
gusto kong bumalik…
Marso 1, 2008i want tu bi a tutubi
na walang tinatagong bato
na nahulog sa lupa
tinuka nang manok
na nanggaling sa buuuuundokkk!
gusto ko na namang bumalik sa pagkabata? bakit kanyo? gusto ko kasing mawala ang lahat ng mga alalahanin ko sa buhay… marami na namang gumugulo sa utak ko nitong mga nakaraang araw. minsan gusto kong bigla na lang maglaho. minsan napapraning ako at nag-iimagine… ano nga kaya kung bigla na lang akong bumalik sa pagkabata? maayos ko kaya lahat nang mga pangyayaring hindi ko nagustuhan…
gusto ko pa kasing i-enjoy ang kabataan ko. gusto kong maligo nang maligo sa ulan. makipagtakbuhan nang walang kapaguran. mamawis nang sobra sobra saka mag-amoy-araw… kahit minsan pa. pero sa kabila nito, naisip kong maaga na naman akong patutulugin, kahit tanghali, kinakailangang matulog. wala akong laban sa mga abnormal na tambay o mga kuya ko. me mga side-effects pa rin pala. wenonamanngayon? kahit pa! gusto ko pa din bumalik. kung pwede lang ba sana talaga.
hindi pa sana ako nakakaramdam ng hapdi at kirot sa puso nang madalas. hindi sana ako namomroblema sa paghahanap ng trabaho – at paghahanap ng taong mamahalin ako at siyempre mamahalin ko. hindi sana ako namomroblema. kung bibigyan lang ulit ako ng pagkakataon… hindi man perpekto pero ikokorek ko. ang mga ginawa kong hindi maganda noon, gaya na lamang ng pagbubulakbol sa eskwela, pananakit ng damdamin ng iba… malamang marami pang iba. gusto kong mawala kasi ang lahat ng mga alalahanin ko sa ngayon, gusto kong magpahinga. kung pwede lang ba sana. bakit hindi di ba?



sumingit at naki-comment.
“i want tu bi a tutubi
na walang tinatagong bato
na nahulog sa lupa
tinuka nang manok
na nanggaling sa buuuuundokkk!”
yan yung isa sa mga paborito kong laro nung mjo mas bata pa ako. ahaha. naalala ko lang. sa mga sinabi mo kuya (16 pa lang ako) naisip ko na dapat mag dahan dahan na ako sa pagkilos para hindi ko na pangarapin ang bumata pa. tsk. pero bahala na ang future ko. hehehe. ingat!
FAU: oo dapat lang. teka teka… pano ka ba kumilos kasi… ganun ka ba kaharot?
medyo di maganda childhood ko eh kaya gusto ko rin bumalik sa nakaraan.. kung may time machine lang sana.. o kung andito lang sana si doraemon hindi malayong matupad ko yun…
FAU: oo kung nandito nga lang sana si Doraemon.
noong una pamilyar lang yung nakasulat sa pula, pero nang nabasa ko na, nasabayan ko na ng pagkanta.
ang pagkabata nga naman natin? parang kailan lamang pero matagal na pala. naalaala ko rin ang mga ginagawa ko noong bata pa ako, at ang panghihinayang ko sa mga nangyari na, sa mga pagkakamali, sa mga sariling kapahamakan. hindi na sana nangyari ang mga mali.
FAU: hindi na nga sana nangyari pa ang mga maling iyon.
naka naman senti na naman papa faU…
Kung Pwede nga lang sana maibalik ang lahat marami sana tayO pwede itama. Mga bagay na di naman natin noon alam at sinasadya, naGbunga ng mga kaka-ibang resulta sa hinaharap. Gaya ko naisip kong bumalik sa pagiging bata di ako mangangatwiran or sasaGot sa mga lolo at lola nagpalaki sa akin. NgayOn pinagsisihan ko ang lahat ng Yon. Pinagsisihan ko di ako nag aral na mabuti noon bata pako, pinagsisihan ko ang pagpunta ng araw na Yon sa ilog kaya nasugatan ako at nag iwan ng malalaking peklat…
Hayyyy…. Kong maibabaLik ko lang ang lahat.
FAU: ang hirap isipin no?
kung pede lang hilahin pabalik ang panahon.
at kung pede lang magpa opera ng puso para mapalitan at matanggal lahat ng nakatagong nararamdaman.
haayy.. kung pede lang sana..
FAU: waaaaaaaaaaaaah! bakit ganun? bakit kaya lahat tayo ay may ganung nakaraan?
ang sarap talagang balikan ang nakaraan ng pagkabata…
kahit na ang dami mong kamalian…
FAU: oo naman. napakasarap talagang balikan. kahit na napakarami pang kamalian.
hehe. hindi naman. sa tingin ko, kailangan ko lang magisip pa ng mabute. minsan kasi tatanga-tanga ako eh. ayun. pero di naman maharot.
FAU: ah. ganun ba. hehe. sori po
pWdE mo ituro sakin toNO nan.. hehe di me aLam yan.. wanT me TuloY bumaLik din sa pagkabaTa.. ehhe
musta?
FAU: eto mabuti. hehehe! text text ha!
speaking of bundok, ano bang magandang puntahan ngayong summer?
FAU: u min bundok? ah eh di sa makiling. sarap mamundok ngayon.
parang naisip ko n din un eh… hehehe
parang ikaw nagsabi ng mga gusto kong sabihin…
masarap tlga maging bata… hay.
FAU: hayyyyy!
anu ka ba naman..>!!! mahal na kaya kita…kaya di moh na kailangan alalahanin yang mga bagay na yan…ahahah..>!lalo na sa pag hahanap ng mamahalin at mag mamahal sau
lav yah!!!!!!!!!!