h1

nagbalik siya!

Disyembre 11, 2007

a kiss is just a kiss.

gaya ng sinabi ko. kinakailangang masayaran na ng Red Horse ang lalamunan ko. kahapon alas-tres pa lang eh nag-inuman na kami ng kaibigan kong si Drey. simula pa lang ang kulit na namin. nang matapos ang tig-dalawang bote (pa lang) ng RH eh naghanap na kami ng ibang makakasama.

sinubukan kong kontakin si Jenna at Lauren. pero pagod na daw sila dahil kagagaling lang nila sa trabaho. naalala kong may mga trabaho pala sila at kami ay wala. kami na lang tuloy ng walang kamatayan kong kaibigang si Drey ang pumunta sa Bar. noong una, inisip ko na hindi ako kakakanta… pakiramdam ko paos pa rin ako. kinailangan ko pang makahitit ng tatlong stick ng yosi para mawala ang clogged nose ko. pero wala pa ring epekto. kumanta ako. at halos hindi ko talaga maabot ang high notes na sisiw lang naman talaga sakin sa normal na pakiramdam. bigo ako. hindi na ako kumata ulit at baka mapahiya pa kami pareho.

iba ang mood ko. malungkot, inaantok, masaya, masama ang pakiramdam, halo-halo… parang nababaliw na naman nga ako. nakipagkulitan ako hanggang gabi. maingay ako (alam ko!) makulit ako (kasi lasing na!) pinagpapawisan ako kaya hinubad ko muna ang shirt ko at isinampay sa balikat ko.

maya-maya may humatak nito…

magkahalong asar at kakulitan ang namuo sa isip ko. mabilis kong nilingon ang humatak ng shirt ko. at nagitla ako sa aking nasilayan. ang malantik at mahahabang pilikmata, ang mapupulang labi, ang mala-porselanang kutis, ang mahabang buhok…. nagkatitigan kami hanggang sa napansin ko ang ngiti sa kanyang labi. nilukob kami ng pagmamahal. napangiti ako… hindi ko na napigil ang damdamin ko. hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at idinampi ang aking labi sa kanya. nagyakap kami ng mahigpit. parang isang eksena sa isang pelikula.

nagbalik siya…

walang umiimik samin. pareho kaming speechless. saka ko naramdaman ang init ng mga matang nakatitig sa amin. PUCHA! nasa gitna kami ng daan. anaknaputakte ngayon lang ako naging PDA! niyaya ko na lang tuloy siya sa bahay.

9 mga puna

  1. di nga? nakailang rounds? :D

    FAU: ganun?


  2. yung silhouette sa itaas, ikaw ba yan FAU at “siya”. hehe. me post din akong ganyan ngayon — video nga lang.

    o tapos p’re, anung nangyari…? :P

    FAU: hahaha. hindi kami yan. sinearch ko lang yan. para namang magpipiktyru-piktyuran pa kami ng ganyan. hahaha! yung nangyari sa post ko na ngayon.


  3. woww!:) ang gandang balita nyan fau! :D yey di ka na malungkot ahehe.. sabi sayo iniisip ka din nun lolz.. sana tuloy-tuloy na yan.. mabuhay ang bagong kasal! este bagong nagkabalikan ahehe :D

    FAU: hahaha. mabuhay pala ang bagong kasal ha. hehehe… shalamat po!


  4. ang romantic naman.. :D

    FAU: :-)


  5. pare bitin yung kwento! wala na bang kasunod?

    FAU: meron siyempre…


  6. oooh! She’s back! for good na ba yan?? sana naman para naman happy ka na.. yiiihee! :D

    FAU: sad to say. pero hindi. pwede pa rin naman akong maging happy kahit wala na siya diba?


  7. bakit kahit alam mo ng walang patutunguhan pilit pa ring pinagpapatuloy, kahit alam na alam nating magkakasakitan din naman…
    gustong-gusto ko yung sinabi mo sa dun sa nakaraang post mo,..
    buti pa sya bumalik sa iyo.. :-)

    add kita sa roll ko.. salamat!

    FAU: kahit na alam ko. hindi ako bumibitaw. although napaka-imposible. gusto ko siya ang lumayo at hindi ako. salamat tol. sana naman iniwan mo man lang URL mo para mai-add din kita.


  8. http://bunz2605.wordpress.com

    salamat din ha??!!!

    FAU: always welcome tol.


  9. aww… rated PG pala ito. lol. :) )

    FAU: yubn lang… hehehe! baka naman RAted X!



Mag-iwan ng Puna