h1

mga plastik!

Pebrero 9, 2008

sa ngayon…

na-realize ko na napakadali ko pala talagang magpatawad. ewan ko nga ba sa sarili ko. pero tama lang naman yun di’ba? na mas magaan ang pakiramdam kapag wala kang itinatanim na galit sa puso at isip mo. hindi rin naman kasi ako sanay na makipagplastikan at makipag-samaan ng loob sa ibang tao – lalo pa at mga kaibigan ko at mga taong malalapit sa akin.

alam mo ba yung pakiramdam nang may mabasa kang text message, o palitan ng text messages between two persons na bukod sa mga itnuturing mong mga matatalik o malalapit na kaibigan, bukod pa dun eh kababata at kasama mo sa bahay. yung mga salitang “maaanghang” na nakakairitang pakinggan. yung mga salitang masakit talagang isupalpal sa kalooban. although hindi naman para sakin yung messages nila na yun, kapamilya ko pa rin naman ang pinag-uusapan nila. blood is thicker than water nga talaga. nasaktan at nabadtrip lang talaga ako sa mga nabasa ko na pinag-uusapan nila o pinagpapalitan ng mga text messages.

ambobo naman nila. hindi man lang nila binura ang mga messages na yun sa inbox ng phone at sa sent messages folder. buti na rin at nabasa ko, at least nangingilag na akong gumawa ng mga bagay na aakalain kong okay lang… hindi naman pala. ambabaw ng dahilan, pero talagang naanghangan ako sa words nila. wala naman akong ginawang aksyon or whatever na ikasisira ng friendship naming lahat, yun nga lang… nang makatunog sila – naglambing-lambing sila sa akin gaya nang walang katapusang pagtetext, akala naman nila naniniwala ako. at pagbati sa bawat sandaling magkakatinginan or magkakasalubong kami. isang bahay lang ang kinaroroonan namin, hindi pwedeng hindi kami magkita. hindi ko sila kinausap at hindi rin naman ako sumagot sa mga text messages nila. ipinaramdam kong nabadtrip at nasaktan ako sa nalaman ko. sadya ata talagang may mga taong plastik.

pero wala na sa akin yon. nangyari na. basta matapos ang gabing yun, may natutunan akong lesson, sana sila rin. pero bago sana nila pinag-usapan ang mga “napakasimpleng bagay” na yun na wala namang katuturan at kababawan lang… sana inisip nila yung salitang “utang na loob” at “kabutihan”. pinansin ko na sila. overnight lang akong nagmukmok sa kuwarto ko na para bang walang kakilala sinuman sa kanila. hindi naman sila nangilag. binati at binati pa rin nila ako. hindi naman ako gago para magalit nga sa mga simpleng kababawan.

ang sa akin lang. sana nagpakatotoo na lang sila at hindi nanira ng patalikod.

2 mga puna

  1. Sa wakas nagbalik ka na kuya Fau…tsk! tsk natanong ko din yan sa sarili ko bakit may mga ganun klase ng taO. Mahirap ba na maging totoo sa kapwa? Nakakatakot kasi di mo alam kong ang kausap at kasama mo ba ay totoo saYo, oh baka pagtalikod mo marami siyang negative na sinasabi.
    Oo, Wala naman perfect sa mundo pero sana kahit kaunti matutunan natin maging totoo yun lang :)

    FAU: sana nga ganun na lang, although walang perfect… sana subukan na lang maging true…


  2. haayysss Buti ka pa, madali lang magpatawad.. Well, depende naman yon sa bigat na nagawa ng tao.. Pero, welcome back kuya Fau! Ahihi parang ang layo naman bigla ah.. :D Namiss ka namin!

    FAU: namiss ko rin po kayong lahat… kung alam niyo lang :-)



Mag-iwan ng Puna