UNIFIED MULTI (666) SSS ID SYSTEM. DZRH reported! Nagstart na…microchip or biochip i-inject in hand or forhead of men which they call Lifetime savings. In US next in Philippines. Dami nagpatatak o nagpa inplant according to TIME MAGAZINE Plz. pas to all CHRISTIAN..

Naalala ko ito…

The BIBLE ; Revelation 13:16 to 18

16. The beast forced all the people, small and great, rich and poor, slave and free, to have a mark placed on their right hands or on their foreheads.

17. No one could buy or sell without this mark, that is, the beast’s name or the number that stands for the name.

18. This calls for wisdom. Whoever is intelligent can figure out the meaning of the number of the beast, because the number stands for the name of someone. Its number is 666.

——————————————–

So i tried to search on kung gaano katotoo ito..i try to search sa TIME MAGAZINE website at ito ang nakita ko

Biochips for Everyone!
Wednesday, Nov. 09, 2005
By DAREN FONDA

If someone proposed injecting a computer chip in your arm and said it could save your life, would you do it? As Orwellian as it sounds, VeriChip is betting this will be a billion-dollar business. The firm’s parent company, Applied Digital Solutions, won FDA approval last year for what it bills as the “world’s first human implantable microchip.” A radio-frequency identification (RFID) transponder the size of a grain of rice, the VeriChip contains a 16-digit personal ID number that can be scanned like a bar code, providing health-care workers access to your medical records online. That could be lifesaving in an emergency, cutting the likelihood of medical errors for accident victims, Alzheimer’s patients–anyone who can’t communicate or lacks ID. So far, only about 60 Americans have been chipped, mainly Applied Digital employees in Delray Beach, Fla. But the company says 58 hospitals are adopting the technology, a number it expects will expand to 200 by 2007.

Dr. John Halamka, chief information officer of Harvard Medical School, got chipped last year and says he hasn’t experienced negative side effects. He acknowledges that colleagues find the chip dehumanizing. Security experts are worried that the system can be hacked. And there are concerns that chips could one day be used to monitor the movement of those with implants. And the chip isn’t cheap: the suggested retail price is $200 and isn’t covered by insurance.

Applied also sees an opportunity in the security business. It has shipped 7,000 chips worldwide and figures about 2,000 have been implanted. Applied CEO Scott Silverman hopes to sell chips to the Pentagon, the CIA and the FBI–feeding into X-Files-type fears of biochipped government agents lording over the citizenry. A novel use: Baja Beach Club, a European nightclub chain, is offering “VipChip membership” to speed patrons through the ropes in Barcelona and Rotterdam. Some 430 clubgoers have signed on–at $1,300 apiece.

Source: http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,1118348,00.html

——————————————–

Then i try to search also the Executive Order of PGMA and ito ang nakita ko

Arroyo orders release of P750M for unified ID system
02/19/2008 | 09:59 PM

President Macapagal Arroyo on Tuesday ordered Budget Secretary Rolando Andaya Jr to release P750 million for the implementation of the Unified Multi-Purpose Identification (UMID) System.

Press Secretary Ignacio Bunye said the system would unify the existing IDs of the National Statistics Office (NSO), Social Security System (SSS), Government Service Insurance System, and Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth)

Bunye said Mrs Arroyo wanted Metro Manila informal settlers, electricity discount coupon holders, social welfare services beneficiaries, and Pag-IBIG Fund members covered by the ID system.

He said SSS Chairman Corazon de la Paz presented the update on the unification scheme during a Cabinet meeting in Malacañang on Tuesday.

Bunye said the government was on target in its implementation of the system, except for the Central Verification and Enrollment Agency and the Biometrics Data Matching Center components of the NSO ID system that needed funds.

“It’s just a matter of adopting a common reference number for all this ID system. So we’re on track. The release would further accelerate the implementation UMID system,” he said.

Executive Order 420 transfered the implementation of the ID system to the SSS from the National Economic and Development Authority.

SSS Vice President May Catherine Ciriaco said the NSO would need an additional P250 million in 2009 to implement the system.

She said Philhealth would need P1 billion for the system’s initial set up this year, and P2 billion next year.

Ciriaco said the needed funds could be charged against the Philhealth Operating Cost and e-Gov Fund.

She said the 10 million ID cards that were issued by the SSS could already qualify as “transition-UMID cards.”

UMID cards will be issued to new SSS applicants starting this year, according to Ciriaco. –

Source: http://www.gmanews.tv/story/81306/Arroyo-orders-release-of-P750M-for-unified-ID-system

——————————————–

FAU RAFILI: hindi bat nakakatakot mga kaibigan? magsisi na tayo sa ating mga kasalanan. palaging magdasal. at huwag na huwag magpapatatak… basta ako NEVER! Over My Dead Body!

——————————————–

PLEASE PRAY MGA KAIBIGAN… isa itong napakainteresanteng tag. Kaya tinatag ko ang lahat ng nasa listahan ko na i-repost ang buong balitang ito sa kanilang blog kasama ang kanilang nais na sabihin sa bandang itaas ng linya bago ang parteng ito.

h1

Bb. Pilipinas…

Marso 9, 2008

naiinip na naman ako sa bahay. nais ko na tuloy gumawa ng hakbang. pero paano nga kaya? kagabi, bagamat hindi naman ako nanonood ng anumang Beauty Pageant, naengganyo ako habang nanonood ang lahat ng mga kasama ko sa bahay. Binibining Pilipinas na naman pala. antatangkad at anseseksi ng mga kalahok.

inabangan ko na lamang ang question and answer portion. hindi ako nasisiyahan sa mga isinasagot nila. wala akong magawa kundi panoorin ito dahil na rin sa wala naman akong magawang ibang bagay at lahat nga ng mga kasama ko sa bahay ay nakatutok sa telebisyon. hindi ko mapigilang matawa sa isang kandidata.

kung napanood mo ang pageant alam mo na kung sino sa kanila ang tinutukoy ko. hindi ko rin naman maalala kung sino siya at kung ano ang numero niya. basta naenjoy ko ang pansumandaling katangahan niya. hindi ko na tinapos ang palabas. natulog na lang ako. una tumawa siya ng dalawang beses na medyo malakas, napa-oh my God pa siya. pangatlo… napasabi siya ng “eto na talaga” at marami pang ibang nakakatawang nagawa niya sa pagsagot lamang ng sang napakasimpleng tanong.

wala lang kasi akong maipost. pero hanapin niyo sa youtube. kakaenjoy PROMISE!

h1

nakalimot na bang talaga?

Marso 4, 2008

“Nakita ko nga kagabi si (insert pangalan ni ex dito!) kina Mario!” ang bigla na lamang naisingit ng kabarkada kong si Lenny sa kwentuhan naming magbabarkada. “Gumanda ang gaga, anlaki ng ipinagbago…” ang patuloy na wika niya. “antagal na rin mula nong huli ko siyang makita” ang dugtong niya.

kung alam lang nila. na madalas namang pumupunta sa amin si ex-pinakamamahal. kung alam lang ba nila na marami pang mga nangyari matapos ang break-up namin noon. kung alam lang sana nila na habang isinisingit siya sa usapan eh tinatablan pa rin ako. konti lang pero tinablan ako nang marinig ko ang pangalan niya, nang malaman kong dumating pala siya… at ni hindi man lang ako dinaanan.

asa pa! eh ako na nga mismo ang nanakit, nang-iwan, umiwas… tapos hihintayin ko pa siyang daanan ako. medyo nanibago lang siguro ako. hindi ako sanay na dumarating siya na hindi sa akin pumupunta. ginawa niya lang din siguro iyon para ipamukha saking hindi ako kawalan at nagpapatuloy ang buhay niya kahit wala na ako. ayos yon, tama yun. sana nga maging masaya na siya, sila! sana hindi masayang ang sakripisyong ginawa ko. sana maging “mas” maayos ang lahat. sana makalimutan niya na ako. at sana makalimutan ko na rin siya ng tuluyan.

oo tama kayo. hindi madali para sakin ang ginawa kong sacrifice. ano ba naman ang magagawa ko. pero ayokong magpaka-emo. kaya ko to… kakayanin ko to. sa bawat alaalang pumapasok sa utak ko, siya namang pagbagal ng tibok ng puso ko. nawawala na nga bang talaga ang pagmamahal na pinanday ng panahon at ng pagkakataon? sana nga.