h1

sa iyo kaibigan…

Disyembre 7, 2007

akosifaublogger.jpg

ibang klaseng buhay to. ayoko talaga sa lahat eh maging tambay.

pinagsawaan ko na ang pagiging tambay ko noon. hindi ko naman akalain na magiging tambay na naman ako ngayon. nakakatamad, nakakalungkot, naiisip ko tuloy yung mga bagay na hindi ko naiisip dati sa sobrang ka-busyhan… nararamdaman ko ngayon ang pangungulila na hindi ko naramdaman dati.

nagpapasalamat pa rin ako… kasi sa bagong buhay na ito, mas marami akong kaibigang nakilala, mas na-realize ko ang worth ng mga simpleng bagay na hindi ko pinahahalagahan noon.

nakakapraning, nakakalungkot… although minsan, lalo na kapag sinamahan ng espiritu ng alak (pero minsan lang) napakasaya. pinipilit ko pa ring maging masaya sa bawat araw, at nagtatagumpay naman ako. pero may kirot pa rin.

ansama noh? puro senti ang mga entries ko. sana naiintindihan niyo ako. tao lang din naman ako diba? at nasasaktan… at nakakaramdam ng pangungulila.

sa mga susunod na mga entries ko. magiging masaya na ako. PANGAKO!

salamat nga pala sa mga kaibigan ko. sa iyo na nagbabasa nito, salamat sa mga komento at pagbisita… at higit sa lahat sa mga itinuturo niyong lessons in life. maraming salamat.

hindi ko akalain na sa pagbubukas ng bagong aklat ng buhay ko, mas marami pala ang babasa nito at makikisalamuha sa magulo kong mundo.

salamat.

10 mga puna

  1. wow parekoy very nice naman ng blog mo… don’t worry parekoy lahat ng bagay at pangyayaring dumadaan sa buhay natin ay may rason… tnx nga pala dun sa mga comment ng pinost ko kahapon. sensya nalimutan lung mag leave ng comment before I go.

    FAU: okei lang hehe. tnx for leaving a comment and visiting din parekoy.


  2. Daming pwedeng maging mali sa mundo. masarap magblog ng masaya pero hindi talaga maiwasan ang magblog ng, masama, malungkot at pabarubal minsan. hehehe :)

    Napadaan lang po. link your site. :)

    FAU: oo nga napakadaming pwedeng maging mali sa mundo. nakakalungkot isipin pero totoo.


  3. Awww ang swit nung isa mong post. Hay nakakamiss ang mga minahal natin.

    FAU: sweet ba? hehehe :-) nakaka-miss nga naman talaga sila. sana namimiss din nila tayo.


  4. Theres nothing wrong for being senti sometimes.. we all need that… it just shows that your human… capable of having emotions..

    FAU: i am. and i am an emo. hahaha!


  5. walang anuman kaibigan! hehe!

    FAU: :-) nga pala. ask ko lang kung bakit hindi ako makapag-comment sa blog mo
    .


  6. sabi ko rin sa sarili ko nung mag umpisa akong magblog, na gagawin kong masaya ung site… na iiwasan kong mag-emo. pero di ko pala keri kasi kahit anong gawin natin part ng buhay natin ang maging malungkot sometimes..

    FAU: oo nga tumpak! akala ko din noong una, madaling magpakasaya kahit sa totoo malungkot ka. saka ko naalala ang blog pala ay sumasalamin sa mood at sa pagkatao ng nagmamay-ari nito. hindi rin niya mapigilang lumuha dahil lumuluha ako.


  7. Your very much welcome! :D ok din naman mag emote paminsan minsan kaysa naman di mo ilabas yan diba.. mahirap na baka mabaliw ka.. hehe!

    Cheers to you! At salamat din sa iyo kaibigan! :D

    FAU: :-) always hir! beside everyone of you.


  8. ok lang yan fafa fau. labas mo lang lahat na nafefeel mo ahehe masaya, malungkot, masakit, masarap (lolz) or kung anuman, sulat mo lang ;) .. d2 pa rin kami, nagpapanggap na binabasa entries mo haha jok basta d2 lang kami, tapos andyan ka haha labo .. tenks din sayo :D at gudlak sa pagbubukas ng bagong aklat sa iyong makulay na buhay :D

    FAU: bwa hahaha! kulet pero labo nga talaga. hehe. tenkz. basta ba totoo sinasabi mo/niyo hehe.


  9. bagong blog, bagong aklat ng buhay… dating mundo?
    … astig a!

    p’re dagdag kita sa mundo ko! :P

    FAU: salamat sa pagdagdag mo sakin sa mundo mo ha. sana hindi na ako makaalis sa mundo mo. at ikaw din hahaha. pag-isahin natin ang ating mga mundo bwa hahaha!


  10. Huy Fau! Ano yan ha? Wag ka na masyado malungkot. Idaan na lang natin yan sa inom, ikaw ang iinom at ako ang uubos ng pulutan… Sagot ko na rin ang kwentuhan… :-P

    FAU: nya hhahahaha! so ako lang iinom. hahaha. okay sige kaw na lang magkwento gusto ko masaya ha!



Mag-iwan ng Puna