h1

Pinoy Kenshusei: Exam

Disyembre 17, 2007

exam.jpg

biyernes pa lang, umalis na ako ng Manila para pumunta sa Laguna. kinabukasan kasi ay exam na. sumakay ako ng jeep papuntang Lawton, sa Lawton – sumakay ako ng Bus papuntang Calamba, Laguna. alas diyes na akong nakarating. naghintay ako ng matagal sa Llana’s Calamba dahil hinihintay ko ang bayaw ko na susundo sakin.

sa sobrang tagal. sumakay na ako ng traysikel. buti na lang at kilala siya ng traysikel drayber at hinatid ako malapit sa bahay nila. antagal ko pang kumatok dahil tulog na pala ang mga pamangkin ko na tanging natira sa bahay dahil sinundo nga ako ng bayaw ko, nagkasalisi lang kami. 10:00 PM na. nahihiya na nga ako kakakatok dahil tinitingnan ako ng mga tao. kinailangan ko pang distrongkahin ang pinto sa kusina, hindi ko rin naman nabuksan, saka dumating ang bayaw ko.

kinaumagahan…

maaga kaming nagising pare-pareho. nauna nga lang ang mga pamangkin ko. ang ate ko kasi ay nagtatrabaho sa Manila. nagbihis na ako, nagdasal na sana makapasa sa exam. para mapabilis, huminto kami sa isang place. nilakad na lang namin papuntang Green Life: ang kumpanyang pageexaman ko. kinailangan naming tumawid sa highway. lumusot pa nga ang paa ko kaya naging kulay brown sa putik. sabi ng bayaw ko; swerte daw yun. pero nababanas ako sa nangyari sa sapatos ko. nakakatakot sa dinaanan naming tulay sa highway, umuuga kapag may dumadaang malalaking sasakyan.

ang ganda ng view. pumila ako, nagpasa ng ID at umattend ng Orientation. pinanood pa sa amin ang isang palabas ng i-Witness tungkol sa mga “Kenshusei” na magiging kami rin kung maaayos namin ang lahat. nagkaroon ng mahabang orientation. 8:00 kami doon. napakaganda pa ng babaeng katabi ko. pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa tuwing magtatanong siya sa akin, or may favor siya. gaya na lang ng… “uy. pwede bang pakibantay tong bag ko. mag-ccr lang ako.” siyempre napapangiti na lang ako. “may glue or paste ka ba?” dahil ala siyang pandikit sa ID Poto niya. “anong nilagay mo sa Refferal?” wow tatlong beses niya akong kinausap. at ang ganda niya.

gusto ko nga sanang makipagpalitan ng cel number pero nahiya naman ako. umandar ang pagka-torpedo ko. sabagay kung makakapasa kami pareho, magkikita pa kami. nagsimula ang exam, essay muna saka IQ test ang sumunod. nakita kong paminsan-minsan ay sumisilip siya sa mga sagot ko… tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip. open na. kopya na kung kokopya. nagkangitian kami.

ipinapasa na ang test papers. nagkangitian ulit kami.

paglabas ko. nandun pa ang bayaw ko at ang pamangkin ko. nakupo nakakahiya naman naghintay pala sila, hindi na pumasada ang bayaw ko at hindi na rin pumasok sa eskwela ang pamangkin ko. pano kung hindi ako nakapasa… sayang naman ang pagod at sakripisyo nila.

dati ko nang nakaaway ang bayaw ko. hindi ko akalaing magiging close kami. mabait pala talaga siya gaya ng sinabi ng ate ko. pumunta pa kami sa bayan para bumili ng makakain. natuwa siya. andaming binili – nakapasa ba ako sa Board or Bar Exam para mag-celebrate? matiyaga ang bayaw ko. mahal niya ang mga anak niya, pati na rin siyempre ang ate ko. at nagpapakita siya ng maganda sa lahat ng mga kamag-anakan namin. ayos.

kanina, tumawag ako sa Green Life. long-distance call kaya cellphone ang gamit ko at ang PLDT Pwede Card. nahirapan man akong kumontak. sa wakas ay nakontak ko din.

“Good Afternoon, I’m Mr. Fau Rafili – i had an exam last Saturday… i would like to ask if I passed the exam?”

“Pasado ka. Pumunta ka na lang dito sa Friday at magdala ka ng authenticated Birth Certificate at Form-137.”

“Thank you.”

“You’re Welcome!”

at gagawin ko na ang lahat para makarating sa nais kong puntahan.

12 mga puna

  1. repakol salamat sa pagdalaw sa blog ko saka congrats din kase natanggap ka sa trabaho mo! dalaw ka ulet ha. tsalamat ulet..

    :-) FAU: nyak hindi pa po ako natanggap sa trabaho. hahaha! pasado pa lang sa entrance exam… pero dami pa rin kailangan. first step pa lang… tenx anywaysss!


  2. ei bro.. magkasama pla kyo ni inzan dilan sa pagkuha ng exam.. hehe gudluck.. pasado ba naman ba un?.. hehe

    :-) FAU: pano mo nalaman?


  3. ei.. hehe kasama mo pla inzan silan pag-exam.. hehe panu pag pasa di dun ka mgaral?.. hehe ganda din ng skul na yan.. ehhe

    :-) FAU: oo dun kami mag-aaral at pasado nga kami pareho.


  4. goodluck pare! malapit ka na ring maging isang bagong bayani! hehe!

    :-) FAU: sana nga… para maitaguyod ko rin ang bandila ng Pinas.


  5. congratulations sa bagong trabaho!

    :-) FAU: hehe. bagong trabaho? la pa aman ah. pasado pa lang po sa entrance exam.


  6. galing ka palang calamba? hehe.. hindi naman kaya nagkasalubong pala tayo? Hehe ;)

    :-) FAU: oo galing ako. hindi nga kaya?


  7. wuy! congrats! pag igihan mo ng maging ganap na hosto ka na balang araw..hehe! na-curious ako bigla sa chikas na kinwento mo.. sana magkita ulit kayo baka yan na ang hinahanap mo.. sunggaban mo na agad!

    :-) FAU: sana nga tadhana hahahaha!


  8. ayushhh!!! …tuloy-tuloy na yan parekoy! yung bebot na nangopya sa’yo sana magkita uli kayo! ;)

    :-) FAU: sana nga parekoy…


  9. Anu un? Kailangan ng test para makapunta sa Japan? Anu trabaho?

    :-) FAU: oo kailangan ng exam kahit ano. TESDA kasi ang nagcoconduct nun.


  10. Taga dito ako CalaMba kuya Fau… heheh Isang malaking HU-wOW!!!! Ang galing..Congratz kuya!!! Chicken lang seu yang Exam. NakuHa mo pa nga maG pa-cute heheh (joke) Maganda ba talaga yung girl. hahhaha!!! Teka ano oras ka nagpunta baka kasi ako hehehe!!!! JOke ulit seryoso Congratz po malapit mo ng maaBot ang yong mga pangaraP… :)

    :-) FAU: ang saya naman ng comment mo. napa Hu-WOW din ako hahaha! napakaganda niya at napakaseksi pa. sayang hindi ko nakuha yung number niya.


  11. wow pasado siya! Congrats!

    :-) FAU: salamat po. hehehe :-)


  12. *Applause*

    Congrats sayo! Nakapasa ka! yey! Sana naman ay di mo kami makalimutan pag nandun ka na.. :)

    Congrats ulit! :)

    :-) FAU: hinding-hindi, malamang naman na me net connection dun diba!



Mag-iwan ng Puna