h1

nakalimot na bang talaga?

Marso 4, 2008

“Nakita ko nga kagabi si (insert pangalan ni ex dito!) kina Mario!” ang bigla na lamang naisingit ng kabarkada kong si Lenny sa kwentuhan naming magbabarkada. “Gumanda ang gaga, anlaki ng ipinagbago…” ang patuloy na wika niya. “antagal na rin mula nong huli ko siyang makita” ang dugtong niya.

kung alam lang nila. na madalas namang pumupunta sa amin si ex-pinakamamahal. kung alam lang ba nila na marami pang mga nangyari matapos ang break-up namin noon. kung alam lang sana nila na habang isinisingit siya sa usapan eh tinatablan pa rin ako. konti lang pero tinablan ako nang marinig ko ang pangalan niya, nang malaman kong dumating pala siya… at ni hindi man lang ako dinaanan.

asa pa! eh ako na nga mismo ang nanakit, nang-iwan, umiwas… tapos hihintayin ko pa siyang daanan ako. medyo nanibago lang siguro ako. hindi ako sanay na dumarating siya na hindi sa akin pumupunta. ginawa niya lang din siguro iyon para ipamukha saking hindi ako kawalan at nagpapatuloy ang buhay niya kahit wala na ako. ayos yon, tama yun. sana nga maging masaya na siya, sila! sana hindi masayang ang sakripisyong ginawa ko. sana maging “mas” maayos ang lahat. sana makalimutan niya na ako. at sana makalimutan ko na rin siya ng tuluyan.

oo tama kayo. hindi madali para sakin ang ginawa kong sacrifice. ano ba naman ang magagawa ko. pero ayokong magpaka-emo. kaya ko to… kakayanin ko to. sa bawat alaalang pumapasok sa utak ko, siya namang pagbagal ng tibok ng puso ko. nawawala na nga bang talaga ang pagmamahal na pinanday ng panahon at ng pagkakataon? sana nga.

12 mga puna

  1. baka naman gusto mo pa rin siya? hindi naman imposible yun.

    FAU: oo tama ka. pero ano ba ang magagawa ko. kailangan kong magsakripisyo, gaano ko man siya kamahal kailangan ko na siyang pakawalan.


  2. matagal pa bago mawala yan fau ;) ..

    just believe na kaya mo yan at malalagpasan mo yan.

    emotera man ako pero pinapraktis ko na sarili ko sa mga nangyari din sa kin (lately).. “mind over matters of the heart” na (muna) ako ngayon ;)

    FAU: oo alam kong napakalaking pagsubok nito sa akin. alam na alam ko yun :-(


  3. ano kayang maganda gawin ko seu….

    Wag ka magagaLit papa fau ha pero kong andyan ako ngayon sa tabi mo…babatukan kita ng isa..

    OO babatukan taLaga kita!!! Di na ko magsasaLita di kita papayuhan isang baTOk lang hanggang sa makatulog ka at pag gising mo mula sa pag kahilo yayakapin kita at sasaBihin…
    Kalimutan mo na siya PLs…..

    FAU: waaaaaaaah! batukan mo na ako pliz!


  4. korek si camilleeee, it will take a while pero kapag nalampasan mo na matatawa kana lang sa mga nangyari. kaya mo yan! nu ka ba!

    FAU: oo sana nga kayanin ko as soon as possible.


  5. para mawala yan… tell her straight that

    “hey girl! kahit papaano may nararamdaman pa din ako sayo but past is past. im happy for you sa lahat ng ginagawa mo”

    but… i think it takes too much courage to say such things. ^^

    ________________________

    PLUGGING: ei guys! available na po pala ang kabanata 6 ng walang paglagyan series sa tagalog online pocketbook. medyo natagalan yung iba kaya feel free to jump in na lang (i remember yung jumper na movie! gusto ko gumawa ng fan fiction. lolz!)

    eto pala yung URL. saka kung may mga mini button kayo para sa mga website nyo kagaya nung sa akin, feel free to send it over and i li link ko kayo through that.

    you can also link us through our button na rin if possible para added pogi looks sa page nyo. (nasa ilalim ng kalendaryo yung mini button. ahehe)

    that’s all for now for the plugging, thanks!

    http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/03/08/kabanata-6-walang-paglagyan/

    (for sure marami akong barok/wrong spellings here, feel free to point it out. kung sino may pinakamaraming corrections, isasama ko sa series. ahehe. [series na ipapakain sa leon, nyahaha!])

    FAU: sinabi mo pa. too much talaga.


  6. oist! this is totally irrelevant to your post. i just to ask a favor para lumaki ang city ko. sa mga vid readers ng posts mo… PAKI COPY & PASTE LANG NG LINK NA ITO SA INYONG ADDRESS BAR – PLS?!?!?! http://kabaklaan.myminicity.com/

    Thanks!

    FAU: okay ginawa ko na.


  7. u Can do it FaU.. hehe just dReaM, BeLieve anD u wiLL sUrviVe.. LOL

    wHaTz up Dre?..

    Musta na Ba si DiLan?.. waLa na KO balita sa Knaya…

    FAU: ayos naman ang lahat. minsan ka na lang magpost ah!


  8. Aw. kumusta ka na? wala ka pang bagong post? busy?

    FAU: mabuti naman. me bago na. busy? maaari…


  9. tagal ko ng di nakakablog hop. dami kong na miss sa yo.

    anyway, magkabalikan na kase eh. lols.

    FAU: paano?


  10. sinasabi mo lang yan. alam kong mahal mo pa rin siya, pasasaan ba at muling manunumbalik ang tamis ng inyong pag-iibigan. kapag mahal mo ang isang tao. mahal mo talaga at wala ka nang magagawa pa.

    FAU: :-( ano sa tingin mo?


  11. pareng fau sensya tagal kung hindi nagparamdam… alm mo pareng fau bahgi sa buhay natin ang mga gnyang pagsubok… tiwala ako sayo n kaya u yang lampasan…

    FAU: kamusta ka na kaibigan. salamat sa tiwala at sana ay tama ka. tingin ko nga ay tama ka nya heheheheh!


  12. hindi ko alam kung ano ang buong kwento ng pag-ibig mo hehehe.. pero sabi mo nga, nagsakripisyo ka.. isang patunay na nagmahal ka nga..

    http://hiraya.co.nr

    FAU: oo. sobrang sakripisyo pare.



Mag-iwan ng Puna