Imbak para sa Kategoriyang ‘dabarkads’

h1

okey na…

Pebrero 11, 2008

iba na talaga ang espiritu ng alak…. nakakawindang!

nagkayayaan kami ng kaibigan kong si Derek, na matagal ko nang hindi nakakasama. nakilala ko siya dahil dati siyang boyfriend ng kababata at kaibigan kong sa Laila. matagal-tagal na rin. ka-batch ko siya noong hayskul. wala rin naman daw magawa sa bahay nila kaya pumunta nga siya. walk-out si Laila sa pag-aakalang sinet-up ko siya. akala niya kasi pumunta si Derek para makita at makausap siya.

inuman kami, single. maya-maya nakaamoy ang kuya kong sunog-baga na lumalaklak naman ng Generoso sa kuwarto niya kasama ang kababata at dating matalik kong kaibigan na si Lester. hindi na kami nag-uusap ni Lester, matagal-tagal na ring panahon. pero pinagbuklod kami ng inuman. walang imikan hanggang sa nagkukulitan na. marami kaming napagkuwentuhang apat.

nagtetext si Laila sa kuya ko. tinatanong kung nariyan pa si Derek. ako ang nagreply at sinabing wag siyang maging OA dahil hindi naman siya ang ipinunta nito. badtrip na rin si Derek sa kaniya. tumagal nang tumagal ang inuman at kuwentuhan namin… ubos na ang isang malaking Generoso at isang case ng Red Horse at umalis na rin ang kuya ko at si Lester na pinalitan naman ni Boy. bigla tuloy ang pagiging mainit ng usapan. inungkat ko ang mga nabasa kong text message. pilit kong ipinaramdam ang nadama ko nang mabasa ko iyon. si Laila na nagkulong na pala sa kuwarto eh pinilit kong pagbuksan ako ng pintuan dahil kasali siya sa topic ng text messages na iyon. e di nakinig sila. itinama ang dapat itama at inalis ang mga mali.

hinatid ko na si Derek, nasalubong ko si Lester at napagsarhan na pala ng pinto sa kanila. saka ko napansing gabing-gabi na pala. niyaya ko na lang siyang sa bahay na namin matulog, kagaya ng dati naming nakasanayan. nagkakailangan pero natabunan ng kalasingan ang kahihiyan. saka naman nagtetetext si Wena, asawa ni Boy at ate ni Laila. nalaman niya na ang mga nangyari kani-kanina lang, ang tapatan ng sama ng loob. wala na rin naman akong sama ng loob. hindi bat sa huli kong post ay binura ko na ito? hindi kasi ako ma-pride na tao. wala rin naman akong arte sa katawan. iti-treat nya daw ako. galit daw ba ako. sabi ko inaantok na ako, na siya namang totoo. pero sabi ko “sige bukas na lang i-treat mo ako!”.

h1

hayskul prenz.

Disyembre 22, 2007

francine.jpg

maglalaro na sana ako ng Red Alert sa PC nang biglang lumitaw sina Ed at Ernest. Si Ed ang korneto ng hayskul barkada at si Ernest naman ang Super Nerd Mr. President ng klase namin noong hayskul.

kwentuhan, nag-download pa nga siya ng scandals para sa phone niya galing sa PC ko. naisipan rin naming itext ang bunsong babae ng grupo. dahil nga medyo malayo pa ang panggagalingan niya eh inabot kami ng siyam-siyam. pero okay lang kasi ilang taon na rin naman ang nakakalipas at nagkita na naman kami sa wakas, although hindi kasama yung iba dahil wala naman kaming contacts sa kanila.

napagdesisyunan naming tumuloy sa isang malapit na videoke bar. christmas party pala dun sa ayos na bar kaya no choice kundi lumipat. nakakabadtrip kasi napakapangit, napakadumi, at napakawalang-kwenta ng mga nagseserve (or kung  meron nga!) hindi na lang namin pinansin. pero talagang halos masuka ako sa sobrang dumi ng CR! napakainit pa. wala lang kasi kaming pepwestuhan kaya no choice talaga kami. nagvideoke sa walang kakwenta-kwentang machine.

hindi pa rin nagbago si Ceejay, makulit pa rin siya and mahilig pa ring manakit, mambasa… at pinagyayayakap at pinaghahalikan niya kami nang makita niya kami. si Ed, la pa ring sawang nililigawan si Ceejay kahit ilang libong beses na siyang binasted. Si Ernest. ayun at naka-polo barong. hindi man lang nagbago kahit kaunti. tahimik pa rin at pasimpleng bumabanat ng jokes at punchlines. CRIMINOLOGY si Ed, NURSING si CJ at LAW naman si Ernest. wala man lang akong maipagmalaki hahaha! hindi kami pwedeng magpakalasing at magtagal. naghiwa-hiwalay kaagad kami. pero pinangako namin na magkikita ulit kami SOON! with the others na.

P.S: ang ganda talaga ni Francine Prieto…

h1

karibal – kaibigan

Disyembre 18, 2007

text.jpg

pagkagising na pagkagising ko. may na-receive akong text galing sa isang unknown sender. curious ako sa laht ng nagtetext sakin, kaya tinanong ko kaagad siya kung sino nga ba siya. sa una hindi ako makapaniwala. masyado kasing imposibleng magtext sakin yung kumag na yun.

napansin ko ang way ng pagtetext niya… pamilyar nga. pero maaaring ganun din ang iba kaya hindi kaagad ako nagpadala sa unang tingin ko. pero siya nga daw talaga si Ronnie.

si Ronnie… isang dating matalik na kaibigan. sa sobrang close namin, lahat ng sikreto naman alam ng isa’t-isa. marami kaming pagkakapareho. pareho kami ng ilang ugali. ilang taon na rin naman ang nakakalipas, sa huli naming paghaharap. ilang beses na kaming nag-away. hindi basta away kundi bugbugan talaga. nagkakasakitan na kami. dahil sa isang komplikadong rason.

siya ang asawa ng mahal ko
. hindi ko alam kung bakit siya nagtext. alam niya ang mga nangyayari. may dalawa na silang anak. kababata ko ang asawa niya, ang mahal ko. naging mag-on sila, pero kami pa. ipinalabas naming matalik na magkaibigan lamang kami at kinakailangan din na maging matalik na magkaibigan din kami ni Ronnie. walang duda na nagaganap. hanggang sa nakita niya kami sa akto. mahal daw ako ng mahal ko pero mahal niya rin si Ronnie, ayaw niyang sabihin pero obvious na mas mahal niya si Ronnie dahil sa kanya ito sumama. although nakikipagkita siya sakin kahit lumipat na sila sa ibang lugar, kapitbahay ko kasi sila noon.

pareho kaming may kasalanan sa isa’t-isa. hindi ko na sasabihin kung bakit. parehong dumating sa punto na habang nagbubugbugan kami eh tanging ang minamahal lamang namin ang pumapagitna. ilang dugo na at luha ang nasayang. ilang beses na rin kaming napunta sa barangay.

eto nga at bigla siyang nagtext. nakikipag-ayos. tao lang ako at napakadali kong magpatawad kumpara sa iba. tinanggap ko ang alok niyang bagong pagkakaibigan. panahon na siguro para mag-give way ako. sige na… talo nako. ngayong magkaibigan na naman kami. hindi ko na sisirain yun. tama na yung minsang pagkakamali. tama na. ninong daw ako sa binyag ng isa nilang anak.

h1

dudong charing…

Disyembre 4, 2007

may usapan kami ng kabarkada kong si Renz na mag-iinuman kami kasama ang iba niya pang mga katrabaho. stay-in siya sa work niya at may mga kasama rin siya. ilang beses ko na rin naman silang nakainuman at naka-jamming sa kulitan… at talaga namang ayos ang samahan namin.

this time, may iba pang mga kasama.

kasama ko ang isa ko pang kaibigang si Jane. game si Jane sa anumang bagay, at madali siyang makakuha ng loob ng sinumang makakakwentuhan.

nagsimula ang kuwentuhan, harutan, kantahan at may kaunting sayawan. talagang todo-kasiyahan ang lahat. nakilala ko ang kabarkada rin ni Renz na si Dennis. tahimik lang si Dennis, malaki ang pangangatawan although medyo kinapos sa height, may tattoo ang magkabilang braso. nagkukuwentuhan naman kami ng isa ko pang kaibigang si Lance habang si Jane naman ay nakikipagkantahan kina Renz, Dennis at sa iba pang tao sa lugar na iyon.

maya-maya may napansin akong isang wirdong pangyayari…

sa isang sulok, nakasungaw sa bintana sina Renz at Dennis, nakatalikod sila sa amin. napansin kong naka-akbay si Dennis kay Renz sa isang nakakatuwang paraan, walang damit pang-itaas si Renz at nakasukbit sa kili-kili niya ang kamay ni Dennis, habang marahang humihimas ito. natawa ako. could it be?

maya-maya – nagkayayaang manood ng triple X, sinabihan ko si Dennis na tutal eh tagaroon siya, maghanap siya ng bala. tumagal ng kinse minutos, dumating si Dennis dala ang bala ng DVD. isinalang… at lahat ay nagulantang, Gay Sex Video. PUCHA! sinasabi ko na nga ba. pero ipinagpipilitan ni Dennis na maganda yun at may iba pang scenes na may babae naman. so okay nilipat-lipat namin, pero wala kaming nakita. Naknamputsa! Bading si Dudong (galing siya sa kabundukan) natatawa na ako at binulungan ko si Renz… “Pucha tol, alam mo ba iniisip ko?”, “Gagi hindi yan bading, lalaki yan”, ang sagot ni Renz, “pano mo naman nasabi, eh kanina ko pa nahahalata yan eh, baka naman siyota mo yan hahaha!” ang pang-aasar ko. “Tarantado, hindi ah. kilala ko yan, tsaka kita mo naman yung katawan niyan, tingnan mo naman yung mga tattoo!” sabi niya. “ayoko na magsalita, pero iba ang tingin ko. hehehe!” patuloy na pang-aasar ko. tumigil kami sa usapan nang biglang tumabi si Dennis sa kanya…

maya-maya isa-isa nang nagpapaalam ang lahat. naiwan kami nina Jane, Renz, Dennis at ako. “sige pare, uwi na ko, tinamaan ako sa ininom natin, pero salamat nag-enjoy ako”, ang wika ni Dennis sabay halik sa pisngi ni Renz… hindi ko napigilan ang pagtawa. halatang nabigla si Renz sa ginawa ni Dennis. “sige pare ingat ka na lang!” sabi na lang ni Renz sa kanya. “sa uulitin” ang pahabol ni Dennis habang papalayo.

naiwan na lang kaming tatlo. hindi pa rin nagsasalita si Renz, nakangiti ako at si Jane. “tangina niyo, asar kayo ah!” ang nasabi ni Renz. “wala kaming sinasabi, pero sa tingin mo Renz, hindi nga ba? ha ha ha!” na sinundan ng malutong na hagalpakan namin ni Jane.