
*nakkkssss! marunong nako gumawa ng animation!*
mainit ang labanan sa court. tagaktak na ang mga pawis ng mga manlalaro, nagkakabakawan na, nagkakasakitan na. lagi namang ganoon, ewan ko ba kung bakit tila normal lamang iyon sa larong basketbol. maya-maya, ako na ang may hawak ng bola… paglundag ko upang i-shoot ito sa ring, bigla ang pagdilim ng paningin ko. nai-shoot ko ang bola. pero sapo ko ang kaliwang mata ko. nandidilim pa rin ang paningin ko. nasiko ako ng paksiyet na kalaban.
napikon ako.
muli kong kinuha ang bola at ibinato sa mukha niya. anak nang, tama ba namang sikuhin ako sa mata? ayos ah! eh halatang-halata pang sinadya ng gago yung pagkakasiko niya sa mata ko. “tangina!” ang wika niya sabay sugod sakin. eh mabilis ata akong umilag, nasapak ko tuloy ulit siya.
“AWATIN NIYO! AWATIN NIYO!” ang sigaw ng ibang miron. tinatamaan niya ako, pero gulpi-sarado siya sakin. nakakahiya tuloy siya, sa laki ng katawan niyang yun, samahan pa ng dambuhalang tiyan, natalo ko siya. saka lang kami inawat nang makitang nakasalampak na siya sa lupa. mga katropa din naman namin ang naglalaro, walang kampihan. napikon ako dahil napapansin kong ilang beses na niya akong nasasaktan na tila ba gumaganti sa mga ginawa kong kasalanan. teka? ano naman kayang kasalanan yun? mas bata ako sa kanya ng dalawang taon. may asawa na siya at mga anak, samantalang ako… napakalaki ng kabaligtaran namin. madalas lang niya talaga akong pag-initan. at napuno na ako.





