h1

paalam na.

Disyembre 12, 2007

 003.jpg

“na-miss kita… sobra, pero alam mo namang hindi pwede diba?” ang wika niya sabay halik sa aking labi. “okay lang yun, ang mahalaga nandito ka ngayon.” ang sabi ko sabay halik sa kanyang labi.

“mahal na mahal kita Fau, at alam kong mahal mo rin ako… pero hindi ba’t mali na itong ginagawa natin?” sabay halik. “alam kong mali… pero ako naman ang nauna diba? at alam ko rin na kasalanan ko ang lahat.” ang sabi ko sabay halik.

“kaw naman kasi…” sabay halik. “ayos na nga di’ba?” ang sabi ko sabay hatak sa kanya sa kama.

malamig ang panahon pero nagbabaga ang mga damdamin. muli na namang nagliwanag ang kalangitan, nawala ang kulimlim at ang nagbabadyang ulan. nabalot ng init at nagpupuyos na pakiramdam. masyadong pribado ang mga pangyayari, pero alam kong alam na ninyo kung ano iyon.

at nang matapos…

nakahiga siya sa aking bisig at nagwika, “kaya ako bumalik para magpaalam na.”, ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “natatakot na kasi ako, masyado nang maraming nakakaalam, nakakakita, delikado na ang lagay natin.” gumagaralgal ang kanyang tinig, pero nanatili akong tahimik. “…mahal kita, alam mo yan, pero… pero… pagod na rin akong magreason kung saan ako pumupunta sa tuwing umaalis ako, nagdududa na siya… alam niyang sa iyo ako pumupunta, hinuhuli niya lang ako. may responsibilidad na ako. dalawa na ang anak ko, sana maintindihan mo”. tumulo ang kanyang luha.

niyakap ko siya nang napakahigpit, hinalikan ng paulit-ulit. “magsalita ka naman!” ang sabi niya. napipi na yata ako sa mga pangyayari. pero may ngiti pa rin sa akin labi. tumalikod siya at kumaway, nagpapaalam. alam kong mangyayari iyon. alam kong babalik siya para magpaalam. maaaring bumalik pa siya, maaaring hindi na. alam kong mali. anong magagawa ko kung mahal ko siya. tapos na ang buong araw. tapos na rin siguro ang lahat. tinext ko siya.

“hindi na ako nagsalita. gusto man kitang pigilan, alam kong mali. salamat at bago ka tuluyang lumisan ay nagpaalam ka, siguro alam mong naghihintay ako. kasalanan ko ang lahat, alam ko yon. baliw lang siguro talaga ako para umasang maaari pang ipaglaban ang pagmamahal na wala nang patutunguhan. alam kong darating ang moment na ito. hinanda ko na ang sarili ko. tatandaan mo na mahal na mahal kita. kung babalik ka pa, salamat. kung hindi na, paalam. hanggang sa muli… kaibigan.”

message sent.

binura ko ang lahat ng message niya, binura ang lahat ng litrato naming dalawa, binura ko ang pangalan niya. binura ko ang lahat – sana pati ala-ala.

i’ll try to move on. pero babagalan ko. para kung sakali. mahahabol niya pako!

18 mga puna

  1. waaaah :(

    FAU: pasasaan bat magiging ayos pa rin ako….


  2. ayos lang yan fau… mnsn tlg unfair ang buhay, pero darating ang time na mgiging okay ka. ang mahalaga my chance ka to love her db? ayos lng yan, kya mo yan fau! :)

    FAU: sa tingin ko naman kaya ko. sana lang…


  3. waaaaah! ang sad! akala ko pa naman for good na pagbabalik niya yun pala magpapaalam na siya.. :( tama try to move on.. lilipas din yan..

    FAU: i will. and i hope i can.


  4. awts. sakit. mahaba pa naman ang buhay mo.

    FAU: oo nga. sabi nga nila think positive diba.


  5. male version ni angel, the teenage mistress? hehe!

    try to think about this pare, kung TALAGANG MAHAL ka niya, kahit may responsibilidad na siya, kahit ilan pa anak niya, gagawa siya ng paraan para kayong dalawa ang magkasama! may friend ako, babae siya, pero iniwan niya yung asawa niya para makasama yung lalaking alam niyang mas magpapaligaya sa kanya, na alam talagang mahal niya! syempre may mga taong jina-judge yung ginawa niya, pero at the end of the day, MASAYA naman siya kasama yung lalaking MAHAL niya! di gaanong kadaling gawin yun, pero kung sigurado ka isang bagay, kailangan mong mag-take ng risk!

    FAU: oo tama ka parekoy. ako tinake ko na lahat ng risks. turn niya na. siguro were not meant to be lang talaga. nakakalungkot isipin pero wala na talagang patutunguhan tong relasyon na ito. kailangan nang putulin ang pisi na naguugnay sa ming dalawa at magsimula ng panibagong libro.


  6. ang lungkot naman.. hm.. Nakakarelate ako sayo.. Totoo mahirap talaga yang ganyang relasyon.. Golly, buti ka pa, moving on… Kaya mo yan!!

    FAU: i have to. and i need to. waaaaaaaaaaaaaaah…


  7. hehehe… ;)

    FAU: smile…


  8. Malay mo makahabol pa ulit, mabagal pa naman eh! Joke lang! :)

    Ok lang ‘yan, kaya mo ‘yan.

    FAU: kakayanin ko to. kahit alam kong mahirap.


  9. U’ll be OK…i bet it. Theres someone more desrving..cheer up. Lifes goes on after all.

    FAU: ganun naman ata talaga ang buhay. kahit hindi mo kaya. darating ang panahon na kakayanin mo na rin di ba….


  10. Oh men! Ouch naman yan, pero ganun talaga ang pagmamahal minsan kailangan mong magpaalam pero hindi ibig sabihin katapusan na ng lahat para sa’yo.

    FAU: oo nga kinailangan ko nang magpaalam. at hindi pa tapos ang lahat. kasi hindi pa naman ako forty and life begins at forty diba?


  11. Mahirap talaga ang ganyan. nahirapan din ako magmove on dati. lakas lang ng loob bro. Pero lam mo, bilisan mo na magmove on. wag mo na siya pahabulin. bigyan mo ng bagong start ang buhay mo. Bihira ang happy ending sa ganitong istorya.

    FAU: oo nga bihira. lalo pa at may responsibilities na sya diba. binata pa naman ako and marami pang mangyayaring mas magagandang bagay sa buhay ko. salamat. sana nga hindi na siya bumalik.


  12. never ever forget all the people who became part of your life, coz it will take away some part of you if you do. But discard all the sad memories they left and retain the momentous one and you will find out that life is not that hard to live to enjoy!!! **)

    FAU: thanx. that was really a great quote. waaaaaahhh.


  13. kayang kaya mo yan :D


  14. kaya mo yan bro :)

    pagdadaanan talaga natin lahat yang ganyan…we all have problems of varying degrees….may mga sumusuko earlier on their battles, pero meron din naman who are brave enough to conquer whatever life has thrown at them.

    Sabi nga ng aking mentor, C.B.B (http://www.tintinandjuliusbabao.com/mommytintinblog), which I will also share to you…

    “We all have our moments of darkness. But that’s because God wants us to fully appreciate it when we see the LIGHT of His will. And HIS WILL, IN HIS TIME, is ALWAYS PERFECT.

    So never ever think or feel like giving up again when you fall again and reach the bottom of the pit. You are beautiful, smart, talented – you speak well, you’re an artist, you have a heart to serve. You have a role in this world to fulfill, or you are ALREADY fulfilling it!” – http://kristinesendy.wordpress.com/about/

    Cheer up, bro :) You’ll have your serendipity soon…in His time.. :)

    :-) FAU: deep thoughts… happy thoughts. sana maging maayos na po ang lahat. at sana rin ay maging masaya na ako. pero as of now. i’m a bit happy na rin.


  15. :( Ikinalulungkot ko kuya.. :( Gaya ng palagi nating sinasaBi…alam ko gasgas na salita na tOh pero efektib. Mag move on ka pilitin mo. Gawin mo …. Libangin mo ang sarili mo sa maRaming bagay. Isang araw magigising ka nalang at masasaBi mo sa Sarili mo nakaya mo. :)

    :-) FAU: gasgas man alam nating lahat na yan ang pinaka-effective na gawin… at ang pinakamahirap din.


  16. i hate goodbyes… afraid of the feeling of being alone. this made me cry :(

    :-) FAU: ako din hate ko ang goodbyes… sobrang nakakalungkot.


  17. bawal na pag-ibig.

    :-) FAU: hu hu hu!


  18. ikaw na rin ang nagsabi na alam mo sa sarili mo nung una pa lang na mali.. kaya take the consequences.. move on pre! madami naman singles dyan.

    natawa ko dito sa taguan ah! parang ako rin yun eh.. patago! haha! pero wala naman akong experience na gaya ng sayo.

    :-) FAU: wow. anong experience hahaha!



Mag-iwan ng Puna