
hayskul prenz.
Disyembre 22, 2007
maglalaro na sana ako ng Red Alert sa PC nang biglang lumitaw sina Ed at Ernest. Si Ed ang korneto ng hayskul barkada at si Ernest naman ang Super Nerd Mr. President ng klase namin noong hayskul.
kwentuhan, nag-download pa nga siya ng scandals para sa phone niya galing sa PC ko. naisipan rin naming itext ang bunsong babae ng grupo. dahil nga medyo malayo pa ang panggagalingan niya eh inabot kami ng siyam-siyam. pero okay lang kasi ilang taon na rin naman ang nakakalipas at nagkita na naman kami sa wakas, although hindi kasama yung iba dahil wala naman kaming contacts sa kanila.
napagdesisyunan naming tumuloy sa isang malapit na videoke bar. christmas party pala dun sa ayos na bar kaya no choice kundi lumipat. nakakabadtrip kasi napakapangit, napakadumi, at napakawalang-kwenta ng mga nagseserve (or kung meron nga!) hindi na lang namin pinansin. pero talagang halos masuka ako sa sobrang dumi ng CR! napakainit pa. wala lang kasi kaming pepwestuhan kaya no choice talaga kami. nagvideoke sa walang kakwenta-kwentang machine.
hindi pa rin nagbago si Ceejay, makulit pa rin siya and mahilig pa ring manakit, mambasa… at pinagyayayakap at pinaghahalikan niya kami nang makita niya kami. si Ed, la pa ring sawang nililigawan si Ceejay kahit ilang libong beses na siyang binasted. Si Ernest. ayun at naka-polo barong. hindi man lang nagbago kahit kaunti. tahimik pa rin at pasimpleng bumabanat ng jokes at punchlines. CRIMINOLOGY si Ed, NURSING si CJ at LAW naman si Ernest. wala man lang akong maipagmalaki hahaha! hindi kami pwedeng magpakalasing at magtagal. naghiwa-hiwalay kaagad kami. pero pinangako namin na magkikita ulit kami SOON! with the others na.
P.S: ang ganda talaga ni Francine Prieto…
Ipinaskil sa dabarkads |



wala lang. merrry christmas! =D
anseksi naman nung ternong underwear ni francine. makapaghalungkat nga sa ukay-ukay — para kay misis. (joke)
sarap makita at makakwentuhan ang mga dating barkada…
meri krismas sa’yo fau!
maganda nga si francine! madalas ko yung makita nung nag-aaral pa ako sa adamson! :p
merry christmas!
galing mo namang mag-edit ng mga pictures mo sa blog mo!!
uy, red alert. laban? hehhee.
MERRY XMAS PO SA INYO!
[...] I wanna see what’s inside a guy’s bag, so I’m tagging Jon Cabron, Fau and Birthday Boy, Gasti (Happy [...]
FAU: okay po!
bastos ‘to! scandals daw oh..
maligayang pasko!
sana pag nagtapos kami may reunion din. hehe. Feliz navidad!
hi belated merry christmas!! Hehehehe
naglalaro k p pla ng red alert !!! hehehe dota na uso… hehehe.. merry xmas!
I hope you had the very Best Christmas and a Fantastic New Year!
FAU: kaw din po!
I hope you had the very Best Christmas and a Fantastic New Year!
FAU: kaw din po and tnx talaga!
sinasaniban ako ng demonyo pag nakikita ko si francine sa bubble gang.
FAU: hahahaha! sinasaniban ka… naks. ano namang ginagawa mo pag sinasaniban ka…
Scandal ba kamo? Marami ata ako nyan hehe…
FAU: hahahaha!
thanks for the comments. il read your blog soon. busy pa.
FAU: tnx po.