
karibal – kaibigan
Disyembre 18, 2007
pagkagising na pagkagising ko. may na-receive akong text galing sa isang unknown sender. curious ako sa laht ng nagtetext sakin, kaya tinanong ko kaagad siya kung sino nga ba siya. sa una hindi ako makapaniwala. masyado kasing imposibleng magtext sakin yung kumag na yun.
napansin ko ang way ng pagtetext niya… pamilyar nga. pero maaaring ganun din ang iba kaya hindi kaagad ako nagpadala sa unang tingin ko. pero siya nga daw talaga si Ronnie.
si Ronnie… isang dating matalik na kaibigan. sa sobrang close namin, lahat ng sikreto naman alam ng isa’t-isa. marami kaming pagkakapareho. pareho kami ng ilang ugali. ilang taon na rin naman ang nakakalipas, sa huli naming paghaharap. ilang beses na kaming nag-away. hindi basta away kundi bugbugan talaga. nagkakasakitan na kami. dahil sa isang komplikadong rason.
siya ang asawa ng mahal ko. hindi ko alam kung bakit siya nagtext. alam niya ang mga nangyayari. may dalawa na silang anak. kababata ko ang asawa niya, ang mahal ko. naging mag-on sila, pero kami pa. ipinalabas naming matalik na magkaibigan lamang kami at kinakailangan din na maging matalik na magkaibigan din kami ni Ronnie. walang duda na nagaganap. hanggang sa nakita niya kami sa akto. mahal daw ako ng mahal ko pero mahal niya rin si Ronnie, ayaw niyang sabihin pero obvious na mas mahal niya si Ronnie dahil sa kanya ito sumama. although nakikipagkita siya sakin kahit lumipat na sila sa ibang lugar, kapitbahay ko kasi sila noon.
pareho kaming may kasalanan sa isa’t-isa. hindi ko na sasabihin kung bakit. parehong dumating sa punto na habang nagbubugbugan kami eh tanging ang minamahal lamang namin ang pumapagitna. ilang dugo na at luha ang nasayang. ilang beses na rin kaming napunta sa barangay.
eto nga at bigla siyang nagtext. nakikipag-ayos. tao lang ako at napakadali kong magpatawad kumpara sa iba. tinanggap ko ang alok niyang bagong pagkakaibigan. panahon na siguro para mag-give way ako. sige na… talo nako. ngayong magkaibigan na naman kami. hindi ko na sisirain yun. tama na yung minsang pagkakamali. tama na. ninong daw ako sa binyag ng isa nilang anak.
Ipinaskil sa dabarkads |



At least umaayos na unti-unti pareng fau. okay yan. Merry Xmas!
ayos yan, dpat talaga nagpapatawad na ngayong pasko, sana mapatawad n rin ako nung mga fans ko na hindi ko binibigyan ng autograph ko.. “Sana po mapatawad nyo po ako,Sobrang sore na po kase ng mga kamay ko, Sana mapatawad nyo po ako”
nga pala repakol, inadd na rin kita sa links ko…salamat
FAU: salamat din po. hehehe. oo dapat talaga nagpapatawad.
Waw… Ganun pala kaclose ang triangle.
senxa na ha, pero swerte nmn nung gurl na mahal nyong dalawa at nagbugbugan pa kayo dahil sa knya, pero sa tingin ko,kayo ang di swerte sa kanya dahil kung in the first place, kung totoong may mahal xa sa sinoman sa inyong dalwa, inde dpat kayo naging dalawa di b?
pero ok yan, kaya mo magpatawad, and i can say, based sa kwento mo, na mas maswerte ka kesa sa kaibigan mo, and kung pra dun lang, pde mo na xa patawarin
>>>peace out
maganda yan magpapasko… bati-bati na and let there fish on earth.. hehehe..
ang drama pala talaga ng buhay mo fau, parang soap opera
mabuti naman at maayos na lahat before ka umalis
gosh tagal ko na nawala sa wp..the last tym hinahanap mo pa lang yung mahal mo..tapos nagbalik na pala sya at nagpaalam.ngayon si ka love triangle ang nakikipag-ayos.hayy..isa lang masasabi mo napakasalimuot ng love story mo..may pagkakahawig tau somehow..he..he..
sa pagkakaalam ko may unwritten rule ang mga lalaking magkakaibigan, na walang taluhan pag gf na ng isa! oh well, minsan may mga bagay na di maiiiwasan lalo na pag naramdaman mo na, at pag-ibig pa! ako naging kumplikado din mga love stories ko, pero di umabot sa nakipagbabag ako. marunong akong magpa-ubaya eh at di ako sanay maghabol! hehe!
Napaka-swerteng babaE naman nya….. Ang dami nagmamahal sa kanya. Parang gusto kong maging katulad nya. NaisiP siguro ni ronnie na di na kayo mga bata. Magandang senyales yan ng bagong buhay… aalis ka na wala maiiwaN may sama ng LOob…. Mukhang imposible man mabalik nyo sa daTi ang lahat, maganda pa rin na mag kapatawaraN.
FAU: oo nga. sana nga napatawad na talaga namin ang isa’t-isa. sana “kung makakaalis man ako” sana lahat sila ihatid nila ako sa airport hahaha!
mabuti kung makikipagbati nga.. pero baka naman gumanti yan?
tama lang ang ginawa mo..sayang ang pagkakaibigan kung masisira lang ng isang babae..ninong ka pa kamo sa binyag nung anak nila? ibig sabihin may tiwala na sya sayo kaya alagaan mo na lang.
ang saklap naman talaga ng ganyan..malamang kung sakin din ngyari yan sasakit ulo ko.mahirap tanggapin lalo na at mahal mo pa.
hangdrama ng istorya…
aww.. how nice..
nice site! ex links?
ang hirap ng sitwasyong ganyan.
uy bakit bugbugan scene na? grabe ah.. pero buti naman ok na kayo ng best friend mo.. weeeeh! im back! namiis ko kayo..
advance merry christmas!
what can i say..speechless aq sa blogsite mo.
hindi q p tpos bsahin lahat ng entry mo,pero im sure n babalikan ko 2..keep it up!
FAU: maraming tenk yu po.