kamusta na?
masyado na bang matagal ako sa pinagtataguan kong lungga? anyway, napansin ko kasi marami na sa inyo ang naghahanap sakin. parang kayong lahat eh naging taya na ah! so eto na at lalabas na ako…
maraming mga pangyayaring nangyari sakin sa mga nakalipas na araw o linggo. iisa-isahin ko yan sa mga susunod na posts ko. hindi ko naman pwedeng ikuwento nang isang bagsakan lang diba? kaya unti-unti lang. mahina ang kalaban, di ko kayang pagsabay-sabayin.
sa ngayon ikukuwento ko muna ang binyag.
maaga pa lang nagising na ako dahil ipinangako ko sa aking Kumpareng Ronnie na maaga akong darating. huli na akong dumating, dumiretso ako sa bahay nila kung saan ang tanging naabutan ko lang ay ang nakaraan (nakaraan na nga ba talaga?)
EX: o, antagal mo naman ata? (parang wala lang)
FAU: natrapik kasi… (parang wala lang din)
EX: nandun na sila sa simbahan nauna na. sabay na tayo.
FAU: san ba banda, kahit pasamahan mo na lang ako sa iba.
EX: bakit? papunta na rin naman ako dun.
FAU: wag ka nang magtanong, ayokong sabay tayong darating doon.
EX: oo nga pala. sige pasamahan na lang kita sa kapatid ko.
FAU: salamat.
pagdating sa simbahan, nagkamayan agad kami ni Ronnie, pinaupo niya ako at tumabi sa kinauupuan ko. mukha naman siyang masaya, mukhang totoo. pagkatapos ng binyag, bumalik kami sa bahay. asikasong-asikaso ako ni Pareng Ronnie, hindi ko pinayagang maglapit kami ni EX. nag-inuman kami. kasama ang iba pang mga bisita at mga ninong at ninang.
RONNIE: kala ko hindi ka darating pare.
FAU: pwede ba naman yun?
RONNIE: salamat sa oras mo ha! gusto ko na rin kasing magkamabutihan na tayo at matapos na ang away.
FAU: sino ba naman ang nagsabing magkaaway tayo.
RONNIE: kahit naman hindi sabihin obvious diba?
FAU: oo na, wag na nating pag-usapan yon.
RONNIE: oo nga naman.
nagpakalasing ako. nagkakakanta. ako na ata ang pinakamaingay. hanggang sa inantok ako at pinatulog ako ni Ronnie sa kuwarto nila. hindi ko malaman ang pakiramdam ko kaya nakatulog ako.
nagising ako, gabi na. paglabas ko ng bahay wala si Ronnie, sabi ni Ex, hinatid daw yung ibang bisita. magkatabi kaming nakatayo sa labas ng bahay. walang umiimik.
hanggang sa…
EX: sori ha! balak ko pa sanang bumalik, pero nahihiya na ako sayo.
FAU: bakit pa?
EX: mahal pa rin naman kasi kita.
FAU: mahal pa rin naman kita, pero ayoko na rin namang ulitin pa natin ang mga ginawa natin, pagod na rin ako sa ganun.
EX: sinasabi mo lang yan. tingin ko wala ka nang nararamdaman sakin.
FAU: ayos ka lang. pabayaan mo na ako. ayos lang ako.
EX: hindi ka ayos.
FAU: pwede bang wag mo na akong kausapin, tigilan na natin to. isipin nating panaginip lang ang lahat. tama na ang kabaliwang ito. hindi ko na kaya. maayos na rin naman kami ni Ronnie.
EX: salamat Fau, swerte ang mamahalin mo.
FAU: kaya nga ang swerte mo.
nagkatawanan kami. hindi tawanan, matunog na halakhakan. nagpaalam na ako. gabi na at mahaba pa ang byahe ko. nakasalubong ko sa daan si Ronnie, dala ang inaanak ko na anak niya. nagkamayan kami, nagpasalamatan. umuwi akong nakangiti.
pero hanggang kailan?