
huling tatlong sampal.
Marso 3, 2008hindi pa mandin siya dumarating. planado na ang mga dapat kong gawin. hindi rin naman ito para sa sarili ko kundi para na rin sa aming lahat.
I’ve made up my mind
There is no turning back
She’s been good to me
And she deserves better than that
ayokong dumating sa punto na meron saming masaktang ng pisikal, o may mamatay pa… o anupamang mas matindi sa anumang alam kong mararanasan ko ngayon. ako na ang magbibigay-daan sa isang malaking pagbabago. pagbabagong alam kong mag-iiwan ng marka sa aming mga pagkatao.
It’s the hardest thing I’ll ever have to do
To look you in the eye
And tell you I don’t love you
It’s the hardest thing I’ll ever have to lie
To show no emotion when you start to cry
napakahirap para sakin na gawin ang bagay na ito. alam kong ito na ang maaaring maging katapusan namin. pero wala akong magagawa, magsasakripisyo na lang ako. pagod na rin naman akong niloloko ang sarili ko, itinatama ang alam naman nating lahat na mali. alam kong masasaktan siya… ako man ay masasaktan din.
I can’t let you see what you mean to me
When my hands are tied and my heart’s not free
We’re not meant to be
“bat nandito ka na naman?” ang maangas kong wika sa kanya. “namiss kita!” ang wika niyang may pag-aalinlangan dahil sa ipinakita kong maaligasgas na pakikitungo sa kanya. panahon na kasi para ayusin ang mga nasira ko. mga nasira naming dalawa. mabait sakin si Ronie, bakit kinakailangan pa niyang masaktan gayung ang tanging ginawa niya ay minahal niya ang mahal ko.
It’s the hardest thing I’ll ever had to do
To turn around and walk away
Pretending I don’t love you
“huling pagkikita na natin to. may iba na akong mahal… ayoko na nang ganitong sitwasyon, makakaalis ka na!” ang seryoso kong wika sa kanya, habang nakatitig siya sa aking mga mata. ganun naman ako… magaling magtago ng nararamdaman, natural naman ata iyon sa lalaki.
I know that we’ll meet again
Fate has a place and time
So you can get on with your life
I’ve got to be cruel to be kind.
tatlong sunud-sunod na sampal. nabingi ako dahil tumama ang isa sa tenga ko. at alam kong may halong poot ang bawat imbay ng kanyang palad. tinalikuran ko siya. hinayaang gawin niya ang maaari niyang gawin. lumayo ako, pagbalik ko wala na siya. hindi na siya nagtext o nagparamdam.
tama na. alam kong tama ang ginawa ko. isinakripisyo ang dapat isakripisyo para sa huli, wala nang masasaktan pa. pagod na akong magkunwaring tama ang mali. pagod na rin akong manakit ng mga walang muwang na nilalang. ayoko na…. sana nga.



dats a gud start fau.
mahirap lang sa umpisa yan. lahat ng bagay lilipas din pag natuto tayong bitawan ang mga ‘to.
gudluck.
FAU: sana naman eh kayanin ko to.
Kanta pala iyan. Hehehe.
FAU: hehehe. oo nga po. The Hardest Thing ng 98 Degrees.
OUCH! ang sakit..
FAU:
sinabi mo pa. para akong sinasaksak ng paulit-ulit.
nakakalungkot man pero kung ano ang alam nating makabubuti, yun ang dapat nating gawin. kung ano ang isinisigaw ng puso natin, kahit na masakit tanggapin, dapat pa ring sundin,.
FAU: oo tama ka kaibigan. wala tayong magagawa, masakit man tanggapin ang isang bagay kinakailangan pa ring gawin. para sa ikaaayos ng lahat.
hay buhay… oo, tama.
-
naliligaw ako sa faith.
FAU: bakit naman at paano mong nasabi ang bagay na iyan! hindi ka na ba nagsisimba?
mahusay ang akting mo ay mukhang nabadtrip talaga sya..sakit naman nun. (yung masampal)
pero andyan na yan eh panindigan mo na para magtuloy tuloy ang recovery mo.
di ko alam pero siguro last resort ko na yang ganyang ginawa mo pag makikipagbreak. try ko na lang mag explain.
FAU: ayoko kasing mag-explain pa. maaayos kasi namin yun, at malamang na hindi ko na siya kayaning iwanan pa.
hindi lang naman kasi sa pagsisimba yun.
FAU:
“haayy.. Fau, di ko alam eh.. sya ang may gawa.. sya na rin ang nagsabing wala na ako sa puso nya..
tanga ako.. tanga-tanga talaga.. bakit di ko kaagad naisip na mangyayari ito sa akin..?
wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang masakit na katotohanan..”
sakit din pala ang sampal na yun.. halos pareho lang tayo ng nangyari.. [sumakit ang puso.]
FAU: nakakalungkot naman. tama ka pareho tayo – nasaktan. ang mga puso. nya hahahaha! be happy. marami pa namang darating eh.
ahehe.. naadd na kita kuya fau..
magiging tagasubaybay na rin ako sa iyong mga pinapaskil.. ahehe. 

hmmm.. ahehe.. tama.. move on.. and actually malapit na syang mawala sa puso ko.. ahehe.. ang saya!
anyways.. hmmm.. salamat sa pag-add ha..
yun lang kuya fau.. ingatz!! thanks..
p.s.[malapit na.. konti pa.. bukas wala na..]
FAU: sana nga sana.
i don’t know the whole story but i can relate to what you are feeling… hirap no? pero keep the faith. the right one will come your way.
FAU: sana magmadali siya. hehehehe!