h1

T I B O K – 001

Pebrero 24, 2008

nagtataka ako…

bakit ba kinakailangang malaman at ipagnuknukan ang isang napakapait na katotohanan. bakit kinakailangang sumabog at sumambulat na lamang bigla ang isang nakaririmarim na nakaraan…

TIBOK

“hindi ko matandaan kung san ko nilagay yung celphone… hainaku!” ang pabulol-bulol na wika ni Ayessa. nakahiga siya, lango sa alak. Ako naman ay walang tigil sa pagsubo ng tagsampumpisong ispageting nabili pa sa kanto. “alam mo ba? malaki-laki ang kinita ko ngayon… ipaayos natin itong kuwarto mo!” ang aya niya habang nakayakap nang marahan sa akin. nakapalibot ang kamay sa aking leeg, habang ako ay tuloy pa rin sa pagkain ng ispageti.

alas-singko na pala ng umaga. kararating niya lang galing sa trabaho. nagtatrabaho siya sa East Asia KTV. gisingin moko maya-maya ha. para ipaayos na natin tong kuwarto mo.” ang huling nasambit niya saka dumiretso sa pagtulog. katatapos ko lamang na ubusin ang ispageting walang gatol kong inupakan. pinagmasdan ko si Ayessa. ex-girlfriend ko siya, at girlfriend naman ng bestfriend kong si Nikolas. wala si Nikolas, pinauwi na naman sa probinsiya ng mga magulang niya. hindi pa naman sila seryosong magsiyota, ako lang ang nagpumilit sa kanila na maging sila.

pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, sa sobrang kalasingan ni hindi na niya natanggal ang high heels na suot niya. nakataas na ang miniskirt niyang maong, litaw na ang panty niyang puti.

pinatay ko ang ilaw. tumabi sa kanya sa paghiga gaya nang nakasanayan namin. nang bigla niya akong yakapin. nakatapat ang dibdib niya sa mukha ko. ewan pero me kuryenteng dumaloy. inabot ko ang kanyang labi. hinalikan, kinuyumos, hanggang sa lumalaban na siya nang laplapan. mabilis ang mga pangyayari. itinaas ko ang pang-itaas niyang damit, tinanggal ang bra, sinisid ang matayog niyang kabundukan.

hinatak niyang pahubad ang t-shirt ko. nagmadali akong nagtanggal ng sinturon, shorts at brief. ibinaba niya ang panty niya at bumukaka… “Fau…” ang kanyang nasambit.

—* may karugtong *—

Isang puna

  1. kasi ang katotohanan, minsan, mahirap tanggapin…

    FAU: oo nga :-(



Mag-iwan ng Puna