h1

pagmamahal o libog lang?

Enero 31, 2008

Papasok palang ako sa eskinita namin ay dinig ko na ang hiyawan, palakpakan at sigawan. Bumungad sa akin ang kumpulan ng mga gangster sa lugar namin na pawang mga kaibigan ko rin naman. Sawa na rin naman kasi akong makipagbolahan, makipagkwentuhan at kung anu-ano pang maaaring gawin kasama sila. Sa gitna ng kumpulan ay ang dalawang babaeng nagsasabong na parang mga manok. Nakalupasay na sila pareho sa lupa pero kapwa hindi pa rin binibitawan ang buhok at ang kasuotan ng bawat isa, isa sa kanila ay wala nang pang-itaas, tanging ang bra na lamang ang tumatakip sa kanyang malulusog na dibdib.

Luminga ako sa paligid. Nakangiti ang lahat, masayang-masaya sa libreng palabas na nasasaksihan nila. Walang sinuman ang may balak na awatin ang mala WWF na labanan ng dalawang babae. Ibinaba ko ang dala kong backpack at hinatak silang pareho. Nakalmot pako at nasampal, pero hindi ko na rin naman ininda. Nang sila ay nasa magkabilang kamay ko na, saka natauhan ang audience at umawat na rin. “Napaka-pokpok mong babae ka, alam mo nang ako na ang girlfriend ni Migz, nilalandi mo pa siya!” ang wika ni Anna. “E bintangera ka palang paksyet ka eh! Bat ko naman lalandiin yung jowa mo eh mukha namang Bakulaw yun! ano naman ang akala mo sakin? kapareho mo ng taste… YUCKKKKK! kilabutan ka naman sa mga pinagsasasabi mo!” ang banat naman ni Eloisa. “Aba’y tangina ka nilandi mo na nga ngayon nilalait mo pa!” ang wika ni Anna saka sumugod, pero hindi niya kinaya ang lakas ng mga humahawak sa kanya. “Isungalngal mo nga dyan sa utak mo na ang bakulaw ay para sa bakulaw, at wala akong panahong pumatol sa mukhang alpombrang pagmumukha ng jowa mo!” ang nanggagalaiting wika ni Eloisa. “kung ganun? eh bat text ka nang text sa boyfriend ko?” ang wika ni Anna. “Text ng text??? Hoy for your information, yung jowa mo ang text nang text sakin, nagtatatanung nang kung anu-ano, eh naaawa naman ako sa kanya dahil napakadesperado na nga niya hindi ko pa rereplayan!” ang galit na wika ni Eloisa.

Wala pa ring tigil ang palitan nila ng sama ng loob sa isa’t-isa. Nagdesisyon na rin akong pumanik na sa bahay at magpalit ng kasuotan.

Dumiretso ako sa kuwarto ko, binuksan ang ilaw, hinubad ang t-shirt, hinubad ang sapatos at medyas, kinuha ang celphone sa bulsa ng pantalon, ibinato sa kama, hinubad ang pantalon, itinira ang brief saka humiga sa kama at kinalkal ang celphone.

9 MESSAGES RECEIVED
12 MISSED CALLS

Hindi ko namalayang may nagtetetext at nagtatatawag na pala sa akin. Naka-silent lang kasi, mahirap nang maholdap ulit. Lahat ng Missed Calls at Messages ay nanggaling sa iisang nilalang…

kay AYA!

… san ka ngayon?

… kita tayo! nandito ako ngayon sa bar.

… ui magreply ka naman!

… ai nagsusuplado na aman xa! sige na txtbak ka naman!

… toh naman, bz ba? san kb kase ngaun? kita tau… miss na kasi kita eh.

… HOOOOOOOOOOOOY! galit ka ba o wala kang load?

… bat ayaw u poh sagutin calls ko?

… waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh! mis na kita galit ka ba? bz ba?

… ano ba? magreply ka naman! o sagutin mo ang tawag ko!

Umiral na naman ang kakulitan ni Aya, ganyan naman lagi siya… kapag walang magawa ako ang napagbabalingan. Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos eh hindi papalyang hindi man lamang siya magtetext. Napangiti ako, siya lang ang nakakaalala sa akin sa araw-araw. Wala na akong sinayang na panahon. Nagsuot ako ng Maong na shorts at nagsuot ng sando saka nagsinelas. Dumiretso ako sa kinaroroonan ni Aya! Mula sa di-kalayuan, naroon siya at nakikipagkuwentuhan sa isang dating katrabaho. Kumaway ako at agad naman niya akong nakita. Humahangos siyang pumunta sa kinaroroonan ko saka tumalon at niyakap ako sabay halik sa labi ko. “Mis na Mis na Kita! bat hindi mo sinasagot tawag ko or magreply man lang sa text ko, kaw talaga ha…. tara dun tayo sa inyo!”. Napangiti na lang ako.

Pagpasok na pagpasok pa lamang sa kuwarto ay kinuyumos na niya ako ng halik. Hinatak pahubad ang sando ko at itinulak sa higaan. Tinungo niya ang DVD Player saka isinaksak ang paboritong CD. Mula sa tugtog na pumaimbulong sa ere, ay ang maharot niyang sayaw na nang-aakit. Unti-unting hinuhubad ang bawat takip ng kanyang katawan, hanggang sa wala nang natira. Nilapitan niya ako, kinuha ang mga kamay ko at ipinahawak ang magkabila niyang kariktan, habang tinatanggal ang sinturon at tuluyang ibinababa ang zipper ng aking shorts.

Makalipas ang isang oras, kapwa kami nakalatag sa higaan, siya na nakaunan sa aking braso at nakalingkis sa aking katawan, at ako na nakatingala sa kisame, naisip ko, bakit ba kinakailangang magmahal lang ng iisang nilalang ng puso? kung masasaktan lang din naman. Bakit hindi pwedeng magmahal ng sabay-sabay para kung sakaling mawala ang isa, eh may pampalit na kaagad. Naalala ko na naman tuloy ang pinakamamahal ko. Pero pinipilit ko pa ring iwaksi ang aming mga alaala. Tama na siguro ang lahat. Narito sa mga bisig ko ang isa na namang anak ni Eba. Pero nasa puso at isipan ko pa rin ang alaala ng isa pa. Bakit ba napakahirap kalimutan ng isang taong minahal mo ng todo. Ginawa ko naman ang lahat. Nagpasensya, nagmahal, nagsilbi … nagsakripisyo. Pero kung hindi bukol, hindi uukol. Bata pa naman ako, maaari ko pang i-enjoy ang buhay-binata ko.

Bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makalimutan? Bakit kaya? Marami na rin naman akong putaheng natikman, pero bakit ang kanya ang hindi ko kayang pagsawaan? Magkaiba nga talaga ang pagmamahal at ang tawag ng laman.

13 mga puna

  1. pusa… nakaka walong oras ng nasa hot topic ang post na ito wala pang nag co comment ni isa? siguro naka moderate ka no? anyhow… eto na yung masasabi ko.

    1. libog lang yan. kasi kung mahal mo siya, hindi ka ma gu guilty sa ginawa mo. besides, i can see hesitation sa mga pinagsasasabi mo. but that’s ok. lalake tayo eh. ^^

    2. pag-ibig yan. oo nga, mahal mo pa rin siya. but then again, you “want” to give her a chance para sa pagibig mo. and that’s a good sign. pero ingat lang… baka para sa kanya… libog lang ang nararamdaman niya para sayo.

    in short, lay down all your cards to her… sabihin mo dapat mong sabihin bilang lalake, at kung ano ang magiging desisyon niya, be fair enough to decide…

    if not, habang buhay kang magkakaruon ng guilt sa sarili mo. ^_~ good day iho. ^

    FAU: oo nga po i should really tell her what i wanted to tell her. haiz. hirap ng ganitong life. hehehe!


  2. Meron talagang isang tao na mamahalin natin at kahit kailangan ay hindi natin makakalimutan. Iba kasi siya. Naiiba sa lahat. Tuwing makikipagtalik, hindi lang libog kundi passionate love. Pero masakit man isipin, minsan hindi nagtatagal.

    FAU: oo nga. hindi lang minsan, kadalasang nababalewala ang relasyon lalo na kung wala naman talagang love na maxadong namamagitan.


  3. Lufet ng wento , parang sa komiks ….

    FAU: ang buhay nga naman ng tao. parang komiks.


  4. This is for our valentine blogging activity! Have fun posting your own date of date of birth, together with the name of your love one on the first string! See my whole post and comment for more information. Have fun! (year of birth not included! ^^)

    http://foobarph.wordpress.com/2008/02/02/days-of-love/

    FAU: ???


  5. Bakit nga ba hindi pwedeng magmahal nang sabay-sabay?
    Ganyan siguro talaga ang buhay ng tao.
    Ang hirap.

    FAU: oo nga. so sad talaga.


  6. naku inlababo ka fau. iba yata yng nara2mdamn mo.. bisita ka sa balay ko ha.. thanks! :)

    FAU: opo. lage aman akong bumibisita. hindi nga lang madalas na nagkokomento.


  7. astig parekoy. ngayon ko lang nabasa ‘to. galing mo palang magsulat. i admire your style in writing. pwede ka ring magsulat sa xerex..hehe joke lang.
    pero seriously, astig.

    FAU: sa totoo lang. nakapagsulat na nga ako sa xerex. hehehe.


  8. pare, tama ka… mahirap kalimutan. iba talaga pagmahal mo. Ang masaklap nga lang e, ang mga bagay na nawawala ay ang mga bagay na one time ay hawak mo… parang yung celfon na naholdap sayo. Yung celfon, madaling palitan, pero ung mga mensahe sa celfon na yun, hindi na maibabalik… unless katxt mo, at i-forward syo ng holdaper. ganun din siguro ang pagmamahal…

    FAU: oo nga naman. sobrang hirap. bakit kasi ganun?


  9. kalibugan…
    Wahahaha…
    salamat naentertain nyu kuh!


  10. Sa palagay muh…
    love yan o libog???
    tingin kuh libog eh…
    pero pre katuwa ka!
    nagenjoy aku dun!!!
    ;o


  11. Lam muh nde kuh gusto ung cnabi nila na ganun tlaga mga lalake!!duh..eh lage namang ganun ang dinadahilan nila eh!!mambababae ng harapharapan tapoz sasabihin nilang “Lalake ako eh!normal yun”
    Ngek…Dapat matuto katong mamili:

    Pansariling pagnanasa
    o
    yung totoong mhal muh!


  12. LUST

    The desire and whim that everything is yours. No thought put forward into the other person. No compromising. A completely shallow way of believing you’re in love.


  13. oo galing mo libog



Mag-iwan ng Puna