
tama na please!
Pebrero 13, 2008mahirap talaga kapag ang pagkakaibigan ay nalamatan na. para kasi itong salamin, na kapag nalamatan na eh hindi na maibabalik, pwera na lamang kung papalitan ng bago.

nitong mga nakaraang araw. ewan ko nga ba. pero madalas kong iwasan sina Boy, Wena at lalung-lalo na si Laila. madalas pa rin na hindi tumitigil sa pang-aasar ang kuya ko. nababanas na ako pero hindi ako nagsasalita. siraulo kasing Laila yun, ipagkalat ba naman sa buong bahay yung pinag-usapan namin… wala rin naman siyang napala dahil mas nailang ako sa kanya. ayoko na tuloy siyang makakuwentuhan dahil malamang na kapag nakita kami ng kuya ko eh tatadtarin na naman ako ng pambubuska.
sila-sila rin namang tatlo ang may kasalanan. sa totoo lang, pakikisama lang naman ang ibinibigay ko kay Boy dahil boyfriend nga naman siya ng Kababata at Kaibigan kong si Wena. naaalala ko pa noon na nung bata pa ako (mga limang taon kasi ang agwat namin) eh madalas niya akong pinagtitripan. kaya hanggang sa ngayon eh badtrip ako sa kanya. lalo pa at umaandar ang kayabangan niya. si Wena, siya na nga ang pinaka-naging kaibigan ko sa kanilang magkakapatid, magkaedad kasi kami. madalas eh ako ang nilalabasan niyan ng sama ng loob, minsan umiiyak pa nga. marami kaming pinag-uusapan na lingid sa kaalaman ng iba. si Laila. PUCHA! crush ko lang siya nung bata pa ako… pero noon yun, mula nang pakitaan niya ako ng katarantaduhan at patikimin niya ako ng pagkamataray niya. nawala na ang lahat-lahat. ano ko ungas? marami siyang sinabing masasamang bagay noon sa akin, bata pa kami non pero hanggang sa ngayon nahihiya ako sa sarili ko kapag naaalala ko kung paano niya ako tinapak-tapakan noon. ipinahiya niya ako sa harap ng iba pa naming mga kaibigan. pinagtawanan ako. biruin mo ba namang sa edad kong sampu eh natuto akong lumalaklak ng beer dahil sa mga pangyayaring iyon.
minsan nga sinabi ni Laila sakin. “bat hindi ka na namamansin?” hahahahaha! nagtanong pa siya. mabuti na iyon. ayokong isipin niya na hanggang sa ngayon eh gusto ko pa rin siya, tama nang ipamukha ko sa kanyang hindi siya kawalan. mabait akong tao, pero yung ginawa niya noon sakin na talagang tumatak sa utak ko eh hindi ko makakalimutan, at nabuhay na naman tuloy ang pagkabanas ko sa kanya dahil sa ipinagkalat niya na siya ang First Love Ko! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! an-tragic diba?



ok lng..sa chatbox q n lng po ikw mg leave ng message pg npadaan ka sa site q..
as for ur,entry…i agree.
ang hirap tlga ibalik ung friendship sa dti pg nalamatan na..
it happened to me recently lng..with my bestfriend.
even if she said sorry and suggested to just forget everything that happened, for me, may “ilang” factor na.im not comfortable anymore..
anyways..just keep on blogging!
i’ll drop by here once in a while..
pwamis!
FAU: ah okay po. hehehe… talagang mahirap, naranasan ko na nang napakaraming beses… ganun ata talaga. nakakailang at talagang iba yung pakiramdam… salamat sa pagbisita ulet.
feel ata ni laila, ang haba ng hair nya nun.
in time siguro mababawasan din ang pagkaka “ilang” mo sa kanya, pero now, mas ok kung iwas na lng muna. hehe at talagang ‘proud’ sya na kaw ang pers lab nya ha. uuyy
kuya, add kita sa blogroll ko. sana ok lang.
FAU: okay lang naman na i-add mo ako sa blogroll mo. hindi aman po kita maadd kasi aman ala namang url na nakalagay dito sa koment mo. balik ka dito…
err… love na kaya yan? ^^
FAU: siguro nga. pero siguro din hindi.
waahh! nakakarelate ako.. wahaha!
pagkatapos ng confession, wala na kaming communication ng bestfriend ko..
mag-iisang buwan na atang walang text o tawag..
heheh.. keep on blogging.. naaliw ako sa mga kwento mo.. wahaha!
FAU: basta balik-balikan mo ito ha, mas marami pang kapana-panabik na tagpo.
emotera/ churvah, i agree.
kahit ako.
FAU: oo nga naman…
isipin mo na lang that it’s part of growing up. you’ll get over it eventually. cool ka lang ha
FAU: oo cool lang din po ako. it is, really!
sana nga dumating ang araw na maging panatag kayo sa isa’t-isa,na hindi na pinag-uusapan ang nakaraan at totoo ang lahat ng pakikitungo mo sa kanya – walang malisya, walang masasaktan at walang ala-alang kailangan pang isumba’t at balik-balikan. Pag dumating iyon, natamo mo na ang kalayaan.
Posible iyon. Maniwala ka.
Sa ngayon, ‘ika nga, sige laklak lang. kaya mo yan.
FAU: itagay mo pa tol…
ay, kuya eto po address ng bahay ko…
>>> http://camilleeee.wordpress.com/
FAU: salamat po. iaadd na po kita.
hay…
di kaya may lihim syang pagtingin sayo fafa faU???
mmmm…..
FAU: ? oo nga noh… ndi nga kaya? hehehe!
hehehe… puppy love? hndi na nagmove on? huwaaat? hahaha… natatawa ako sa post na ito fau.. hehehe… paolo ba name mu? la lang…
paolo kasi ang pangalan ng first ever crush ko. hahahaha…
ang feeler naman ni laila.
FAU: nya hehehe. sikretong malufet! oo naman feeler ba kamo?