
T I B O K – 004
Pebrero 27, 2008ito na ang huling bahagi ng mahaba kong post. sana ay nagustuhan niyo ang buong kuwento…

hindi niya ako nagawang saktan. pero mas naramdaman ko ang pagkakamali ko. hindi na niya ako kinausap pa pagkatapos nun. inilayo na rin niya ng lubusan si Ayessa. hindi ko siya masisisi. lalo pang yumabong ang kanilang pagmamahalan. nagkaroon ng mga anak.
makalipas ang dalawa o tatlong taon. muling naayos ang lahat. pero may ilang nang nadarama ang bawat isa. hindi na kami matatalik na magkakaibigan, kundi mga simpleng magkakakilala na lamang. pormal na ang mga usapan, wala na halos biruan.
nagkaroon sila ng tampuhan, pagka-iresponsable ang dahilan. ilang ulit nang nagbigay si Ayessa, pero hindi nagbago si Nikolas, ugaling-binata pa rin siya. nagwakas ang lahat. dumating si Ayessa, at nakipaghiwalay na sa kanya. nagsimula na ang lahat. hindi na naman kami nagbatian ni Nikolas, madalas na katext ko si Ayessa. masakit na raw magsalita si Nikolas.
“buti naman wala siyang sinasabing masama sakin?” ang tanong ko sa text. “anong wala… sabi niya hanggang ngayon daw eh may gusto ka pa rin daw sakin!” ang sagot ni Ayessa. hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. kilalang-kilala pa rin ako ni Nikolas. tinulungan kong makalipat si Ayessa kasama ang mga anak. magsisimula raw sya ng panibagong buhay, at welcome ako doon.
ano kaya ang ibig niyang sabihin? bakit kinakailangang i-welcome niya ulit ako sa panibagong buhay na tatahakin niya. nabuhay ang dati naming pangarap. nais niyang magtrabaho kaming lahat, kasama ang kapatid niya. at titira kaming lahat sa iisang bahay. pangarap namin yon… NOON! pero isa lamang ang naiba, kulang na kami ng isa.



salamin ba ito? salamin mo ba ito? gusto mo lang bang aliwin ang imahinasyon mo sa kinalalagyan mo sa kasalukuyan? hindi natin masasabi na maging ganun nga ang mga bagay-bagay. ewan! marami din ako naiisip at malamang iba lang. katraidoran, infidelity, kairesponsablehan, lust and not love. effective sya at nadadala mo ang readers sa short story mo but then its bcoz we den knew na ganyan din ang sitwasyon mo, d b? with ur previous post. it wud be lame kung wla akong alam with ur background. keep it up!
FAU:
hindi ko maintindihan kung ano ang nais mong iparating. salamin? hindi ito salamin, nangyari ang pangyayaring iyon. at hindi ko alam kung bakit.