
T I B O K – 003
Pebrero 27, 2008
“may problema ba?” ang wika ni Nikolas. marahan akong lumabas ng kuwarto. nagkatinginan pa kami ni Ayessa. nagsindi ako ng yosi. pampawala ng nerbiyos. kumalampag sa loob ng kuwarto. dagli akong pumasok, naabutan ko si Nikolas, sinusuntok ang sementong pader, habang nagmamadali ang mga luha galing sa magkabilang mata. “bakkkkiiiiiit???” ang wika niya. niyakap ako ng matalik kong kaibigan, habang sinusuntok ang pader. “pinagkatiwalaan ko kayo, hindi ko akalaing magagwa niyo sakin ito!” ang wika ni Nikolas, habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha.
nagkatitigan kami ni Ayessa. “sinabi mo?” ang tanong ko sa kanya. “hindi… pero alam na niya, halatang-halata daw eh!” ang wika ni Ayessa. “sinabi mo. hindi niya malalaman kung hindi mo sinabi!” ang wika ko. patuloy siya sa pagtanggi. nagwalk-out si Ayessa. naiwan kaming dalawa ni Nikolas.
“Best bakit?” ang tampong wika niya. hindi ako makapagsalita. guilty ako sa mga nangyari. “sori, hindi namin sinasadya ang mga nangyari, patawarin moko!” ang wika ko. “akala ko ba akin na siya? akala ko ba wala ka nang nararamdaman sa kaniya!” ang galit na wika niya. “gumanti ka, sapakin moko! tadyakan moko! saktan moko! magpakalalaki ka!” ang wika ko sa kanya.
—* may huli pang karugtong last na un pramis! *—


