h1

buhay-tambay…

Disyembre 10, 2007

lunes na lunes nag-uuulan! balak ko pa naman sanang pumunta ng BIR, pero mukhang malabo. sinisipon pa rin kasi ako at nilalagnat. naku naman… ngayon pa ako nagkasakit. akala nga ng marami eh hindi ako tinatablan – sa laki ba naman ng katawan ko, sino ang mag-aakalang sipunin pa pala ako.

hexuli, hindi ako sipunin or sakitin. minsan lang sa isang taon ako magkasakit. kung kailan hindi ako nakaka-toma saka naman ako nagkasakit. naisip ko tuloy… POSIBLE kayang kapag uminom ako ulit eh gagaling ako. just a though lang naman – pero baka subukan ko mamaya.

ilang araw na rin naman kasi akong nakatengga sa loob ng bahay. pakiramdam ko nga antanda-tanda ko na at hindi na ako nakikibarkada sa mga kupal na gangster sa labas. ni hindi ako humihinto para makipagkuwentuhan, inuman, bolahan, lokohan, asaran o kung anu-ano lang. pero nakikipag-batian naman ako. ngayon ko lang napansin, marami-rami na palang bagong mukha sa lugar namin. may mga gorgeous gals na pala. napapatingin nga sila sakin pag lumalabas akong nakatapis lang. pero kailangan pa-suplado muna kaya hindi ko sila nginingitian he he he :-) naisip ko kasi na mas gusto nila ang suplado. baka ito na ang pagkakataon ko para magkasala he he he :-)

nakakaaliw din naman sa bahay kahit papaano. nariyan pa rin naman ang tambalan ng balahura at balasubas sa 90.7 Love Radio. nariyan pa rin ang mga palabas sa TV gaya ng CSI Miami at Pinoy Big Brother. natutuwa rin akong panoorin yung tutang ibinigay ng kaibigan ko last month na sa sobrang katakawan eh inaagaw sa pusa namin (imagine kahit nasa bunganga na ng pusa eh kinukuha niya pa ha!) buti na lang at matured na ang pusa namin kaya hindi siya pinapatulan. pero paminsan-minsan bigla na lang umiiyak yung tuta. minsan nakita ko binabatukan pala siya nung pusa.. seriously! (ngayon ko lang nalamang nambabatok pala ng makukulit at mahaharot na tuta ang matured na pusa). nariyan pa rin naman kasi ang paborito kong inuman… ang napakatapang na Kape na palagian kong inilalagay sa mug na may image ni Mickey Mouse… nariyan pa rin naman ang mga ka-textmates ko sa smart at sa sun. at siyempre nariyan pa rin po kayo mga katotong blogger.

kuntento na ba ako sa ganitong buhay… gaya ng maraming tambay na jobless? hindi siguro. siyempre mas gusto kong gawin ang mga bagay na ito sa isang malamig na apartment sa Japan bwa ha ha ha ha ha :-)

15 mga puna

  1. Waaaah! tinamaan ako dun ah! hehe! mahirap maging tambay.. buti ikaw baguhan ka pa lang sa propesyon na toh.. ako 4 na buwan na.. haha! :D

    FAU: hehehe. oo mahirap nga. ngayon ko pa nga lang nararanasan hindi ko na kinakaya…


  2. ah jobless… ganyan din ang feeling ko noong bakasyon at walang ginagawa. kaya nilulustay ko ang oras sa pagsusulat. ang kyut naman nung pusa… manbabatok ng tuta. haha!

    FAU: oo anlupet nga eh. hahaha. nabigla ako na nambabatok pala siya ng tuta.


  3. ur suffering for a beer syndrome!!! ehehehe..

    FAU: ganun ba yun? anong beer syndrome… me pagka-adik ba sa alak ang meaning nun. hahaha!


  4. masarap din naman ang buhay tambay. dapat nga lang mapera ka para masaya! wahaha…

    FAU: tama ka. kailangan mapera ka. at ako ay ubos na ang pera hahaha. kaya hindi na masaya.


  5. Reality hits me again… Salamat kay fau dahil napadaan ako sa blog niya at may nagpaalala sakin na hindi habang buhay puwede akong maging tambay na yuppie.

    FAU: natuwa naman ako na nakakapagbigay din pala ako ng pag-asa sa iba hehehe. salamat.


  6. may sakit ka rin :( kainis ano? hirap mag blog hopping kapag may sakit… hehe. inom ka ng maraming tubig, juice… pagaling ka agad!

    FAU: hahaha. “hirap magblohopping pag maysakit?” hehehe. un kaya ang pinakamadaling gawin pag may sakit. hehe.


  7. Wahahaha. ako din. tagal ko nang hindi nagkakasala. hehehe

    FAU: hehehe! mahirap ding hindi nagkakasala. alang thrill.


  8. Ako mas gusto ko ngayon gawin yung tumambay sa bahay dyan sa Pinas kasama ng mga mahal ko sa buhay… Pareho tayong may sakit, ubo sipon lagnat naman ang akin…

    Pagaling tayong dalawa! :)

    FAU: oo pagaling nga tayong dalawa. siyempre pag may sakit ka at malayo ka sa mga minamahal mo. talagang mamimiss mo yung inaalagaan ka.


  9. get well soon!

    FAU: tenx! :-)


  10. yeha..first comment ako! he..he..he..

    astig pala yung tuta mo kung mang-agaw ng fud he.. he.. baka naman di mo xa pinapakain fau kaya kahit yung lulunukin na lang ng pusa eh hinablot pa..

    tanong ko nga pala,sino ung girlaloo na may hawak sa puppy?.(sowi tsismosa talaga ko )

    FAU: ha ha ha! siya si………………… wag na lang.


  11. hahaha! hinihintay mo pa palang magkaroon ka ng chance magkasala ha.. the best ka meyn. ang sarap maging tambay. ganyan din ako last year eh.. haaaayyy… namimiss ko na ang ganyang buhay.

    FAU: waaaaaah! wag mong ma miss at hindi masaya.


  12. hello po…
    kakaiba ang pusa nyo ha nambabatok ng mga pasaway na tuta. pwede din kaya nyang batukan mga taong pasaway din.

    FAU: oo nga kakaiba. naisip ko tuloy. siguro nakakaintindi rin sila. kasi bat nambabatok pag makulit yung tuta diba?


  13. alak lang ang sagot pag may sakit ka! especially sa ubo, 100% tested by eNocH! hahaha!

    FAU: tama ka nga. medyo gumaan na nga ang pakiramdam ko.


  14. p’re remedyo din ang toma maski konti lang para indi ka sipunin… lalo ngayon malamig ang panahon? kaya sa japan sigurado panay ang toma mo dun hehe.

    nag-alaga din ako ng sanrekwang pusa nun. iba mag-BATUKAN yan pre — LABAS ANG KUKO. :lol:

    pero nagsi-alisan sila nung dumami na ang mga daga ko. kasi ang mga hamster ko — NANINIPA!

    FAU: hahahhaa. kulet ah. NANINIPA? hahaha… baka naman pinalayas mo na lahat dahil nga nagka-hamster ka na. o kitams talagang nagbabatukan bwa hahahaha!la nako sipon. uminom na naman kasi ako. bwa hahaha!


  15. naks,, drama talaga ng life,, i know what you did last summer,,, hahaha,,,

    FAU: oo nga naman…. napakadramatik ng buhay.



Mag-iwan ng Puna