Imbak para sa Kategoriyang ‘opish’

h1

silang mga plastik (period)

Nobyembre 30, 2007

lage na lang nasisira ang araw ko. kaninang umaga – nagising ako sa text ng ex-boss 1 ko, dahil nga kinukuha ko na ang huling sweldo ko. mantakin mo ba namang sabihan ako na nag-away pa daw sila ng isa ko pang ex-boss 2 dahil balak na daw nitong babaan ang sweldo ko start nung 16 pa.

hindi ko sila maintindihan. oo masama na kung masama ang tingin ng marami ke ex-boss 1 – dahil madaldal ito at ma-jeps. samantalang ipinagtatanggol ko naman palagi si ex-boss 2 sa mga co-employees ko dahil “feeling” ko eh napakabait nito. PUCHA! hindi ko alam sino ba ang “totoong tao sa kanilang dalawa. ka-badtrip… balak ko tuloy sirain lahat ng “pwede” kong sirain sa system nila (kung naging kasinsama lang nila ako ginawa ko na) hindi ko sila kilala pala pareho kahit tatlong taon ko na silang kasama.

lumabas din ang totoo. masama nga rin talaga ang ugali ng ex-boss 2 na isang koreanong alam kong napaka-buti. la rin ata siyang pakialam sa mga empleyado niya, hindi gaya ng pagkakaalam ko. o sinisiraan lang siya ni ex-boss 1 para ipakita sakin na mas mabuti siyang tao kesa kay ex-boss 2? hindi ko talaga alam ang iisipin, mga plastik kasi pareho.

sige lang… makakarma din kayo.

h1

tapos na ang lahat.

Nobyembre 28, 2007

tapos na ang lahat. kahapon ang huling araw ko. nagkalayu-layo na kaming lahat… ng mga kaibigan ko. napadpad na sila sa iba’t-ibang lugar. pati ang mga kagamitan.

kamusta na kaya yung dalawang aso…
kamusta na kaya si bossing…
kamusta na kaya yung PC ko…

nakakalungkot. habang naglilipat kahapon. nagikut-ikot ako, mangiyak-ngiyak sa mga nakikita ko sa paligid. ang swimming pool, ang mga halaman, ang lahat – naipon lahat sa isipan ko. kalahating araw pa lang, nagpaalam na ako… aalis na ako. panibagong adventure na naman ang haharapin ko, at sana magtagumpay ako… nakakalungkot man isipin, kailangan ko talagang tanggapin – wala akong choice but to forget.

bukas, pupunta na ako sa mga eskwelahan para simulan naman ang paghahanap ng paaralang papasukan. mag-aaral na lang ako.

bukas, iba na ang lahat – gaya ngayon.

h1

ang PC at ang koreano

Nobyembre 26, 2007

seryoso kaming nag-uusap ng isang koreanong binentahan ng bossing ko ng mga computers at ilan pang kagamitan sa opisina (serious na ang ending) hindi mahirap makipag-usap dahil barok english ang koreano, kaya binabarok ko rin siya. nang hindi na ata niya nakayanan ang english-ispokening niya eh nagitla ako sa bigla niyang nasabi.

KOREAN:     sakto ba lahat ng monitors sa CPU?
FAU:           (nagulantang) yeah!
KOREAN:     akala ko ba 17, bat parang hindi ata aabot?
FAU:           (shet nagulantang talaga!) ah… eh… abot yan, meron pa kasing iba na nasa mga kwarto – pag pinagsama-sama lahat eh kumpleto na yan.
KOREAN:     eh yang mga yan (sabay turo sa mga CPU na iginilid ko) mukhang hindi na yan gagana ah.
FAU:           gagana yan. kailangan lang i-reassemble.
KOREAN:     i-assemble mo na ha.
FAU:           (nabanas, utusan daw ba?) oo.

susme, nagulantang ako nang magtagalog ng super-straight tagalog ang koreanong ito! hindi ko talaga akalain. pero nabanas na rin ako sa kanya dahil mukhang masungit at mahilig mag-command, ano siya BOSS ko ba siya. hahaha! ungas – hindi ko nga sinunod. BADTRIP ang PUCHA! karamihan talaga sa mga koreano bad ang manners (yun ang sabi ng karamihan na kakilala kong marami nang nakasalamuhang koreano ha!) hindi naman sa nilalahat ko. bat ko naman lalahatin eh ayos naman ang manners ng BOSSING ko for three years, at medyo ayos naman ang agent niya na kasama rin sa negosyo, minsan nga lang  medyo hindi talaga maganda ang mood, pero ayos naman kung pakikisama ang pag-uusapan. kung itong koreanong to ang boss ko baka naipabalik ko na to sa bansa nila nang di-oras.

—– —– —–

nalulungkot ako habang binubura at binaback-up ko yung mga files ko sa PC ko sa office. pano ba naman, baka yun na ang huli naming pagkikita – isa ata siya sa mga mabebenta. ang nakakabanas pa, nakalimutan ko yung picture niya sa desktop ko – malamang na hindi ko na nga siya maabutan bukas. syet! mamimiss ko siya ng sobra, matagal rin naman ang pinagsamahan namin – at kami lang ang nagkakaintindihan, ako lang kasi ang nakakaalam kung paano siya buksan (pinagdidikit ko yung dalawang maninipis na wire na nakalitaw) dahil antique na nga ito at sira-sira na. babye PC! lam ko na hindi na tayo magkikita, sana bukas maabutan pa kita :-(

h1

end na nga ba?

Nobyembre 25, 2007

habang tinitingnan ko ang mga pictures namin ng mga kasamahan ko sa trabaho – na hindi maikakailang mga kaibigan ko na talaga, mga sanggang-dikit, mga taong nagpasaya sa pagiging buhay empleyado… naiiyak ako, nalulungkot at mutik nang maluha – pero ganun talaga ang buhay, minsan kinakailangang magpaalam kahit ayaw mo talaga.

mamimiss ko ang bonding, kuwentuhan, tawanan, harutan, pagkain ng sabay. hindi naging malungkot ang buhay kasama sila. tinanong ko ang boss ko. hindi na kasi maganda ang takbo ng kumpanya – marami na ang na-eliminate, marami na ang nagpaalam. marami nang naging business ang bossing ko, pero lumalagpak ang lahat – alam ko ang dahilan, pero hindi na mahalaga iyon sa ngayon. basta ako, nalkulungkot ako at alam kong hindi na mauulit ang mga nakaraan kasama sila. hindi na ako makakahanap ng mga kaibigang natagpuan ko sa trabaho ko ngayon.

FAU:    
may i ask you something?
BOSS:   what is it?
FAU:     when will be my last day here?
BOSS:   that’s a good question! but i can answer it right now.
FAU:     (nag-iisip siya pero tahimik lang ako)
BOSS:   until the end of the month, but it’s not sure, maybe a miracle will happen, why did you ask?
FAU:     i just want to be ready for it.
BOSS:   you know i wanna save you, but there is no future in this company.
FAU:     i know… thank you sir.

hindi ako nanghihinayang sa dahilang mawawalan na ako ng pagkakakitaan – yun ang huli sa rason ko. kundi dahil, tapos na! kailangan ko nang kalimutan ang mga kaibigan ko at ang mga masasayang moments namin together. kailangan ko nang mag move-on, yun naman pala ang mahirap gawin talaga, para sakin… gusto kong maglasing pero baka mas lalo akong maiyak. gusto ko silang makasamang lahat kahit sa huling pagkakataon man lang. hindi ko alam kung kailan pa uli mangyayaring magkasama kami, tapos na ang papel ko.

at nalulungkot pa rin ako.