h1

ang Binyag!

Enero 18, 2008

kamusta na?

masyado na bang matagal ako sa pinagtataguan kong lungga? anyway, napansin ko kasi marami na sa inyo ang naghahanap sakin. parang kayong lahat eh naging taya na ah! so eto na at lalabas na ako…

maraming mga pangyayaring nangyari sakin sa mga nakalipas na araw o linggo. iisa-isahin ko yan sa mga susunod na posts ko. hindi ko naman pwedeng ikuwento nang isang bagsakan lang diba? kaya unti-unti lang. mahina ang kalaban, di ko kayang pagsabay-sabayin.

sa ngayon ikukuwento ko muna ang binyag.

maaga pa lang nagising na ako dahil ipinangako ko sa aking Kumpareng Ronnie na maaga akong darating. huli na akong dumating, dumiretso ako sa bahay nila kung saan ang tanging naabutan ko lang ay ang nakaraan (nakaraan na nga ba talaga?)

EX:     o, antagal mo naman ata? (parang wala lang)
FAU:     natrapik kasi… (parang wala lang din)
EX:     nandun na sila sa simbahan nauna na. sabay na tayo.
FAU:     san ba banda, kahit pasamahan mo na lang ako sa iba.
EX:     bakit? papunta na rin naman ako dun.
FAU:     wag ka nang magtanong, ayokong sabay tayong darating doon.
EX:     oo nga pala. sige pasamahan na lang kita sa kapatid ko.
FAU:     salamat.

pagdating sa simbahan, nagkamayan agad kami ni Ronnie, pinaupo niya ako at tumabi sa kinauupuan ko. mukha naman siyang masaya, mukhang totoo. pagkatapos ng binyag, bumalik kami sa bahay. asikasong-asikaso ako ni Pareng Ronnie, hindi ko pinayagang maglapit kami ni EX. nag-inuman kami. kasama ang iba pang mga bisita at mga ninong at ninang.

RONNIE:     kala ko hindi ka darating pare.
FAU:     pwede ba naman yun?
RONNIE:     salamat sa oras mo ha! gusto ko na rin kasing magkamabutihan na tayo at matapos na ang away.
FAU:     sino ba naman ang nagsabing magkaaway tayo.
RONNIE:     kahit naman hindi sabihin obvious diba?
FAU:     oo na, wag na nating pag-usapan yon.
RONNIE:     oo nga naman.

nagpakalasing ako. nagkakakanta. ako na ata ang pinakamaingay. hanggang sa inantok ako at pinatulog ako ni Ronnie sa kuwarto nila. hindi ko malaman ang pakiramdam ko kaya nakatulog ako.

nagising ako, gabi na. paglabas ko ng bahay wala si Ronnie, sabi ni Ex, hinatid daw yung ibang bisita. magkatabi kaming nakatayo sa labas ng bahay. walang umiimik.

hanggang sa…

EX:     sori ha! balak ko pa sanang bumalik, pero nahihiya na ako sayo.
FAU:     bakit pa?
EX:     mahal pa rin naman kasi kita.
FAU:     mahal pa rin naman kita, pero ayoko na rin namang ulitin pa natin ang mga ginawa natin, pagod na rin ako sa ganun.
EX:     sinasabi mo lang yan. tingin ko wala ka nang nararamdaman sakin.
FAU:     ayos ka lang. pabayaan mo na ako. ayos lang ako.
EX:     hindi ka ayos.
FAU:     pwede bang wag mo na akong kausapin, tigilan na natin to. isipin nating panaginip lang ang lahat. tama na ang kabaliwang ito. hindi ko na kaya. maayos na rin naman kami ni Ronnie.
EX:     salamat Fau, swerte ang mamahalin mo.
FAU:     kaya nga ang swerte mo.

nagkatawanan kami. hindi tawanan, matunog na halakhakan. nagpaalam na ako. gabi na at mahaba pa ang byahe ko. nakasalubong ko sa daan si Ronnie, dala ang inaanak ko na anak niya. nagkamayan kami, nagpasalamatan. umuwi akong nakangiti.

pero hanggang kailan?

17 mga puna

  1. Yes! Welcome Back sayo! :D ang tagal mo nag hibernate ah… na miss ka namin ay ako pala na miss kita.. chos! hehe! :D anyway buti naman ayos na kayo ng iyong friend at ninong ka pa ng kanilang baby.. sana ok ka na… :D

    FAU: namiss ko din kayo. at lalo ka na. hehehe.


  2. what i mean sa ok ka na eh, sana ok na sa iyong pag move on.. :D Welcome back ulet! :D

    FAU: okay lang po yun. hehehe. move-on hahahaha!


  3. wow. nice post. ang galing mo naman magmahal. dapat bigyan mo naman ng chance yung sarili mo para sumaya ka.

    FAU: masaya na rin ata ako nang ganitong sitwasyon…


  4. hello fau. musta na? ;)

    FAU: palage pa ring malungkot pero palagi rin namang masaya 50-50 ika nga hahaha!


  5. magiging maligaya ka rin, hintay ka lang. pero pinahanga mo ako sa pagpunta sa binyag ng anak nila. saludo ako sa’yo pare!

    FAU: ayoko pa rin naman kasing mawala sila sa buhay ko, anuman ang nangyari… naging part sila nito.


  6. Awwww…

    FAU: ???


  7. woi, na–miss ko na ‘tong blog mo ha…

    FAU: bat tong blog lang namiss mo? ako ba hindi? hahaha!


  8. EX: salamat Fau, swerte ang mamahalin mo.
    FAU: kaya nga ang swerte mo.

    —-> aruuuu!

    ayoko magkaganitong eksena. maiiyak ako habang tumatawa! magmumukha akong baliw!!!

    FAU: hahahaha! huhuhuhu! sama naman ng ganun…


  9. welkam back fau!! :) namiss ka namin! :D .. buti naman at ok na kayo lahat, ok nga ba? hehe .. malamang di pa completely but in time, everything will be alright hehe magandang start yan :) .. welkam back ulit!! :D

    FAU: maraming salamat po. sori kung madalas hindi ako nakakapagpost.


  10. swerte nga ng mamahalin mo.

    maraming bagay pa ang makakapagpangiti sa u at nde kelangan may hangganan ang bawat pagngiti natin ;-)

    layp is byutipol, cheers! ;-)

    FAU: oo nga napakaganda ng buhay para sayangin lang sa kalungkutan.


  11. wal pa ring bago?

    FAU: meron naman ah!


  12. Hoy Fau gising na bro. tama yan. :) May inaanak ka na.

    FAU: gising nako! hahahaha!


  13. wow fau ikaw ay nagbalik.

    FAU: oo nga eh.


  14. ayos lang yan… kaya mo yan…

    FAU: oo nga po kaya ko to hek hek hek!


  15. ang lupit nito ah..!
    mahirap tlgang mkalimot.
    it can’t be done overnight.
    pero buti kp..ur almost there na.

    aq nga eh 4 yrs na..di pa rin makalimot.
    haiz..
    pag ibig nga nman..

    FAU: too bad. wala pa naman ako sa ganung stage. akala ko nga wala na talaga. pero minsan namimiss ko pa rin talaga siya.


  16. anlupet mo naman fau..parang isang teleserye ang binbasa ko sa entry na to..ibang klase..congrats sa bagong buhay mo.

    FAU: hehehe :-) salamat poh! ganun naman kasi talaga ang buhay ng tao, parang teleserye..


  17. nice to ah.. haha! blog-hopping lang po..

    hmmmm.. mukhang may bago akong tambayan! wahaha! :lol:

    FAU: salamat po. sana po mawili po kayo sa blog ko…. hehehe…



Mag-iwan ng Puna