h1

Fau: ang dakilang hosto!

Disyembre 9, 2007

japan.jpg

Konnichiwa! (Good Day!)

sa tingin ko matutupad ko na ang pangarap kong pumunta, manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. naks naman! ayos na ayos isipin diba? this coming Saturday – mageexam ako ng parang entrance exam sa isang Language School at ang pag-aaralan ko ay ang Japanese Language. wish ko lang makapasa ako.

ano naman kaya ang magiging trabaho ko dun. bwa hahaha! pwede na rin sigurong maging Hosto. o kaya kahit Macho Dancer na lang… basta ba malaki ang kita ayos na yun. pero sabi naman sakin eh bout clerical job ang gagawin ko dun. (sana lang)

kapag nakapasa ako sa Entrance Exam, 3 months akong mag-aaral ng salitang Hapon – balita ko 3 times a week me exam. ang final exam daw eh makikipagkuwentuhan ka dun sa isang Hapon doon. pag nakapasa ka. 1 month lang at pa-Japan ka na! naks sarap pakinggan – pero sana totoo! eto na siguro ang pagkakataon kong makaahon sa hirap. at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. marami na rin kasi akong narinig na success stories kapag nangingibang-bayan.

PUCHA! pano na? madami akong ma-mi-miss…

…ang mama ko (ala nang magluluto para sakin)
…ang mga kapatid ko (wala nakong maririnig na ingay)
…ang mga kaibigan at kabarkada ko (wala na kong kakulitan)

…ang lugar na tinitirhan namin (wala nakong makikitang mga chismoso at chismosa, mga basagan ng mukha, mga kaliwa’t-kanang grupong nag-iinuman, mga fixers, mga papansing bata at kung anu-ano pa.

…ang pinakamamahal ko na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam sakin. pano ko masasabi sa kanya na sa e-mail, friendster, wordpress, messenger etc. na lang kami mag-communicate, pano ko maibibigay sa kanya ang mga id, nicks, at e-mail address ko?

palapit na nang palapit. hindi ko alam kung ano pa ang mga pwedeng mangyari. isa lang ang alam ko. by hook or by crook eh tutuloy ako.

10 mga puna

  1. okey yan p’re. maganda dyan sa japan. nag-JICA training ako dyan nuon — Okinawa, Sapporo, at Tokyo. hehe. grabe ‘kalbaryo’ ko. sa byernes kwento ko.

    sana makapasa ka sa exam. at sana matuloy ka sa Japan at salubungin sa Narita airport (o maski saang airport dun) ng mga salitang “irashaimase!”

    Hai! Konnichiwa! :)

    FAU: naks. excited na tuloy ako. salamat po ha!


  2. wow magjajapayuki ka na! ahehe :D galingan mo ang pag-aaral ng nihonggo :) may libreng japanese class sa work ko dati pero ang 1st session lng na-attend ko kasi nahirapan ako haha at di ko naman kailangan.. pero ikaw kelangan mo so GOODLUCK! ;)

    FAU: tenk yu po. salamat talaga.


  3. oi.. ei watz up?.. likewise.. enjoy ka siguro kasama like ni inzan dilan.. hehe inuman tayo minsan.. hehe

    FAU: ayos na ayos! inadd kita sa blogroll ko. ask ko lang bakit batang paslit?


  4. Konnichiwa Fau san! LOL… anyways, ako may pending application sa Korea….. having second tots lang ako… kagaya mo.. natatakot ako ano na lang buhay ko dun kung wala minamahal mo at nanay mo.. huhu.. kaya indi ko na tinuloy… anyways, ang post ko tomorow is related din sa post mo ngaun… ahehehe…..

    hai hai hai!!!padalhan mo ko ng whitening soap..lols

    FAU: naks. gusto ko talaga pumunta hindi naman para magbakasyon. naisip ko lang kailangan ko rin mag-sacrifice…


  5. Konbanwa! (Good evening!)
    Hosto? ayos yan bro. May friend akong hosto sa japan dati. daming kwento ang hinayupak, ewan ko lang kung totoo lahat ng kwento niya. Exaggerated magkwento yun minsan. Pero maganda talaga diyan sa japan.

    FAU: hahaha! la pa naman ako sa Japan. asssuming pa lang hahaha!


  6. mag-hosto ka na lang tsong! balita ko malaki daw kita dun! hahaha! seriously, masarap na mahirap ang pag-aabroad lalo na pag mag-isa ka lang! tama ka, wala ng magluluto sa’yo at kailangan mong mabuhay ng sa sarili mo lang, ang kagandahan lang nun ay makakatulong ka ng mas malaki sa pamilya mo! pag sinumpong ka ng homesick, patay ka! lalo pag may okasyon tulad ng bday at pasko! naku! hahahaha! goodluck pare!

    FAU: salamat. gusto ko sanang mag-leave ng comment sa mga entries mo. pero ang isang napakalaking problema ay naka-close ang comments sa blog mo. hindi ko tuloy masabi ang gusto kong sabihin sa iyo.


  7. ano ba sasabihin mo? may comment page ako! click mo http://tvquotes.wordpress.com/comments/

    FAU: ah ganun ba hehehe. di ko po napansin yon eh. hehehe.


  8. Aba at magjajapan ka na pala. Baka naman kalimutan mo kami..gud luck sa exam at gud luck din sa pag hohosto ;)

    p.s.
    size 4 nga pala size ng shoes ko :)

    FAU: waaaaaaaaaaaah! di nga 4 lang size ng shoes mo??? seryoso??? hehehe. hindi naman po hosto eh. waaah. if ever lang naman po iyon hehehe.


  9. Genkideska Fau san? (How are you doing?) Japan! woooohooo! gusto ko din makapunta diyan. super ganda daw kase tska gusto ko makakita ng mga geisha.. haggang ngyon kse meron pa din and they really are beautiful hehe! advice lang ah.. nood ka ng mga anime na hindi dubbed pero may subtitles in english swear matututo ka mag nihonggo, kahit yung basic lang. Works for me! hehe! kung ayw mo ok lang. hehe! :D

    FAU: waaaaaaaaah di nga. sige susubukan ko. salamat sa payo hehehe!


  10. wow!!!! iiwan mo na kami naks…well!! goodluck!!!!! nawa’y magtagumpay ka sa iyong tatahakin ..goShhh…ang lalim hahaha!!!!!

    KapaG natuloy ka….hanap moko ng hapon…. ha kuya :)

    Kaya mo yan…maipapasa mo yan…. aja!!!!

    FAU: haha hindi ko kayo iiwan. me world-wide-web naman diba. saanman ako makarating babalitaan ko pa rin kayo.



Mag-iwan ng Puna