
dudong charing…
Disyembre 4, 2007may usapan kami ng kabarkada kong si Renz na mag-iinuman kami kasama ang iba niya pang mga katrabaho. stay-in siya sa work niya at may mga kasama rin siya. ilang beses ko na rin naman silang nakainuman at naka-jamming sa kulitan… at talaga namang ayos ang samahan namin.
this time, may iba pang mga kasama.
kasama ko ang isa ko pang kaibigang si Jane. game si Jane sa anumang bagay, at madali siyang makakuha ng loob ng sinumang makakakwentuhan.
nagsimula ang kuwentuhan, harutan, kantahan at may kaunting sayawan. talagang todo-kasiyahan ang lahat. nakilala ko ang kabarkada rin ni Renz na si Dennis. tahimik lang si Dennis, malaki ang pangangatawan although medyo kinapos sa height, may tattoo ang magkabilang braso. nagkukuwentuhan naman kami ng isa ko pang kaibigang si Lance habang si Jane naman ay nakikipagkantahan kina Renz, Dennis at sa iba pang tao sa lugar na iyon.
maya-maya may napansin akong isang wirdong pangyayari…
sa isang sulok, nakasungaw sa bintana sina Renz at Dennis, nakatalikod sila sa amin. napansin kong naka-akbay si Dennis kay Renz sa isang nakakatuwang paraan, walang damit pang-itaas si Renz at nakasukbit sa kili-kili niya ang kamay ni Dennis, habang marahang humihimas ito. natawa ako. could it be?
maya-maya – nagkayayaang manood ng triple X, sinabihan ko si Dennis na tutal eh tagaroon siya, maghanap siya ng bala. tumagal ng kinse minutos, dumating si Dennis dala ang bala ng DVD. isinalang… at lahat ay nagulantang, Gay Sex Video. PUCHA! sinasabi ko na nga ba. pero ipinagpipilitan ni Dennis na maganda yun at may iba pang scenes na may babae naman. so okay nilipat-lipat namin, pero wala kaming nakita. Naknamputsa! Bading si Dudong (galing siya sa kabundukan) natatawa na ako at binulungan ko si Renz… “Pucha tol, alam mo ba iniisip ko?”, “Gagi hindi yan bading, lalaki yan”, ang sagot ni Renz, “pano mo naman nasabi, eh kanina ko pa nahahalata yan eh, baka naman siyota mo yan hahaha!” ang pang-aasar ko. “Tarantado, hindi ah. kilala ko yan, tsaka kita mo naman yung katawan niyan, tingnan mo naman yung mga tattoo!” sabi niya. “ayoko na magsalita, pero iba ang tingin ko. hehehe!” patuloy na pang-aasar ko. tumigil kami sa usapan nang biglang tumabi si Dennis sa kanya…
maya-maya isa-isa nang nagpapaalam ang lahat. naiwan kami nina Jane, Renz, Dennis at ako. “sige pare, uwi na ko, tinamaan ako sa ininom natin, pero salamat nag-enjoy ako”, ang wika ni Dennis sabay halik sa pisngi ni Renz… hindi ko napigilan ang pagtawa. halatang nabigla si Renz sa ginawa ni Dennis. “sige pare ingat ka na lang!” sabi na lang ni Renz sa kanya. “sa uulitin” ang pahabol ni Dennis habang papalayo.
naiwan na lang kaming tatlo. hindi pa rin nagsasalita si Renz, nakangiti ako at si Jane. “tangina niyo, asar kayo ah!” ang nasabi ni Renz. “wala kaming sinasabi, pero sa tingin mo Renz, hindi nga ba? ha ha ha!” na sinundan ng malutong na hagalpakan namin ni Jane.
Ipinaskil sa dabarkads |



Ang shioray naman,,, may beso beso pa tuwing uuwi? ahahhaa… nako po!!! indi nio ko ininvite… malakas ako mag asar.. lols
FAU: bwa hahaha! yun ang pinakamatindi sa lahat. ang kiss. bwa hahaha!
hehe. Parang ang weird a.
FAU: bwa hahaha. y weird? uber weird.
ang sweet, may goodbye kiss pa talaga
FAU: bwa hahaha. kainggit nga eh hahaha. so swit.
may YM ba yang renz at dennis na yan? gus2 ko sila makausap at nang maliwanagan tyo pare-pareho!
FAU: yun ang hindi ko alam. hehehe…
ang cute ng post. dudung dennis. wahaha.. nice.
FAU: tnx.
haha! nahihirapan na si dennis! di na niya kayang mapigilan ang tunay niyang kulay! bwahahaha!
FAU: mahirap nga yung ganun. kaya hindi na niya kinaya. lumalabas na hahaha!
Baka ganun talaga sila magbabayan? Haha!
FAU: hahaha. grabe! yung bespren ko hindi naman kami ganun. at talagang nakakatawa kasi nga anlaki ng katawan ni Dennis aka Dudong Charing.
Hahahaha
naka naman ang sweet nun…
Na intriga Tuloy ako hahaha!!
Taray ng eksena
FAU: hahaha. why you naman naintriga??? hehehe!
ayos pala tong si Dennis.
FAU: oo nga ayos na ayos…
ahahah kunwari malaki ang katawan ni dudong pero inday pala sya sana maka-out na sya, kawawa naman hahaha
FAU: oo nga. mahirap yung ginagawa niya hahaha.
.. hahaha.. c denise pilyo yan hahaha… nahahasik pla c dudong dyan.. dong…!!! hehehe padaan lng..
FAU: salamat sa pagdaan. haha. kagabi nasalubong ko siya, hindi ko napigilang matawa.
whoah! isa siyang eba sa katauhan ni adan! hehe!
gusto ko yung part na hinalikan ni Dennis si Renz! haha! i luv it!
FAU: hahaha. bwa hahaha. kakatuwa talaga. yun ang pinakadabest na pangyayari that night!