
kabaliwan…
Pebrero 20, 2008 
“Fau may naghahanap sa iyo!” ang wika ng isang batang taga-samin. Wala naman akong hinihintay, pero dagli kong tinungo ang pintuan, bumaba sa hagdanan at tinungo ang kinaroroonan ng naghahanap sakin. “Kamusta?” ang nakangiting wika niya. Nakaminiskirt siyang maong, nakatakong at nakaputing sando. “O! eto ayos lang, ikaw? Kayo?” ang natataranta kong naisagot sa kaniya. Biglang nagbago ang itsura niya, nawala ang ngiti – at tanging napansin ay ang namumugtong mga mata. Alam ko na ang gagawin ko, “O bakit? me problema ba? nag-away ba kayo?” ang wika ko sabay aya sa kanya papasok sa bahay. Dumiretso kami sa kwarto ko. Umupo ako sa upuan at siya ay sa higaan.
“Ano?” ang tanong ko. Nanatili siyang nakayuko. “Gusto kong uminom…” ang wika niya. “Ano ba kasi ang problema mo?” ang muli kong tanong. Tumayo siya, lumabas sa pintuan… Sinalo ng mga palad ko ang sarili kong mukha. Ano na naman kaya ang nangyari, Bakit na naman kaya siya nandito? Naguguluhan ako.
Bumalik siya, may bitbit na plastik. Tinanggal niya ang mga laman nito. Naknamputsa! Bumili siya ng malaking Gilbeys, Lime Juice, Yosi at pulutan. Kumpleto, wala nang maitatanggi pa. Muli siyang umalis bumalik na may dalang yelo at baso. Saka ko naisip… alam na alam pa rin niya. Ang tindahan, ang mga kinalalagyan ng ref at ng mga baso.
Hindi na ako tumanggi, sinimulan namin ang inuman. Unti-unti ang paglalabas niya ng mga nais iparating. Mahaba ang mga litanya niya. Hindi ako nagsasalita, tumutungo lamang kung kibnakailangan. Hindi ako nagbibigay ng opinyon o anupaman. Nadala na kami ng tama ng iniinom namin. Namumungay na pareho ang mga mata… matitindi na ang mga usapan. “Teka lang ha!” ang paalam ko saka nagtungo sa aparador. Binuksan ko… nang bigla niya akong niyapos mula sa likuran. “Na-miss kita… SOBRA!” ang wika niya. “Oo na… sige na mare, dun kana!” ang natatawa kong wika. Kumuha ako ng sando, kanina pa kasi ako nakahubad-baro. Naghahandang ihatid siya anumang sandali.
Pagbalik ko.. tahimik niyang pinagmamasdan ang tagayang-baso namin. “UY!” ang panggugulat ko na hindi niya pa rin inalintana. Ngumiti siya. Umupo ako sa tabi niya…. Nang bigla niya akong halikan. Sinibasib niya ako ng halik. Niyakap niya ako.. Nadala ako sa mga pangyayari. Niyakap ko rin siya, napahiga kami sa higaan. Naghahalikan. Nag-aalab. At muling nagbalik ang nakaraan.
Nakatitig ako sa kisame, nakahiga siya sa aking bisig. Nakayakap. Nang biglang tumunog ang cel ko. May nagtext.
“Pare, nandiyan ba si _______? kanina pa umalis eh.” —Ronnie.
“Oo Pareng Ron, nandito siya, nag-inuman kami…” —Fau.
“Ah ganun ba? Pasensiya na Pare ha. Susunduin ko na lang siya diyan maya-maya.” —Ronnie.
“O sige tol, sabihin ko na lang sa kanya…” —Fau.
Nagpahinga pa ako sandali. Ginising ko siya. Nagbihis kami pareho. Maya-maya dumating na si Ronnie. Nagkatitigan na lang kami ng aking ex-pinakamamahal. Nagtataka siya kung bakit naroroon ang asawa, dala ang anak nila, ang inaanak ko.
“Pare, gusto mo bang uminom?” ang alok ko. “Hindi na pare me pasok pako bukas eh! next time na lang siguro.” ang tanggi ni Ronnie. “O sige ikaw ang bahala…” ang wika ko. “Oh siya pare, alis na kami, next time na lang.” ang paalam ni Ronnie, nanatiling tahimik si ex-pinakamamahal. Inakbayan siya ni Ronnie. Nilingon niya pa ako nang papalayo na sila. Malungkot ang mga mata niya. “Hatid ko na kayo sa sakayan!” ang alok ko. Nagkukuwento si Ronnie sa daan, buhay-opisina, buhay-may-asawa. Tahimik lang si ex-pinakamamahal. Nagpaalaman at nagkamayan pa kami ni Pareng Ronnie bago sila sumakay… “Fau, sa susunod na lang ha!” ang malungkot na wika ni ex-pinakamamahal, kasabay ang pagyakap sakin at paghalik sa labi. Nakaharap ako kay Ronnie. Nagitla kaming pareho ni Ronnie, saka siya napayuko. Naunang pumasok sa sasakyan si ex-pinakamamahal. “Pare pasensiya na nalasing ata ng todo si misis.” ang pasensiya ni Ronnie. “Pasensiya na rin Pare. at Sorry!” ang wika ko sabay talikod. Diretsong pauwi.
Hindi na ako lumingon. Baka makita pa nilang tumulo na ang luha ko.



hala grabe… naku, mahirap yata mag move on kapag ganyan.. Be strong!
FAU: oo nga eh. Don’t worry, i will…
aaawww…
mahal mo nga sya fau.. swerte nya…
FAU: bakit kasi ganito?
Ay! depress din akey. Join tayo sa MMK!!
FAU: hehehe!
tsk, tsk!! nararamdaman ko mahal mo pa siya at di mo pa siya maalis sa sistema mo. Di mo siya basta basta mabubura sa ISIP MO kong di mo siya tuluyan iiwasan.
Napaka swerteng babae ang daming nagmamahal sa kanya.
papa faU, para sa ikabubuti nyong lahat pilitin mo maka move on alang alang sa bata
FAU: pinipilit ko naman eh… pero sadya talagang napakahirap. bakit akala ko nakalimutan ko na siya pero kapag bumalik siya, agad kong tinatanggap, hindi ko matanggihan… bakit ganun? ang hirap naman?
aawww.. i feel for you.. ang hirap tlaga ng ganyang feeling..
FAU: oo sinabi mo pa? napakahirap talaga…
wow. ansipag mong magblog.
FAU: hehehe! salamat po.
goodness gracious! nirerespeto ko na nagkaroon kayo ng nakaraan at para saken masyadong unfair sa asawa ng ex mo ang mga pangyayari. sana hindi ito nangyayari sa inyo pag nag-aaway silang mag-asawa. to think meron pa silang anak.
sa blog mo (sa kabuoan), pinakilala mo ang sarili mo na malawak ang pag-iisip at matalino. sana next time ‘kaw na ang umiwas na may mangyari sen’yo.
ang tamang tao para sa’yo dadating din yan sa tamang lugar at panahon. i know it would be tiring to wait but sabi nga nila “patience is a virtue” but it would be quite a wait.
wish you more strength and wisdom =)
FAU: oo. alam ko namang unfair na kami sa mga ginagawa namin. masyadong nagiging martir si Ronnie – pasalamat na rin ako at naiintindihan niya ang sitwasyon. ang anak nila ay bunga lamang ng isang pagkakamali, kalasingan, pagpapabaya… pero mahal nilang pareho ang anak nila. mahal na mahal. pero alam ko rin naman na kung pagmamahal ang usapan… alam nila ang totoo. wag kang mag-alala, pipilitin ko pa rin.
hirap ng ganyang kalagayan. sa tingin mo ba wala nang papalit sa kanya?
FAU: sa ngayon tingin ko wala. pero sana nga meron… isa na talagang kaabnormalan to.
i feel sad i dont know kung para kanino..sau? sa girl? kay ronie? o sa sarili ko, dahil somehow nakakarelate ako. ewan!
FAU: ganun ba. ako man hindi ko alam kung sino ang mas kawawa at ang mas panalo samin, satin…
hala anong ngyari??
anak ng tokwang baboy..(with lots of fresh onions..lolz)
grabeh ha..ang lufeet!
im taking ur story as a male version of mine..^__*
the difference is that,i put an end into it na..
like u, my x is married now…they were bestfriends..who happened to crossed the line accidentally(ours is long distance relationship)..they get married and recently get separated..reason?they felt awkward with each other…the girl loves him more than a friend..and my ex tried to patch things with me but i refused, i told him not to patch up things with me but to his wife na lng..he cares for his wife as a friend..cguro nman kya rin niyang mahalin ito bilang asawa..
i let him go..coz its the right thing to do.
sometimes,sotimes love is not enough to make a relationship work..
its hard on my part,but the the only consolation is that i did the right thing..we parted ways as friends…and i’ve heard that annulment for their marriage is out of the scene already..i wish them happiness(hindi un plastik ha..lolz)
hopefully, i can overcome the pain soon.
just sharing my piece..lolz!
sana makapg let go ka na rin.
cheers for the broken hearted..lolz!
FAU: alam ko na naramdaman mo rin ang nararamdaman ko. alam ko na kayang-kaya mo kong intindihin – mali eto pero ano pa ang magagawa ko kung ang inaakalang TAMA ng puso ko eh etong maling ito. sana nga maka-move on na rin ako… sa ngayon… imposible.
makakahanap ka Din ng hihigit dUN..
FAU: sana nga. pero ano kaya ang pinakamabuti at pinakamadaling gawin para magawa ang dapat?
FAU: alam ko na naramdaman mo rin ang nararamdaman ko. alam ko na kayang-kaya mo kong intindihin – mali eto pero ano pa ang magagawa ko kung ang inaakalang TAMA ng puso ko eh etong maling ito. sana nga maka-move on na rin ako… sa ngayon… imposible.
sana lng kasing simple ng 1+1=2 ang problema ng puso.@_@
FAU: sana nga…
kaya mo yan bossing
FAU: sana nga. sana….
ang hirap ng situation nyo…napaka-unfair sa bata
btw, hindi sya (bata) pagkakamali… sya ang pinaka-dehado sa lahat, sana di na lang sila nagpakasal if they don’t love each other.
I can’t give you advice, kung ako din ang nasa situation mo hindi ko din alam ang gagawin ko.
I just hope that your story will have a happy ending… an ending that is fair for all…
FAU: sana nga. lalo pa sa isang malaking ginawa ko sa ngayon.