
pssst! kolboy tara!
February 14, 2008napansin ko lang, masyado ata akong naapektuhan sa mga nakaraang kaganapan. siguro panahon na para talagang tigilan na ang topic, kalimutan ang mga nangyari… at mangibang landas na. nakakasawa na rin naman kasi diba?
“psssssssssst!” may naninitsit, sa dinami-rami ng mga tao sa paligid, hindi ko rin naman malaman kung bakit nararamdaman kong ako ang sinisitsitan nang kung sinumang nilalang na iyon sa gawing kaliwa ko. nilingon ko ang pinagmumulan ng sitsit. nakangiti siya, alam kong sa kanya nagmula ang sitsit na iyon. hindi ako masamang tao, nginitian ko rin siya, pero patuloy sa pagbagtas ng putikang daan. kagagaling ko lang sa gym, pagod na ako… balak ko na talagang mahiga na lang.
nalimutan ko na sa sobrang pagod ang sinumang tumatawag sa akin kanina, at nakangitian ko pa. nang bigla na lamang may mainit na palad na dumampi sa aking balikat. mabilis akong napalingon at medyo umiwas. ngumiti siya ulit, pero ako… hindi na. sinundan niya ako. “mukhang pagod ka ah! san ka ba nanggaling?”, ang tila ba matagal ko nang kakilalang winika niya. “ah eh… kagagaling ko lang sa gym, pauwi nako”, ang sagot ko, kasabay nang mas mabilis na mga hakbang.
“nagmamadali ka ba? baka gusto mo muna akong samahan? nalulungkot kasi ako, gusto ko ng kasama…” ang malambing niyang wika. “oo eh, may pupuntahan pa kasi ako. kailangan kong makarating doon kaagad. hanap ka na lang ng ibang makakasama…” ang magalang kong sagot. “ganon ba? ikaw kasi ang gusto ko eh… siyanga pala dun ako nakatira sa bahay na iyon, kung libre ka, puntahan moko!” ang nakangiti niyang wika. “oo ba, basta me free time pupuntahan kita, inuman tayo. talagang nagmamadali lang kasi ako ngayon eh.” ang wika ko.
“okay sige, hihintayin ko yung araw na yun, ako nga pala si… Melvin!” ang wika niya saka abot ng palad. huminto kami sa paglalakad. nagkamayan, nagpakilala ako, “ako naman si Fau, sige basta next time puntahan kita”. saka ako lumakad papalayo.
tama, si MELVIN ay bading. hindi ko siya kilala, pangatlong beses ko pa lang ata siya nakikita… madalas kasing nadadaanan ko ang bahay niya. nang nginitian ko siya, iba na pala ang iniisip niya. hindi ako galit o ayaw sa mga kagaya niya… tao rin sila, normal… medyo kakaiba nga lang. may mga kaibigan at kakilala rin naman akong kagaya niya, hindi halata - lalaking-lalaki kung titingnan, kung magsasalita at kung pumorma. pero iba pala ang damdamin. ayoko siyang gaguhin o bastusin, hindi ako nagsisinungaling nang sinabi kong next time.. me posibilidad, kailangan niya ng kaibigan. at ayos ako kung pagkakaibigan lang naman ang hanap niya. patatawanin ko siya sa kalungkutan niya, pero malamang na hanggang dun lang iyon. sana lang wala na siyang ibang binabalak pa.



wahaha! una ako sa comment.. toinkz.. paunahan ba to?? me premyo ba?? haha!
wow! bait pala ng taong to.. hehe.. tama ka.. kawawa naman kasi pag-binabastos o pinagtawanan sila.. hehe..
cge, gudLuck sa next time.. sana ay paligayahin mo siya ng todo.. wahaha!
FAU: hahahaha! talagang paligayahin? btw. thankz po sa komento.
ahehe… tama ka fau. ako man may kaibigan ding ganyan nuon. ngayon tunay na lalaki na sya — may asawa at pamilya.
nag-ikot-ikot lang ako sa blogosphere, para bumati. maski wala ka yatang ka-valentine’s — hapi heart’s day!
FAU: happy valentines ha!
walang problema! yan lang kasi ang nagagawa ng mga tambay na tulad ko.. wahaha! hanggang sa susunod na kwento.. para mag mapaglilibangan akong basahin.. hehe..
FAU: hahaha! ganun? salamat nga pala sa pagbisita tol…
si clarence at si melvin. maraming kaso ng ganyan. kailangan silang maintindihan ng mga tao sa paligid. tao rin sila, nasasaktan, naghahanap.
FAU: oo naman…
uy! musta na! remember me?
happy valentines ha?
naku kauuwi ko lng.
Ansaya.
daan ka minsan sa blog ko huh?!
sige. 2log na ko.
FAU: yah… syempre naman, pano ba naman kita makakalimutan… eh anlufet ng design ng blog mo. eniweiz… dmadalaw naman ako sa blog mo ah. hehehe!
isa kang mabait na bata…
FAU: hehehe!
grabe iba talaga alindog mo papa faU hahhaah…
nakakatuwa ka…kasi magalang ka pa rin sumagot. Maganda yan,..tuloy tuloy mo lang. heheheh
FAU: eh kasi yoko namang mambastos lalo pa kung hindi rin naman bastos yung approach nung tao sakin.
Valentines naman daw. Share ka naman daw diyan. Hehe. Spread the love.
FAU: hehehe!
kunsabagay kelangan nga tlaga nya ng kasama.. Kahit ako dami ding mga ganyang kaibigan peo sila pa yung kadalasang hindi nang-iiwan sa ere at talagang ipagtatanggol ka.
FAU: oo naman. ibang klaseng mga tao sila eh.
mukhang malakas ang dating mo sa mga badingarzee ah?
FAU: bakit naman. nya hehehehe! hindi naman siguro.
Visit me…
FAU:
ako naman, i dont need their understanding. im happy with my life.
i feel your sincerity.
FAU:
tenkz…
pre baka gusto mo magpamanage sakin..lols! hindi ako naniniwalang walang ibang intesyon yung Melvin sayo..ibang klase ka rin kasi talagang hindi ka nailang sa kanya at talagang plano mo pa pumunta sa lungga nya. kung ako siguro yan ang lakas na ng kaba sa dibdib ko.
FAU: hehehe! iniisip ko kasi na kagaya rin siya ng mga kakilala ko, na ala namang intensyong iba… kundi friendship.
nice one!
pero lumang script na yung kay melvin… nasa sau rin yun kung kumagat ka…
at since mabait ka, pwede mo syang diretsuhin na hanggang friendship lang ang maibibigay mo! that way hindi sya mainsulto or mabastos… be honest lang
i’m sure may ibang balak si melvin. i should know. pero kung gusto mo naman why not poknat….? desisyon mo yun (no pressure here) heheheh
tagal ko na ring di nagamit yung mga pick up lines na yan… hindi na kasi ako aktibo sa kilusan.. blogging na kasi ginagawa ko lagi.. heheheh
pero pag araw mg tag-ulan, taglamig, tagsibol, taglibog
i don’t beat around the bush…
like ganito:
hi papa fau, pwede ka ba tonight?
(toz sabay takbo..lol)
FAU: hehehe. kakatuwa ka aman Geisha… oo nasa sakin nga naman talaga kung saan ko papupuntahin.
mas okey nga yung ganyang bading eh.. lantaran. buti nga hindi bading na naggi-gym ang nag-aalok sa iyo. mas magandang kaibiganin yung gays na pinapakita kung sino sila kesa dun sa patago tapos malalaman mo na lang na bading pala pag nasa isang kwarto na kayo. niyay!
FAU: nya hahaha. kakatakot nga naman. buti na nga si Melvin no? bwa hahahaha!
yun naman pala…. may pag-asa naman pala kayo ni melvin!
go ka na! sayang ang oppurtunity
heheheheh
FAU: ui la akong sinabing ganun ah!
dumadaan lang po ako at sumilip & whats on dis blog is very interesting… =)
FAU: salamat poh!