
masaya naman pala eh.
Disyembre 14, 2007wala talaga akong maisip na entry na pwedeng itype. nablangko ba ang utak ko sa mga pangyayari lately? hindi naman siguro. kaya ayoko malasing masyado kong dinidibdib ang mga problema at mga pangyayari sa buhay ko.
…habang nakaupo ako sa dulo ng bubungan, kumukuyakoy ang mga paa sa kawalan, isang malakas na hangin lang tigbak ako dahil malamang na malaglag ako. nagiisip ako. pag tumalon ako, tapos na ang lahat. hindi ko na mararamdaman ang sakit at lahat ng pahirap. sa isang banda… hindi rin. eh kung sumabit ako sa mga wires tapos makuryente muna hanggang sa matusta then nang malaglag eh makaladkad ng sasakyan… eh kung hindi ako mamatay at mamatay lang ang kalahati ng aking katawan, malumpo. PUCHA. mas mahirap ata yun. kaya di bale na lang. yoko rin naman ng brutal na kamatayan.
naisip ko din. BAKIT? bat naman ako magpapakamatay? sinubukan ko na dati. gastos lang. naisip ko din na marami pa namang taong pwedeng mahalin at pakisamahan.
kung ayaw na nya talaga. e di goodbye. sa bawat nagsasarang pintuan ay ilan ang bintanang nabubuksan. at napatunayan ko na yan. imbes na magpaka emo, try ko naman maging Jologs at magpakaligaya na lang sa buhay at sisipin ang mas mahahalagang bagay na gagampanan ko sa buhay.
tama kayo. kailangan ko na talagang magmove on. NGAYON NA.
::: napansin niyo bang walang exclamation point at ilan pang karakters na hindi ko ginagamit, yun ay dahil sira ang keyboard ko nang mabuhusan ng kapatid ko ng sambasong tubig.
::: sa lahat nga pala ng bumabasa nito ngayon. ipagpray niyo naman ako na makapasa ako sa entrance exam ko bukas, sabado 8:00am… kailangan ko talaga ng mga dasal niyo, ngayon pang nakalimutan ko na lahat ng pinagaralan ko.
::: wag kayo magalala kapag nakapasa ako at nakarating sa Japan… padadalhan ko kayo ng mga regalo. magiging instant santa ako para sa inyo. pray lang.



Finally, the light at the end of the tunnel.
Awww…. Naiiyak ako at nalulungkot sa mga last posts mo. Mahirap talaga mag move on. Ganyan talaga ang buhay…
Galingan mo po.
FAU: ginalingan ko po ng SOBRA!
tsaka ang unang bibilhin mo pagnakafluaway ka ulit sa japan ay keyboard.. hekhekhek… repah wag u pakamatay lalo na kung tatalon ka sa bubong tapos makuryente ka sa wires.. ang chaka mo kung nasa kabaong ka.. ookrayin ka nila.. sasabihin nila ang shunga mo tatalon ka lng malapit pa sa kuryente… tapos sasabihin nila sana pinacremate ka na lng.. hahaha.. wak mong gawing libangan yan.. masama yan… dami pa namang magandang bagay sa mundo na dapat mong ikabuhay….basta pray lang.. god loves you.. and merry x-mas..
kaya mo yan, Fau!
balitaan mo kami pagtapos ng exam mo.
sakin “lapad” ang pasalubong mo — maski sangdangkal lang ang kapal.
FAU: hehehe. tapos na ang exam pero hindi ko pa alam ang resulta.
makakaasa ka fau. pagdarasal ko ang iyong exam. sayonara!
nakikisawsaw ako sa nararamdaman mo. text mo na lang ako.
magpakabuzy ka.. yun din ang ginagawa ko para mag move on.. pero kaya mo yan!!
Yaan mo I’ll pray for you pero yung gift ha, don’t forget nyahaha! Good luck and God bless Fau!
ay sunday na ngayon, sana nakahabol pa ang prayers ko
goodluck na din kahit late haha.. naku tama yan fau, kung may nagsasara may bubukas din talaga kaya wag ka magpakamatay muna noh. sino na magmamaintain ng blog mo kung ala ka na? ahehe.. pray ka lang lagi
sige. move on lang. papuntang japan. good luck.
moshi moshi… arigato!! kaya mo yan fau, move on and Godbless sa exams bro!:)
uu nga. ngaun na dapat mg-move on. *sigh*