h1

Oooopppsss TUMALSIK!

Marso 17, 2008

“Fau may humahanap sa iyo!” ang sabi ng kuya ko. Kasalukuyan akong naliligo nun. Nagmadali ako, malay ko ba kung sinong naghahanap sakin. Paglabas ko… si Trexx pala ang naghahanap sakin. Si Trexx ang mas nakababatang kapatid ni ex-pinakamamahal.restinpeace.gif

restinpeace.gif

FAU:          oh brod kamusta? napadalaw ka?
TREXX:     nagpadala kasi sakin si Ate Irene (panganay nila) ng celphone na kagaya nung sayo eh. papasama sana ako sayo kuya.
FAU:          san naman?
TREXX:     eh kuya, bibili kasi ako ng Memory Card, para malagyan ng Sounds at Videos tong fone ko.
FAU:          ah okay sige hintayin moko, bihis lang ako.

Matapos kong magbihis, sinamahan ko siya sa bilihan ng Memory Card para sa fone niya. Naka-dalawang branches na kami ng CD-R King pero wala talaga. Habang naglalakad kami, siyempre kuwentuhan, hanggang sa…

TREXX:     nasan ba yung celphone mo?
FAU:          eto.. (saka ko inilabas)
TREXX:     magkano nga ulit yung 1gig na Memory Card?
FAU:          mahal yun kapag bibili ka sa iba, dito ka lang sa CD-R King bibili, hahanapin mo yung PQI na Micro SD Card na 1 gig (nakkkksss!) eto ganito itsura nun (sabay tinanggal ko sa celfone yung Memory Card)
TREXX:     anliit pero ang galing andaming nailalagay no?
FAU:          oo nga eh… (habang papababa kami sa escalator, ibinabalik ko ang Memory Card… nang biglang pumitik at nawala sa kamay ko) WAAAAAAAAAH! tumalsik!

Pagbabang-pagbaba namin sa escalator, hinanap namin nang hinanap, nang tingnan ko ang dulo ng escalator, me posibilidad palang lumusot na yun sa loob ng escalator. Anak nang pawikan naman! Ba’t ba ipinakita ko pa kasi… napakatagal pa naman na nung Micro SD Card na yun tapos ngayon wala na siya! WAAAAAAAAAAAAAH! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang wala na akong pambili ng ipapalit sa kanya!

FAU:          malas ka sa buhay kong ugok ka!
TREXX:     sisihin mo pa ko kuya!
FAU:          MALAS! MALAS! MALAS!

Goodbye My Precious Micro SD Card

21 mga puna

  1. nakuuuu, sayang naman yun. pero ok na rin, kesa ang fone mo mismo ang mawala.
    (pero ang mahal na ng 1gig na mem. card ngayon ha. tsk!)

    FAU: sayang talaga camilleeee. oo kesa ang fone ko mismo ang nawala. WAHHHHH!


  2. bwahahahhahaah :D

    oopppsss… sorry :(

    FAU: waaaaaaaaaaaaah! :-(


  3. nyahahaha…baka puno ng mga scandal un kaya ka nanghihinayang…nayhayayaya wag ka mag-alala bigyan kita..lol

    oh baka piktyur ng mga bedtym adbentyurs mo. lol

    FAU: pano mo nalaman? nyahahahaha! ayos ah!


  4. *off the record*

    ei fau, yung synopsis nung latest novel mo, dont forget to give it to me para maging maayos yung format nung TOP page natin.

    good luck sa ating lahat!

    FAU: okay okay ibibigay ko na hehehe! sori na-late (ng sobra eh)


  5. sayang nga yun pare…lalo na kung mga sexy videos ang laman nun. tsk.tsk.tsk.

    napadaan lang po. :D

    FAU: salamat sa pagdaan… okay lang yung sex videos… madame ako nun pero ang pinakamamahal kong MC ang pinakamahalaga sa lahat! waaaaaaaaaaaah!


  6. oo nga, sobrang late na.

    teka comment muna ako. ahehehe

    ——–

    anak ng pawikan!? wow, bagong term yan ha! di bale, mayaman naman si fau kaya sigurado, makakabili ulit ng 1gig card yan. ahehe

    ——–

    PLUG: hi guys! marami na naman pong mga bagong postings ang TOP! medyo late ang amin release lately pero i think kahit papaano nakabawi naman kami. nga pala, we need graphic artist and beta reader for TOP. kung may kakilala kayo, feel free to drop by at http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/ – thanks!

    FAU: hindi kaya ako mayaman. sayang talaga tsk. tsk.


  7. haha! sayang mga sex scandal dun malamang! :p

    FAU: sayang nga pero mas sayang pa din si MC.


  8. [...] Oooopppsss TUMALSIK! « Ako si Fau! [...]


  9. hahaha! kabog! naku … ang swerte naman ng escalator! may memory card na siya.. haha wag ka magalala, mapapalitan din yun. :) wag ka kse masyado magpapatalsik.. kita mo na. hahahah :) peace. :)

    FAU: yun na nga ang masama yoko naman talagang magpatalsik, hindi ko napigilan… tumalsik tuloy. hehehe! sana nga mapalitan agad.


  10. bili ng bago…asust….^^

    FAU: opo opo. hehehe! bibili din ako some time soon.


  11. amp… sayang ‘yun… may balat sa pwet ‘yung kasama mo… o bka… hahaha.. lolz…

    FAU: ooopppsss! ako wala. baka nga meron siya hehehe!


  12. kung puno ng scandal yun.. nakakapanghinayang talaga..

    pero kung ikaw mismo ang bida sa scandal waaah.. nakakatakot kase baka may makapulot nun o at ipagkalat pa sa iba.. makikita mo na lang sarilo mo sa yourpor, iyottube at redtube..

    hahaha.. mag-ingat sa susunod..

    lipatero na nga pala ako..

    http://kokeymonster.com

    FAU: oo nga. me scandal nga ako dun. pero di naman kita muka ko. hehehe! at isa lang yun. nakupo sana nadurog na lang yung Memory Card.


  13. hahahhaa… living things na pla ngayon ang memory card.. tumatalon na sya.. sana pinapage nyo bka nagtambling-tambling lang.. hehehe.

    FAU: bad siya.


  14. oUcchh.. aMaN un… huhuhu :’(
    may magandanG kapaliT naman Un ehh…
    asahaN mO.. waiT u Lang.. hehe!

    FAU: oo hihintayin ko. aasahan ko hehehe!


  15. pag minamalas ka nga naman ano…

    FAU: oo nga eh tsk! tsk!


  16. LOL. can’t help it.

    aus lng yan. :)

    FAU: hehehe! ayos na nakamove-on na ako. hehehe! sooner or later mapapalitan ko din siya!


  17. know what?… parehas tayo…
    kaya lang yung akin, hindi tumalsik… nawala…
    pero hindi ako yung nakawala…ang masaklap, iba yung nakawala…
    hindi pa ako sure kung mapaplitan pa yung akin…
    (T-T)
    buti ka pa… sooner or later mapaplitan mo…
    ako?.. sooner or NEVER…
    \(ToT)/ waaaaaaaaaaah…
    nag-amok?!

    FAU: hehehe. winala na niya di pa niya papalitan! Bad siya!


  18. Ey FAU…nice short story…parang sitcom na totoo..pero di lang s’yo nagyayari yung ganyang situation..truth to the matter is when we do unusual things in strange places like the escalavator..lol its like what follow is something unexpected right there and then, usually nasisira, nasasayang worse nawawala just like your MC…Teka baka naman : A) madulas ang yong mga kamay dahil di ka na nakapag hugas ng kamay sa paliligo (ey, baka dun yung unang me tumalsik..hahaha) or B)pasmado na na yang kamay mo (left or right ba ang “constant companion” mo?? bwahaha muli)sa kaka-patalsik hehe…jokeee lang boy!

    FAU: hahahaah! ungas ka. bad ka. bashtush bashtush. hehehe! left and right pwede.


  19. okay lang yun. may darating pihado.

    FAU: sana nga… sana.


  20. waaahh! sayang.. liit kasi ng microSD. micro nga! hehehe.. bili ka nalang ulit.. ok sa CD-R King, mura.. mga 400+ lang yata 1gig. heheh.. microSD din kasi gamit ko.. pero sa Wellcom ako bumili.. 300+ lang.. lifetime warranty pa.. heheh..

    FAU: ang mura naman bili ko kasi sa PQI ko is 600+ at sa CD-R King ko pa yun binili. nyak mas mura pala sa Wellcom. subukan ko soon.


  21. ayan…wala kang ginawa kundi mag patalsik.>!ayan 2loi…nadulas sa kamay moh…basa pa kc…dapat nag punas ka kahit tissue..ahahahah…!
    just kidding!!!!!!!!!
    love u!



Mag-iwan ng Puna