Imbakan para sa Enero, 2008

h1

pagmamahal o libog lang?

Enero 31, 2008

Papasok palang ako sa eskinita namin ay dinig ko na ang hiyawan, palakpakan at sigawan. Bumungad sa akin ang kumpulan ng mga gangster sa lugar namin na pawang mga kaibigan ko rin naman. Sawa na rin naman kasi akong makipagbolahan, makipagkwentuhan at kung anu-ano pang maaaring gawin kasama sila. Sa gitna ng kumpulan ay ang dalawang babaeng nagsasabong na parang mga manok. Nakalupasay na sila pareho sa lupa pero kapwa hindi pa rin binibitawan ang buhok at ang kasuotan ng bawat isa, isa sa kanila ay wala nang pang-itaas, tanging ang bra na lamang ang tumatakip sa kanyang malulusog na dibdib.

Luminga ako sa paligid. Nakangiti ang lahat, masayang-masaya sa libreng palabas na nasasaksihan nila. Walang sinuman ang may balak na awatin ang mala WWF na labanan ng dalawang babae. Ibinaba ko ang dala kong backpack at hinatak silang pareho. Nakalmot pako at nasampal, pero hindi ko na rin naman ininda. Nang sila ay nasa magkabilang kamay ko na, saka natauhan ang audience at umawat na rin. “Napaka-pokpok mong babae ka, alam mo nang ako na ang girlfriend ni Migz, nilalandi mo pa siya!” ang wika ni Anna. “E bintangera ka palang paksyet ka eh! Bat ko naman lalandiin yung jowa mo eh mukha namang Bakulaw yun! ano naman ang akala mo sakin? kapareho mo ng taste… YUCKKKKK! kilabutan ka naman sa mga pinagsasasabi mo!” ang banat naman ni Eloisa. “Aba’y tangina ka nilandi mo na nga ngayon nilalait mo pa!” ang wika ni Anna saka sumugod, pero hindi niya kinaya ang lakas ng mga humahawak sa kanya. “Isungalngal mo nga dyan sa utak mo na ang bakulaw ay para sa bakulaw, at wala akong panahong pumatol sa mukhang alpombrang pagmumukha ng jowa mo!” ang nanggagalaiting wika ni Eloisa. “kung ganun? eh bat text ka nang text sa boyfriend ko?” ang wika ni Anna. “Text ng text??? Hoy for your information, yung jowa mo ang text nang text sakin, nagtatatanung nang kung anu-ano, eh naaawa naman ako sa kanya dahil napakadesperado na nga niya hindi ko pa rereplayan!” ang galit na wika ni Eloisa.

Wala pa ring tigil ang palitan nila ng sama ng loob sa isa’t-isa. Nagdesisyon na rin akong pumanik na sa bahay at magpalit ng kasuotan.

Dumiretso ako sa kuwarto ko, binuksan ang ilaw, hinubad ang t-shirt, hinubad ang sapatos at medyas, kinuha ang celphone sa bulsa ng pantalon, ibinato sa kama, hinubad ang pantalon, itinira ang brief saka humiga sa kama at kinalkal ang celphone.

9 MESSAGES RECEIVED
12 MISSED CALLS

Hindi ko namalayang may nagtetetext at nagtatatawag na pala sa akin. Naka-silent lang kasi, mahirap nang maholdap ulit. Lahat ng Missed Calls at Messages ay nanggaling sa iisang nilalang…

kay AYA!

… san ka ngayon?

… kita tayo! nandito ako ngayon sa bar.

… ui magreply ka naman!

… ai nagsusuplado na aman xa! sige na txtbak ka naman!

… toh naman, bz ba? san kb kase ngaun? kita tau… miss na kasi kita eh.

… HOOOOOOOOOOOOY! galit ka ba o wala kang load?

… bat ayaw u poh sagutin calls ko?

… waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh! mis na kita galit ka ba? bz ba?

… ano ba? magreply ka naman! o sagutin mo ang tawag ko!

Umiral na naman ang kakulitan ni Aya, ganyan naman lagi siya… kapag walang magawa ako ang napagbabalingan. Sa inaraw-araw na ginawa ng diyos eh hindi papalyang hindi man lamang siya magtetext. Napangiti ako, siya lang ang nakakaalala sa akin sa araw-araw. Wala na akong sinayang na panahon. Nagsuot ako ng Maong na shorts at nagsuot ng sando saka nagsinelas. Dumiretso ako sa kinaroroonan ni Aya! Mula sa di-kalayuan, naroon siya at nakikipagkuwentuhan sa isang dating katrabaho. Kumaway ako at agad naman niya akong nakita. Humahangos siyang pumunta sa kinaroroonan ko saka tumalon at niyakap ako sabay halik sa labi ko. “Mis na Mis na Kita! bat hindi mo sinasagot tawag ko or magreply man lang sa text ko, kaw talaga ha…. tara dun tayo sa inyo!”. Napangiti na lang ako.

Pagpasok na pagpasok pa lamang sa kuwarto ay kinuyumos na niya ako ng halik. Hinatak pahubad ang sando ko at itinulak sa higaan. Tinungo niya ang DVD Player saka isinaksak ang paboritong CD. Mula sa tugtog na pumaimbulong sa ere, ay ang maharot niyang sayaw na nang-aakit. Unti-unting hinuhubad ang bawat takip ng kanyang katawan, hanggang sa wala nang natira. Nilapitan niya ako, kinuha ang mga kamay ko at ipinahawak ang magkabila niyang kariktan, habang tinatanggal ang sinturon at tuluyang ibinababa ang zipper ng aking shorts.

Makalipas ang isang oras, kapwa kami nakalatag sa higaan, siya na nakaunan sa aking braso at nakalingkis sa aking katawan, at ako na nakatingala sa kisame, naisip ko, bakit ba kinakailangang magmahal lang ng iisang nilalang ng puso? kung masasaktan lang din naman. Bakit hindi pwedeng magmahal ng sabay-sabay para kung sakaling mawala ang isa, eh may pampalit na kaagad. Naalala ko na naman tuloy ang pinakamamahal ko. Pero pinipilit ko pa ring iwaksi ang aming mga alaala. Tama na siguro ang lahat. Narito sa mga bisig ko ang isa na namang anak ni Eba. Pero nasa puso at isipan ko pa rin ang alaala ng isa pa. Bakit ba napakahirap kalimutan ng isang taong minahal mo ng todo. Ginawa ko naman ang lahat. Nagpasensya, nagmahal, nagsilbi … nagsakripisyo. Pero kung hindi bukol, hindi uukol. Bata pa naman ako, maaari ko pang i-enjoy ang buhay-binata ko.

Bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makalimutan? Bakit kaya? Marami na rin naman akong putaheng natikman, pero bakit ang kanya ang hindi ko kayang pagsawaan? Magkaiba nga talaga ang pagmamahal at ang tawag ng laman.

h1

ang Binyag!

Enero 18, 2008

kamusta na?

masyado na bang matagal ako sa pinagtataguan kong lungga? anyway, napansin ko kasi marami na sa inyo ang naghahanap sakin. parang kayong lahat eh naging taya na ah! so eto na at lalabas na ako…

maraming mga pangyayaring nangyari sakin sa mga nakalipas na araw o linggo. iisa-isahin ko yan sa mga susunod na posts ko. hindi ko naman pwedeng ikuwento nang isang bagsakan lang diba? kaya unti-unti lang. mahina ang kalaban, di ko kayang pagsabay-sabayin.

sa ngayon ikukuwento ko muna ang binyag.

maaga pa lang nagising na ako dahil ipinangako ko sa aking Kumpareng Ronnie na maaga akong darating. huli na akong dumating, dumiretso ako sa bahay nila kung saan ang tanging naabutan ko lang ay ang nakaraan (nakaraan na nga ba talaga?)

EX:     o, antagal mo naman ata? (parang wala lang)
FAU:     natrapik kasi… (parang wala lang din)
EX:     nandun na sila sa simbahan nauna na. sabay na tayo.
FAU:     san ba banda, kahit pasamahan mo na lang ako sa iba.
EX:     bakit? papunta na rin naman ako dun.
FAU:     wag ka nang magtanong, ayokong sabay tayong darating doon.
EX:     oo nga pala. sige pasamahan na lang kita sa kapatid ko.
FAU:     salamat.

pagdating sa simbahan, nagkamayan agad kami ni Ronnie, pinaupo niya ako at tumabi sa kinauupuan ko. mukha naman siyang masaya, mukhang totoo. pagkatapos ng binyag, bumalik kami sa bahay. asikasong-asikaso ako ni Pareng Ronnie, hindi ko pinayagang maglapit kami ni EX. nag-inuman kami. kasama ang iba pang mga bisita at mga ninong at ninang.

RONNIE:     kala ko hindi ka darating pare.
FAU:     pwede ba naman yun?
RONNIE:     salamat sa oras mo ha! gusto ko na rin kasing magkamabutihan na tayo at matapos na ang away.
FAU:     sino ba naman ang nagsabing magkaaway tayo.
RONNIE:     kahit naman hindi sabihin obvious diba?
FAU:     oo na, wag na nating pag-usapan yon.
RONNIE:     oo nga naman.

nagpakalasing ako. nagkakakanta. ako na ata ang pinakamaingay. hanggang sa inantok ako at pinatulog ako ni Ronnie sa kuwarto nila. hindi ko malaman ang pakiramdam ko kaya nakatulog ako.

nagising ako, gabi na. paglabas ko ng bahay wala si Ronnie, sabi ni Ex, hinatid daw yung ibang bisita. magkatabi kaming nakatayo sa labas ng bahay. walang umiimik.

hanggang sa…

EX:     sori ha! balak ko pa sanang bumalik, pero nahihiya na ako sayo.
FAU:     bakit pa?
EX:     mahal pa rin naman kasi kita.
FAU:     mahal pa rin naman kita, pero ayoko na rin namang ulitin pa natin ang mga ginawa natin, pagod na rin ako sa ganun.
EX:     sinasabi mo lang yan. tingin ko wala ka nang nararamdaman sakin.
FAU:     ayos ka lang. pabayaan mo na ako. ayos lang ako.
EX:     hindi ka ayos.
FAU:     pwede bang wag mo na akong kausapin, tigilan na natin to. isipin nating panaginip lang ang lahat. tama na ang kabaliwang ito. hindi ko na kaya. maayos na rin naman kami ni Ronnie.
EX:     salamat Fau, swerte ang mamahalin mo.
FAU:     kaya nga ang swerte mo.

nagkatawanan kami. hindi tawanan, matunog na halakhakan. nagpaalam na ako. gabi na at mahaba pa ang byahe ko. nakasalubong ko sa daan si Ronnie, dala ang inaanak ko na anak niya. nagkamayan kami, nagpasalamatan. umuwi akong nakangiti.

pero hanggang kailan?