h1

Boy Basted!

Pebrero 12, 2008

syet! kagigising lang ng tao eh puro pambabanas na ang inabot ko.

kinakailangan ba talagang ipamukha sa akin kung ano ang mga kagarapalan at kapraningang pinaggagagawa ko habang ako eh under ng tama ng alak? sobrang nakakabadtrip kaya! yung masinsinang pakikipag-usap ko kay Laila na tungkol sana sa mahiwagang “cake” nung birthday niya ay humaba nang humaba hanggang sa dumating pala sa point na sinabi kong siya ang anak namputek na “First Love Ko” at sinabi ko pa na siya ang una at huli kong minahal dahil nga nang barahin o “bastedin” niya nga ako nung kami ay sampung-taong gulang pa lamang ay hindi na ako nagmahal ng iba, na wala na akong nararamdamang pagmamahal sa mga naging girlfriends ko.

naknangtutsang buhay to! waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! kabi-kabila ba namang gawing katatawanan ng nanay at mga kapatid ko ang mga pinagsasasabi ko. na inaway ko nga daw sina Boy, Laila at Wena. hindi ito maaaaaaaaaarrrrrrriiii! ayoko na talagang mabangag sa alak. hindi ko na alam ang pinaggagagawa ko. nawawalan ako ng kontrol.

sa tingin niyo, normal bang mabasted ang isang 10 years old? at pagkatapos non eh hindi na siya nagmahal ulit? wow pare heavy hindi ko kinaya yun ah. hardcore true love ba iyon? pero hindi totoo yon! talagang lasing lang ako. dapat di na lang talaga ako lumaklak nang lumaklak badtrip tuloy buong araw ko sa tindi ng pambubuska at pang-aalaska nilang lahat. pero promise hindi totoo yon! at alam niyo yan.

13 mga puna

  1. NAALALA KO YUNG HIRIT NUNG BATA SA LOVE ACTUALLY, “WORSE THAN THE TOTAL AGONY OF FALLING IN LOVE…?”

    FAU: waaaaaaaaaaaaaaah! still hindi ko matanggap na ipinagkalat niya yun. eh lasing lang ako nun, di ko lam pinagsasasabi ko. dagdag na yun.


  2. oh well…lesson learned yn.lolz!
    10 yrs old? ang aga mo nmang nagmahal..^__*

    uhhm..mind if i link u in my other site? its http://churvah909.blogspot.com.

    di ko kc mlgyn ng links 2ng emotera accnt q eh.so i made another one.

    FAU: waaaaaaaaaaaaah! tama na… hindi aman totoong mahal ko na siya nun. crush ko lang siya nun promise, mali siya waaaahhhhh! nakakahiya na to!


  3. mahirap talaga pag nasa ilalim ng impluwensya ng alak. patay tayo dyan.

    FAU: oo nga korek ka jan parekoy. kaya nga ayokong nalalasing eh.


  4. mabasted ang 10-y/o? haven’t heard of that. cge, wag idaan lahat sa alak.

    FAU: indi po. indi ko na kaya to. naaaning nako, hindi ko siya minahal… baby love? yuck!


  5. wow.. ang lalim ng mga words! nakakapanibago ng ihip ng hangin!!

    anyway..

    ang mabasted ang 10-year old na bata’y hindi normal na kundisyon.. masyadong maaga para sa bata ang mamulat agad sa mundo ng pag-ibig..

    kanina lang eh nag-love forum kami.. and base sa mga nalalaman ko’t mga natatandaan ko..

    hindi talaga normal ang mamulat sa pag-ibig ang isang sampung taong gulang na bata.. marahil ay ibinigay mo ang “buhay” mo sa babaeng yaon..

    naman.. marami pang babae dyan.. wag kang magmadali.. hehe..

    oo nga pala.. ang alcohol ay nakakasama sa pag-isip.. lalo na kung marami kang nainom.. o di kaya’y malakas ka uminom.. :D wala na akong masabi pang iba..

    salamat nga pala sa comment.. :D

    oo nga pala.. hindi po yun si glazel nocum.. kung sino man yun.. di ko sya kilala..

    ang mahal ko ay si glazel lazanas.. :D and i love her so much..

    yun lang! :D

    -j0j0 ‘09

    FAU: ah nagbakasakali lang po ako. me kakilala kasi akong glazel nocum, inisip kong baka siya yun at muli ko siyang matagpuan…


  6. ahahaha.. 10 yrs old? grabe naman! pero ewan ko lang, malay natin kakaiba ka lolz! bakit kasi nagpasapi sa espiritu ng alak :P

    FAU: waaaaaaaaaaaaah! hindi ko aman talaga siya niligawan, sinabi ko lang na crush ko siya. hindi niya ko binasted, feeling niya lang siguro yun…


  7. naku masama pala ang epekto ng alak sa iyo. Bukod sa nagiging madaldal ka ay nakakagawa ka ng isyu na di mo alam….next time hinay hinay lang baka masmarami ka pang masabi na ikakagulat mo in the end. ikaw rin.. ;)

    enweys, pa-update na lang po ung link nu sa akin.close ko na kasi ung einnocistic.may bago na me blog ngayon.here is the link: http://www.einn0c.wordpress.com.

    tenchu :)

    FAU: tenchu din po sa pagpapaupdate… oo nga, madami pa kong embarrassing moments kapag nakainom… badtrip.


  8. Ang agang bastedan yan. hahahaha!

    FAU: oo nga eh, kung totoo lang sana.


  9. ahehehe… tawa ka na lang.. at least di mo alam kung ano yung gingawa mo ;)

    FAU: yun lang. hehehe! :-)


  10. wahaha! basted? 10 y/o?? ibang klase ka rin ano?? wahaha!

    FAU: yun lang diba? bwa hahahaha!


  11. parang gusto ko na bawiin yung sinabi ko na may mabuting dala ang pag inom ng alak hahaha

    10 taon murang mura pa katawan mo nun bRo hahaha :)

    FAU: hahahaaha! ewan ko nga ba, sinubukan ko lang naman…


  12. nambasted na ko nung 9 ako tapos yung nanligaw sakin 10. hmm di ko masasabing normal kasi infatuation lang yun eh. di pa talaga pure and real yung feelings.

    napadaan lang po :)

    FAU: salamat sa pagdaan… tama ka hindi true love yun!


  13. Pssssttt. Muntik na rin ako nyan.

    FAU: talaga? u min nung 10 years old ka?



Mag-iwan ng Puna