Imbak para sa Kategoriyang ‘senti’

h1

Virgin Pussy :-(

Marso 20, 2008

mangmang.gif

Namimiss ko na rin ang Miyaw ng pusa naming si Mangmang. Nalungkot tuloy ang tuta naming si Itoy dahil wala na siyang kalaro. 8 Years old na kasi si Mangmang (virgin pa siya) nanahimik kasi siya ng 8 years sa loob ng bahay, ni hindi lumalabas at siyempre lalaki siya. Kawawang pusa hindi man lang nakatikim ng sex buong buhay niya. Nakakalungkot din kasi hindi ko na siya nakikitang nakikipag-agawan ng pagkain sa aso namin. Isanlinggo rin kasi siyang hindi kumain dahil sa pagkakasakit, o sa katandaan na rin siguro hanggang sa mamatay na nga lang bigla. Poor Virgin Pussy! :-(

———————————

Naadik na ako sa kababasa ng blog ni Brian Gorrell. Dial-Up lang ang Connection na ginagamit ko, kaya para mabasa ko ito nang mas maayos sinave ko ang pages sa PC. Kawawa naman siya hindi ba? Sana maibalik na sa kanya ang $ 70,000.00 niya. :-(

———————————
ADD NIYO AKO SA FRIENDSTER!
—” fau.rafili@yahoo.com “—
h1

gusto kong bumalik…

Marso 1, 2008

i want tu bi a tutubi
na walang tinatagong bato
na nahulog sa lupa
tinuka nang manok
na nanggaling sa buuuuundokkk!

gusto ko na namang bumalik sa pagkabata? bakit kanyo? gusto ko kasing mawala ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay… marami na namang gumugulo sa utak ko nitong mga nakaraang araw. minsan gusto kong bigla na lang maglaho. minsan napapraning ako at nag-iimagine… ano nga kaya kung bigla na lang akong bumalik sa pagkabata? maayos ko kaya lahat nang mga pangyayaring hindi ko nagustuhan…

gusto ko pa kasing i-enjoy ang kabataan ko. gusto kong maligo nang maligo sa ulan. makipagtakbuhan nang walang kapaguran. mamawis nang sobra sobra saka mag-amoy-araw… kahit minsan pa. pero sa kabila nito, naisip kong maaga na naman akong patutulugin, kahit tanghali, kinakailangang matulog. wala akong laban sa mga abnormal na tambay o mga kuya ko. me mga side-effects pa rin pala. wenonamanngayon? kahit pa! gusto ko pa din bumalik. kung pwede lang ba sana talaga.

hindi pa sana ako nakakaramdam ng hapdi at kirot sa puso nang madalas. hindi sana ako namomroblema sa paghahanap ng trabaho – at paghahanap ng taong mamahalin ako at siyempre mamahalin ko. hindi sana ako namomroblema. kung bibigyan lang ulit ako ng pagkakataon… hindi man perpekto pero ikokorek ko. ang mga ginawa kong hindi maganda noon, gaya na lamang ng pagbubulakbol sa eskwela, pananakit ng damdamin ng iba… malamang marami pang iba. gusto kong mawala kasi ang lahat ng mga alalahanin ko sa ngayon, gusto kong magpahinga. kung pwede lang ba sana. bakit hindi di ba?

h1

sugal ang pag-ibig!

Pebrero 16, 2008
h1

sa iyo kaibigan…

Disyembre 7, 2007

akosifaublogger.jpg

ibang klaseng buhay to. ayoko talaga sa lahat eh maging tambay.

pinagsawaan ko na ang pagiging tambay ko noon. hindi ko naman akalain na magiging tambay na naman ako ngayon. nakakatamad, nakakalungkot, naiisip ko tuloy yung mga bagay na hindi ko naiisip dati sa sobrang ka-busyhan… nararamdaman ko ngayon ang pangungulila na hindi ko naramdaman dati.

nagpapasalamat pa rin ako… kasi sa bagong buhay na ito, mas marami akong kaibigang nakilala, mas na-realize ko ang worth ng mga simpleng bagay na hindi ko pinahahalagahan noon.

nakakapraning, nakakalungkot… although minsan, lalo na kapag sinamahan ng espiritu ng alak (pero minsan lang) napakasaya. pinipilit ko pa ring maging masaya sa bawat araw, at nagtatagumpay naman ako. pero may kirot pa rin.

ansama noh? puro senti ang mga entries ko. sana naiintindihan niyo ako. tao lang din naman ako diba? at nasasaktan… at nakakaramdam ng pangungulila.

sa mga susunod na mga entries ko. magiging masaya na ako. PANGAKO!

salamat nga pala sa mga kaibigan ko. sa iyo na nagbabasa nito, salamat sa mga komento at pagbisita… at higit sa lahat sa mga itinuturo niyong lessons in life. maraming salamat.

hindi ko akalain na sa pagbubukas ng bagong aklat ng buhay ko, mas marami pala ang babasa nito at makikisalamuha sa magulo kong mundo.

salamat.