Imbak para sa Kategoriyang ‘love life’

h1

nakalimot na bang talaga?

Marso 4, 2008

“Nakita ko nga kagabi si (insert pangalan ni ex dito!) kina Mario!” ang bigla na lamang naisingit ng kabarkada kong si Lenny sa kwentuhan naming magbabarkada. “Gumanda ang gaga, anlaki ng ipinagbago…” ang patuloy na wika niya. “antagal na rin mula nong huli ko siyang makita” ang dugtong niya.

kung alam lang nila. na madalas namang pumupunta sa amin si ex-pinakamamahal. kung alam lang ba nila na marami pang mga nangyari matapos ang break-up namin noon. kung alam lang sana nila na habang isinisingit siya sa usapan eh tinatablan pa rin ako. konti lang pero tinablan ako nang marinig ko ang pangalan niya, nang malaman kong dumating pala siya… at ni hindi man lang ako dinaanan.

asa pa! eh ako na nga mismo ang nanakit, nang-iwan, umiwas… tapos hihintayin ko pa siyang daanan ako. medyo nanibago lang siguro ako. hindi ako sanay na dumarating siya na hindi sa akin pumupunta. ginawa niya lang din siguro iyon para ipamukha saking hindi ako kawalan at nagpapatuloy ang buhay niya kahit wala na ako. ayos yon, tama yun. sana nga maging masaya na siya, sila! sana hindi masayang ang sakripisyong ginawa ko. sana maging “mas” maayos ang lahat. sana makalimutan niya na ako. at sana makalimutan ko na rin siya ng tuluyan.

oo tama kayo. hindi madali para sakin ang ginawa kong sacrifice. ano ba naman ang magagawa ko. pero ayokong magpaka-emo. kaya ko to… kakayanin ko to. sa bawat alaalang pumapasok sa utak ko, siya namang pagbagal ng tibok ng puso ko. nawawala na nga bang talaga ang pagmamahal na pinanday ng panahon at ng pagkakataon? sana nga.

h1

huling tatlong sampal.

Marso 3, 2008

hindi pa mandin siya dumarating. planado na ang mga dapat kong gawin. hindi rin naman ito para sa sarili ko kundi para na rin sa aming lahat.

I’ve made up my mind
There is no turning back
She’s been good to me
And she deserves better than that

ayokong dumating sa punto na meron saming masaktang ng pisikal, o may mamatay pa… o anupamang mas matindi sa anumang alam kong mararanasan ko ngayon. ako na ang magbibigay-daan sa isang malaking pagbabago. pagbabagong alam kong mag-iiwan ng marka sa aming mga pagkatao.

It’s the hardest thing I’ll ever have to do
To look you in the eye
And tell you I don’t love you
It’s the hardest thing I’ll ever have to lie
To show no emotion when you start to cry

napakahirap para sakin na gawin ang bagay na ito. alam kong ito na ang maaaring maging katapusan namin. pero wala akong magagawa, magsasakripisyo na lang ako. pagod na rin naman akong niloloko ang sarili ko, itinatama ang alam naman nating lahat na mali. alam kong masasaktan siya… ako man ay masasaktan din.

I can’t let you see what you mean to me
When my hands are tied and my heart’s not free
We’re not meant to be

“bat nandito ka na naman?” ang maangas kong wika sa kanya. “namiss kita!” ang wika niyang may pag-aalinlangan dahil sa ipinakita kong maaligasgas na pakikitungo sa kanya. panahon na kasi para ayusin ang mga nasira ko. mga nasira naming dalawa. mabait sakin si Ronie, bakit kinakailangan pa niyang masaktan gayung ang tanging ginawa niya ay minahal niya ang mahal ko.

It’s the hardest thing I’ll ever had to do
To turn around and walk away
Pretending I don’t love you

“huling pagkikita na natin to. may iba na akong mahal… ayoko na nang ganitong sitwasyon, makakaalis ka na!” ang seryoso kong wika sa kanya, habang nakatitig siya sa aking mga mata. ganun naman ako… magaling magtago ng nararamdaman, natural naman ata iyon sa lalaki.

I know that we’ll meet again
Fate has a place and time
So you can get on with your life
I’ve got to be cruel to be kind.

tatlong sunud-sunod na sampal. nabingi ako dahil tumama ang isa sa tenga ko. at alam kong may halong poot ang bawat imbay ng kanyang palad. tinalikuran ko siya. hinayaang gawin niya ang maaari niyang gawin. lumayo ako, pagbalik ko wala na siya. hindi na siya nagtext o nagparamdam.

tama na. alam kong tama ang ginawa ko. isinakripisyo ang dapat isakripisyo para sa huli, wala nang masasaktan pa. pagod na akong magkunwaring tama ang mali. pagod na rin akong manakit ng mga walang muwang na nilalang. ayoko na…. sana nga.

h1

kabaliwan…

Pebrero 20, 2008

till death

“Fau may naghahanap sa iyo!” ang wika ng isang batang taga-samin. Wala naman akong hinihintay, pero dagli kong tinungo ang pintuan, bumaba sa hagdanan at tinungo ang kinaroroonan ng naghahanap sakin. “Kamusta?” ang nakangiting wika niya. Nakaminiskirt siyang maong, nakatakong at nakaputing sando. “O! eto ayos lang, ikaw? Kayo?” ang natataranta kong naisagot sa kaniya. Biglang nagbago ang itsura niya, nawala ang ngiti – at tanging napansin ay ang namumugtong mga mata. Alam ko na ang gagawin ko, “O bakit? me problema ba? nag-away ba kayo?” ang wika ko sabay aya sa kanya papasok sa bahay. Dumiretso kami sa kwarto ko. Umupo ako sa upuan at siya ay sa higaan.

“Ano?” ang tanong ko. Nanatili siyang nakayuko. “Gusto kong uminom…” ang wika niya. “Ano ba kasi ang problema mo?” ang muli kong tanong. Tumayo siya, lumabas sa pintuan… Sinalo ng mga palad ko ang sarili kong mukha. Ano na naman kaya ang nangyari, Bakit na naman kaya siya nandito? Naguguluhan ako.

Bumalik siya, may bitbit na plastik. Tinanggal niya ang mga laman nito. Naknamputsa! Bumili siya ng malaking Gilbeys, Lime Juice, Yosi at pulutan. Kumpleto, wala nang maitatanggi pa. Muli siyang umalis bumalik na may dalang yelo at baso. Saka ko naisip… alam na alam pa rin niya. Ang tindahan, ang mga kinalalagyan ng ref at ng mga baso.

Hindi na ako tumanggi, sinimulan namin ang inuman. Unti-unti ang paglalabas niya ng mga nais iparating. Mahaba ang mga litanya niya. Hindi ako nagsasalita, tumutungo lamang kung kibnakailangan. Hindi ako nagbibigay ng opinyon o anupaman. Nadala na kami ng tama ng iniinom namin. Namumungay na pareho ang mga mata… matitindi na ang mga usapan. “Teka lang ha!” ang paalam ko saka nagtungo sa aparador. Binuksan ko… nang bigla niya akong niyapos mula sa likuran. “Na-miss kita… SOBRA!” ang wika niya. “Oo na… sige na mare, dun kana!” ang natatawa kong wika. Kumuha ako ng sando, kanina pa kasi ako nakahubad-baro. Naghahandang ihatid siya anumang sandali.

Pagbalik ko.. tahimik niyang pinagmamasdan ang tagayang-baso namin. “UY!” ang panggugulat ko na hindi niya pa rin inalintana. Ngumiti siya. Umupo ako sa tabi niya…. Nang bigla niya akong halikan. Sinibasib niya ako ng halik. Niyakap niya ako.. Nadala ako sa mga pangyayari. Niyakap ko rin siya, napahiga kami sa higaan. Naghahalikan. Nag-aalab. At muling nagbalik ang nakaraan.

Nakatitig ako sa kisame, nakahiga siya sa aking bisig. Nakayakap. Nang biglang tumunog ang cel ko. May nagtext.

“Pare, nandiyan ba si _______? kanina pa umalis eh.” —Ronnie.
“Oo Pareng Ron, nandito siya, nag-inuman kami…” —Fau.
“Ah ganun ba? Pasensiya na Pare ha. Susunduin ko na lang siya diyan maya-maya.” —Ronnie.
“O sige tol, sabihin ko na lang sa kanya…” —Fau.

Nagpahinga pa ako sandali. Ginising ko siya. Nagbihis kami pareho. Maya-maya dumating na si Ronnie. Nagkatitigan na lang kami ng aking ex-pinakamamahal. Nagtataka siya kung bakit naroroon ang asawa, dala ang anak nila, ang inaanak ko.

“Pare, gusto mo bang uminom?” ang alok ko. “Hindi na pare me pasok pako bukas eh! next time na lang siguro.” ang tanggi ni Ronnie. “O sige ikaw ang bahala…” ang wika ko. “Oh siya pare, alis na kami, next time na lang.” ang paalam ni Ronnie, nanatiling tahimik si ex-pinakamamahal. Inakbayan siya ni Ronnie. Nilingon niya pa ako nang papalayo na sila. Malungkot ang mga mata niya. “Hatid ko na kayo sa sakayan!” ang alok ko. Nagkukuwento si Ronnie sa daan, buhay-opisina, buhay-may-asawa. Tahimik lang si ex-pinakamamahal. Nagpaalaman at nagkamayan pa kami ni Pareng Ronnie bago sila sumakay… “Fau, sa susunod na lang ha!” ang malungkot na wika ni ex-pinakamamahal, kasabay ang pagyakap sakin at paghalik sa labi. Nakaharap ako kay Ronnie. Nagitla kaming pareho ni Ronnie, saka siya napayuko. Naunang pumasok sa sasakyan si ex-pinakamamahal. “Pare pasensiya na nalasing ata ng todo si misis.” ang pasensiya ni Ronnie. “Pasensiya na rin Pare. at Sorry!” ang wika ko sabay talikod. Diretsong pauwi.

Hindi na ako lumingon. Baka makita pa nilang tumulo na ang luha ko.

h1

pagmamahal o libog lang?

Enero 31, 2008

Papasok palang ako sa eskinita namin ay dinig ko na ang hiyawan, palakpakan at sigawan. Bumungad sa akin ang kumpulan ng mga gangster sa lugar namin na pawang mga kaibigan ko rin naman. Sawa na rin naman kasi akong makipagbolahan, makipagkwentuhan at kung anu-ano pang maaaring gawin kasama sila. Sa gitna ng kumpulan ay ang dalawang babaeng nagsasabong na parang mga manok. Nakalupasay na sila pareho sa lupa pero kapwa hindi pa rin binibitawan ang buhok at ang kasuotan ng bawat isa, isa sa kanila ay wala nang pang-itaas, tanging ang bra na lamang ang tumatakip sa kanyang malulusog na dibdib.

Luminga ako sa paligid. Nakangiti ang lahat, masayang-masaya sa libreng palabas na nasasaksihan nila. Walang sinuman ang may balak na awatin ang mala WWF na labanan ng dalawang babae. Ibinaba ko ang dala kong backpack at hinatak silang pareho. Nakalmot pako at nasampal, pero hindi ko na rin naman ininda. Nang sila ay nasa magkabilang kamay ko na, saka natauhan ang audience at umawat na rin. “Napaka-pokpok mong babae ka, alam mo nang ako na ang girlfriend ni Migz, nilalandi mo pa siya!” ang wika ni Anna. “E bintangera ka palang paksyet ka eh! Bat ko naman lalandiin yung jowa mo eh mukha namang Bakulaw yun! ano naman ang akala mo sakin? kapareho mo ng taste… YUCKKKKK! kilabutan ka naman sa mga pinagsasasabi mo!” ang banat naman ni Eloisa. “Aba’y tangina ka nilandi mo na nga ngayon nilalait mo pa!” ang wika ni Anna saka sumugod, pero hindi niya kinaya ang lakas ng mga humahawak sa kanya. “Isungalngal mo nga dyan sa utak mo na ang bakulaw ay para sa bakulaw, at wala akong panahong pumatol sa mukhang alpombrang pagmumukha ng jowa mo!” ang nanggagalaiting wika ni Eloisa. “kung ganun? eh bat text ka nang text sa boyfriend ko?” ang wika ni Anna. “Text ng text??? Hoy for your information, yung jowa mo ang text nang text sakin, nagtatatanung nang kung anu-ano, eh naaawa naman ako sa kanya dahil napakadesperado na nga niya hindi ko pa rereplayan!” ang galit na wika ni Eloisa.

Wala pa ring tigil ang palitan nila ng sama ng loob sa isa’t-isa. Nagdesisyon na rin akong pumanik na sa bahay at magpalit ng kasuotan.

Dumiretso ako sa kuwarto ko, binuksan ang ilaw, hinubad ang t-shirt, hinubad ang sapatos at medyas, kinuha ang celphone sa bulsa ng pantalon, ibinato sa kama, hinubad ang pantalon, itinira ang brief saka humiga sa kama at kinalkal ang celphone.

9 MESSAGES RECEIVED
12 MISSED CALLS

Hindi ko namalayang may nagtetetext at nagtatatawag na pala sa akin. Naka-silent lang kasi, mahirap nang maholdap ulit. Lahat ng Missed Calls at Messages ay nanggaling sa iisang nilalang…

kay AYA!

… san ka ngayon?

… kita tayo! nandito ako ngayon sa bar.

… ui magreply ka naman!

… ai nagsusuplado na aman xa! sige na txtbak ka naman!

… toh naman, bz ba? san kb kase ngaun? kita tau… miss na kasi kita eh.

… HOOOOOOOOOOOOY! galit ka ba o wala kang load?

… bat ayaw u poh sagutin calls ko?

… waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh! mis na kita galit ka ba? bz ba?

… ano ba? magreply ka naman! o sagutin mo ang tawag ko!

Umiral na naman ang kakulitan ni Aya, ganyan naman lagi siya… kapag walang magawa ako ang napagbabalingan. Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos eh hindi papalyang hindi man lamang siya magtetext. Napangiti ako, siya lang ang nakakaalala sa akin sa araw-araw. Wala na akong sinayang na panahon. Nagsuot ako ng Maong na shorts at nagsuot ng sando saka nagsinelas. Dumiretso ako sa kinaroroonan ni Aya! Mula sa di-kalayuan, naroon siya at nakikipagkuwentuhan sa isang dating katrabaho. Kumaway ako at agad naman niya akong nakita. Humahangos siyang pumunta sa kinaroroonan ko saka tumalon at niyakap ako sabay halik sa labi ko. “Mis na Mis na Kita! bat hindi mo sinasagot tawag ko or magreply man lang sa text ko, kaw talaga ha…. tara dun tayo sa inyo!”. Napangiti na lang ako.

Pagpasok na pagpasok pa lamang sa kuwarto ay kinuyumos na niya ako ng halik. Hinatak pahubad ang sando ko at itinulak sa higaan. Tinungo niya ang DVD Player saka isinaksak ang paboritong CD. Mula sa tugtog na pumaimbulong sa ere, ay ang maharot niyang sayaw na nang-aakit. Unti-unting hinuhubad ang bawat takip ng kanyang katawan, hanggang sa wala nang natira. Nilapitan niya ako, kinuha ang mga kamay ko at ipinahawak ang magkabila niyang kariktan, habang tinatanggal ang sinturon at tuluyang ibinababa ang zipper ng aking shorts.

Makalipas ang isang oras, kapwa kami nakalatag sa higaan, siya na nakaunan sa aking braso at nakalingkis sa aking katawan, at ako na nakatingala sa kisame, naisip ko, bakit ba kinakailangang magmahal lang ng iisang nilalang ng puso? kung masasaktan lang din naman. Bakit hindi pwedeng magmahal ng sabay-sabay para kung sakaling mawala ang isa, eh may pampalit na kaagad. Naalala ko na naman tuloy ang pinakamamahal ko. Pero pinipilit ko pa ring iwaksi ang aming mga alaala. Tama na siguro ang lahat. Narito sa mga bisig ko ang isa na namang anak ni Eba. Pero nasa puso at isipan ko pa rin ang alaala ng isa pa. Bakit ba napakahirap kalimutan ng isang taong minahal mo ng todo. Ginawa ko naman ang lahat. Nagpasensya, nagmahal, nagsilbi … nagsakripisyo. Pero kung hindi bukol, hindi uukol. Bata pa naman ako, maaari ko pang i-enjoy ang buhay-binata ko.

Bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makalimutan? Bakit kaya? Marami na rin naman akong putaheng natikman, pero bakit ang kanya ang hindi ko kayang pagsawaan? Magkaiba nga talaga ang pagmamahal at ang tawag ng laman.

h1

paalam na.

Disyembre 12, 2007

 003.jpg

“na-miss kita… sobra, pero alam mo namang hindi pwede diba?” ang wika niya sabay halik sa aking labi. “okay lang yun, ang mahalaga nandito ka ngayon.” ang sabi ko sabay halik sa kanyang labi.

“mahal na mahal kita Fau, at alam kong mahal mo rin ako… pero hindi ba’t mali na itong ginagawa natin?” sabay halik. “alam kong mali… pero ako naman ang nauna diba? at alam ko rin na kasalanan ko ang lahat.” ang sabi ko sabay halik.

“kaw naman kasi…” sabay halik. “ayos na nga di’ba?” ang sabi ko sabay hatak sa kanya sa kama.

malamig ang panahon pero nagbabaga ang mga damdamin. muli na namang nagliwanag ang kalangitan, nawala ang kulimlim at ang nagbabadyang ulan. nabalot ng init at nagpupuyos na pakiramdam. masyadong pribado ang mga pangyayari, pero alam kong alam na ninyo kung ano iyon.

at nang matapos…

nakahiga siya sa aking bisig at nagwika, “kaya ako bumalik para magpaalam na.”, ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “natatakot na kasi ako, masyado nang maraming nakakaalam, nakakakita, delikado na ang lagay natin.” gumagaralgal ang kanyang tinig, pero nanatili akong tahimik. “…mahal kita, alam mo yan, pero… pero… pagod na rin akong magreason kung saan ako pumupunta sa tuwing umaalis ako, nagdududa na siya… alam niyang sa iyo ako pumupunta, hinuhuli niya lang ako. may responsibilidad na ako. dalawa na ang anak ko, sana maintindihan mo”. tumulo ang kanyang luha.

niyakap ko siya nang napakahigpit, hinalikan ng paulit-ulit. “magsalita ka naman!” ang sabi niya. napipi na yata ako sa mga pangyayari. pero may ngiti pa rin sa akin labi. tumalikod siya at kumaway, nagpapaalam. alam kong mangyayari iyon. alam kong babalik siya para magpaalam. maaaring bumalik pa siya, maaaring hindi na. alam kong mali. anong magagawa ko kung mahal ko siya. tapos na ang buong araw. tapos na rin siguro ang lahat. tinext ko siya.

“hindi na ako nagsalita. gusto man kitang pigilan, alam kong mali. salamat at bago ka tuluyang lumisan ay nagpaalam ka, siguro alam mong naghihintay ako. kasalanan ko ang lahat, alam ko yon. baliw lang siguro talaga ako para umasang maaari pang ipaglaban ang pagmamahal na wala nang patutunguhan. alam kong darating ang moment na ito. hinanda ko na ang sarili ko. tatandaan mo na mahal na mahal kita. kung babalik ka pa, salamat. kung hindi na, paalam. hanggang sa muli… kaibigan.”

message sent.

binura ko ang lahat ng message niya, binura ang lahat ng litrato naming dalawa, binura ko ang pangalan niya. binura ko ang lahat – sana pati ala-ala.

i’ll try to move on. pero babagalan ko. para kung sakali. mahahabol niya pako!

h1

nagbalik siya!

Disyembre 11, 2007

a kiss is just a kiss.

gaya ng sinabi ko. kinakailangang masayaran na ng Red Horse ang lalamunan ko. kahapon alas-tres pa lang eh nag-inuman na kami ng kaibigan kong si Drey. simula pa lang ang kulit na namin. nang matapos ang tig-dalawang bote (pa lang) ng RH eh naghanap na kami ng ibang makakasama.

sinubukan kong kontakin si Jenna at Lauren. pero pagod na daw sila dahil kagagaling lang nila sa trabaho. naalala kong may mga trabaho pala sila at kami ay wala. kami na lang tuloy ng walang kamatayan kong kaibigang si Drey ang pumunta sa Bar. noong una, inisip ko na hindi ako kakakanta… pakiramdam ko paos pa rin ako. kinailangan ko pang makahitit ng tatlong stick ng yosi para mawala ang clogged nose ko. pero wala pa ring epekto. kumanta ako. at halos hindi ko talaga maabot ang high notes na sisiw lang naman talaga sakin sa normal na pakiramdam. bigo ako. hindi na ako kumata ulit at baka mapahiya pa kami pareho.

iba ang mood ko. malungkot, inaantok, masaya, masama ang pakiramdam, halo-halo… parang nababaliw na naman nga ako. nakipagkulitan ako hanggang gabi. maingay ako (alam ko!) makulit ako (kasi lasing na!) pinagpapawisan ako kaya hinubad ko muna ang shirt ko at isinampay sa balikat ko.

maya-maya may humatak nito…

magkahalong asar at kakulitan ang namuo sa isip ko. mabilis kong nilingon ang humatak ng shirt ko. at nagitla ako sa aking nasilayan. ang malantik at mahahabang pilikmata, ang mapupulang labi, ang mala-porselanang kutis, ang mahabang buhok…. nagkatitigan kami hanggang sa napansin ko ang ngiti sa kanyang labi. nilukob kami ng pagmamahal. napangiti ako… hindi ko na napigil ang damdamin ko. hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at idinampi ang aking labi sa kanya. nagyakap kami ng mahigpit. parang isang eksena sa isang pelikula.

nagbalik siya…

walang umiimik samin. pareho kaming speechless. saka ko naramdaman ang init ng mga matang nakatitig sa amin. PUCHA! nasa gitna kami ng daan. anaknaputakte ngayon lang ako naging PDA! niyaya ko na lang tuloy siya sa bahay.

h1

only reminds me of you..

Disyembre 6, 2007

kiss

habang nakikinig ako ng kanta sa cellphone ko, nakahiga, patay ang mga ilaw, nag-iisa lang ako sakwarto, ako lang ang nakakarinig ng kanta…

I see you, beside me
It’s only a dream
A vision of what used to be
The laughter, the sorrow
Pictures in time
Fading to memory

may naalala ako.

I tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you
When i turn out all the lights
Even the night
It only reminds me of you

isang tao… na minahal ko ng todo, ng sobra… nasaan na kaya siya? kamusta na kaya siya? naaalala niya pa kaya ako? lagpas nang isang buwan nang huli kaming magkita, wala man lang kahit isang text message na nangangamusta or nagpapaalam na. wala akong idea kung babalik pa ba siya o hindi na talaga. nitong mga nakaraang linggo, nitong nakaraang isang buwan… maraming pangyayari sa buhay ko ang gusto kong ikwento sa kanya… pero paano? maraming mga unussual things and experiences ang nagdaan pero hindi niya pa alam.

the last time na magkita kami – sinulit namin ang buong magdamag. ipinakita at ipinaramdam niyang mahal niya rin ako at namiss niya ako ng sobra. pero bakit kinakailangang maghintay na naman ako na bumalik siya, walang pasabi, bigla na lang dadating… mahal niya kaya talaga ako? kelan kaya siya babalik? andami kong tanong sa kanya… andami kong gustong sabihin, ikwento… pero paano?

Please come back to me
I’m down on my knees
Oh can’t you see…..

hindi lang babae ang umiiyak. lalaki din… at tumulo na nga ang luha ko. kasabay nang mahinang bulong… “sana maalala moko!”

How could I ever let you go
Is it too late to let you know.