napakasaya ko ngayong araw na ito.
nakasama ko ang anak ko.
—– —– —– —– —–
You have no IDEA how happy i am while typing this entry. there’s this smile on my lips… and GUESS WHAT? it’s a big one.
for so long, ngayon ko lang ulit nakasama ang daughter ko. niyaya ako ng ex-girlfriend ko sa mall kasi bibili daw siya ng shoes. hindi na ako nagdalawang-isip lalo pa at isasama namin ang anak niya… na hanggang sa ngayon ay winiwish ko na sana nga eh anak ko. kahit 50% impossible, still it’s 50% possible for me.
para kaming isang pamilya na namamasyal together sa mall. nag-ikot-ikot kami, tumingin-tingin, nag-grocery at kumain sa KFC. parang ang yabang yabang ko that time dahil napakaganda ni EX-hon at ng Wish-Ko-Daughter-Ko. friends pa rin naman kasi kami ni Ex-hon. minsan tuloy nagsisisi ako kung bakit ko siya iniwanan, kung bakit hindi ko siya tinanggap nung paulit-ulit niya akong binabalikan, kung bakit ala akong nararamdaman that time. given na hindi ko na siya mahal ngayon. pero may “something” pa rin kapag nakikita ko siya.
pero may asawa na siya at may mga anak pa. pero wala pa ring kupas ang ganda niya. isa na ring koneksiyon saming dalawa ang pagiging friends namin ngayon at ang una niyang anak. yung pangalawa niyang anak hawig ng asawa niya – pero yung una, kamukhang-kamukha niya (walang pagkakahawig sa asawa niya).
sana minsan… bigla niyang sabihin sakin na anak ko nga si Wish-Ko-Daughter-Ko. sana nga… sana.



