Imbakan para sa Disyembre, 2007

h1

sori po.

Disyembre 29, 2007

kamusta na po si ikaw? ako eto… maayos naman. sori nga pala kasi hindi man lang ako makapag-post ng maayos-ayos na entry. pero pramiz ko na kapag naayos ang lahat. tatadtarin ko kayo ng wento. marami na namang nangyari na hindi ko nailagay. gaya na lang ng binyagan ng anak ni Ronnie at ng “mahal” ko (hanggang ngayon ba?).

basta i-uupdate ko kayo as soon as makumpleto ko ang lahat. belated meri x-mas nga pala at api new yir na rin. pramis wait u lang ha! masaya ako. lalo sa mga nangyayari sa buhay ko sa ngayon. abangan mo lang hindi ka mabibitin.

hindi mo ba ako mahanap. wait ka lang lalabas na ako sa pinagtataguan ko.

h1

hayskul prenz.

Disyembre 22, 2007

francine.jpg

maglalaro na sana ako ng Red Alert sa PC nang biglang lumitaw sina Ed at Ernest. Si Ed ang korneto ng hayskul barkada at si Ernest naman ang Super Nerd Mr. President ng klase namin noong hayskul.

kwentuhan, nag-download pa nga siya ng scandals para sa phone niya galing sa PC ko. naisipan rin naming itext ang bunsong babae ng grupo. dahil nga medyo malayo pa ang panggagalingan niya eh inabot kami ng siyam-siyam. pero okay lang kasi ilang taon na rin naman ang nakakalipas at nagkita na naman kami sa wakas, although hindi kasama yung iba dahil wala naman kaming contacts sa kanila.

napagdesisyunan naming tumuloy sa isang malapit na videoke bar. christmas party pala dun sa ayos na bar kaya no choice kundi lumipat. nakakabadtrip kasi napakapangit, napakadumi, at napakawalang-kwenta ng mga nagseserve (or kung  meron nga!) hindi na lang namin pinansin. pero talagang halos masuka ako sa sobrang dumi ng CR! napakainit pa. wala lang kasi kaming pepwestuhan kaya no choice talaga kami. nagvideoke sa walang kakwenta-kwentang machine.

hindi pa rin nagbago si Ceejay, makulit pa rin siya and mahilig pa ring manakit, mambasa… at pinagyayayakap at pinaghahalikan niya kami nang makita niya kami. si Ed, la pa ring sawang nililigawan si Ceejay kahit ilang libong beses na siyang binasted. Si Ernest. ayun at naka-polo barong. hindi man lang nagbago kahit kaunti. tahimik pa rin at pasimpleng bumabanat ng jokes at punchlines. CRIMINOLOGY si Ed, NURSING si CJ at LAW naman si Ernest. wala man lang akong maipagmalaki hahaha! hindi kami pwedeng magpakalasing at magtagal. naghiwa-hiwalay kaagad kami. pero pinangako namin na magkikita ulit kami SOON! with the others na.

P.S: ang ganda talaga ni Francine Prieto…

h1

karibal – kaibigan

Disyembre 18, 2007

text.jpg

pagkagising na pagkagising ko. may na-receive akong text galing sa isang unknown sender. curious ako sa laht ng nagtetext sakin, kaya tinanong ko kaagad siya kung sino nga ba siya. sa una hindi ako makapaniwala. masyado kasing imposibleng magtext sakin yung kumag na yun.

napansin ko ang way ng pagtetext niya… pamilyar nga. pero maaaring ganun din ang iba kaya hindi kaagad ako nagpadala sa unang tingin ko. pero siya nga daw talaga si Ronnie.

si Ronnie… isang dating matalik na kaibigan. sa sobrang close namin, lahat ng sikreto naman alam ng isa’t-isa. marami kaming pagkakapareho. pareho kami ng ilang ugali. ilang taon na rin naman ang nakakalipas, sa huli naming paghaharap. ilang beses na kaming nag-away. hindi basta away kundi bugbugan talaga. nagkakasakitan na kami. dahil sa isang komplikadong rason.

siya ang asawa ng mahal ko
. hindi ko alam kung bakit siya nagtext. alam niya ang mga nangyayari. may dalawa na silang anak. kababata ko ang asawa niya, ang mahal ko. naging mag-on sila, pero kami pa. ipinalabas naming matalik na magkaibigan lamang kami at kinakailangan din na maging matalik na magkaibigan din kami ni Ronnie. walang duda na nagaganap. hanggang sa nakita niya kami sa akto. mahal daw ako ng mahal ko pero mahal niya rin si Ronnie, ayaw niyang sabihin pero obvious na mas mahal niya si Ronnie dahil sa kanya ito sumama. although nakikipagkita siya sakin kahit lumipat na sila sa ibang lugar, kapitbahay ko kasi sila noon.

pareho kaming may kasalanan sa isa’t-isa. hindi ko na sasabihin kung bakit. parehong dumating sa punto na habang nagbubugbugan kami eh tanging ang minamahal lamang namin ang pumapagitna. ilang dugo na at luha ang nasayang. ilang beses na rin kaming napunta sa barangay.

eto nga at bigla siyang nagtext. nakikipag-ayos. tao lang ako at napakadali kong magpatawad kumpara sa iba. tinanggap ko ang alok niyang bagong pagkakaibigan. panahon na siguro para mag-give way ako. sige na… talo nako. ngayong magkaibigan na naman kami. hindi ko na sisirain yun. tama na yung minsang pagkakamali. tama na. ninong daw ako sa binyag ng isa nilang anak.

h1

Pinoy Kenshusei: Exam

Disyembre 17, 2007

exam.jpg

biyernes pa lang, umalis na ako ng Manila para pumunta sa Laguna. kinabukasan kasi ay exam na. sumakay ako ng jeep papuntang Lawton, sa Lawton – sumakay ako ng Bus papuntang Calamba, Laguna. alas diyes na akong nakarating. naghintay ako ng matagal sa Llana’s Calamba dahil hinihintay ko ang bayaw ko na susundo sakin.

sa sobrang tagal. sumakay na ako ng traysikel. buti na lang at kilala siya ng traysikel drayber at hinatid ako malapit sa bahay nila. antagal ko pang kumatok dahil tulog na pala ang mga pamangkin ko na tanging natira sa bahay dahil sinundo nga ako ng bayaw ko, nagkasalisi lang kami. 10:00 PM na. nahihiya na nga ako kakakatok dahil tinitingnan ako ng mga tao. kinailangan ko pang distrongkahin ang pinto sa kusina, hindi ko rin naman nabuksan, saka dumating ang bayaw ko.

kinaumagahan…

maaga kaming nagising pare-pareho. nauna nga lang ang mga pamangkin ko. ang ate ko kasi ay nagtatrabaho sa Manila. nagbihis na ako, nagdasal na sana makapasa sa exam. para mapabilis, huminto kami sa isang place. nilakad na lang namin papuntang Green Life: ang kumpanyang pageexaman ko. kinailangan naming tumawid sa highway. lumusot pa nga ang paa ko kaya naging kulay brown sa putik. sabi ng bayaw ko; swerte daw yun. pero nababanas ako sa nangyari sa sapatos ko. nakakatakot sa dinaanan naming tulay sa highway, umuuga kapag may dumadaang malalaking sasakyan.

ang ganda ng view. pumila ako, nagpasa ng ID at umattend ng Orientation. pinanood pa sa amin ang isang palabas ng i-Witness tungkol sa mga “Kenshusei” na magiging kami rin kung maaayos namin ang lahat. nagkaroon ng mahabang orientation. 8:00 kami doon. napakaganda pa ng babaeng katabi ko. pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa tuwing magtatanong siya sa akin, or may favor siya. gaya na lang ng… “uy. pwede bang pakibantay tong bag ko. mag-ccr lang ako.” siyempre napapangiti na lang ako. “may glue or paste ka ba?” dahil ala siyang pandikit sa ID Poto niya. “anong nilagay mo sa Refferal?” wow tatlong beses niya akong kinausap. at ang ganda niya.

gusto ko nga sanang makipagpalitan ng cel number pero nahiya naman ako. umandar ang pagka-torpedo ko. sabagay kung makakapasa kami pareho, magkikita pa kami. nagsimula ang exam, essay muna saka IQ test ang sumunod. nakita kong paminsan-minsan ay sumisilip siya sa mga sagot ko… tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip. open na. kopya na kung kokopya. nagkangitian kami.

ipinapasa na ang test papers. nagkangitian ulit kami.

paglabas ko. nandun pa ang bayaw ko at ang pamangkin ko. nakupo nakakahiya naman naghintay pala sila, hindi na pumasada ang bayaw ko at hindi na rin pumasok sa eskwela ang pamangkin ko. pano kung hindi ako nakapasa… sayang naman ang pagod at sakripisyo nila.

dati ko nang nakaaway ang bayaw ko. hindi ko akalaing magiging close kami. mabait pala talaga siya gaya ng sinabi ng ate ko. pumunta pa kami sa bayan para bumili ng makakain. natuwa siya. andaming binili – nakapasa ba ako sa Board or Bar Exam para mag-celebrate? matiyaga ang bayaw ko. mahal niya ang mga anak niya, pati na rin siyempre ang ate ko. at nagpapakita siya ng maganda sa lahat ng mga kamag-anakan namin. ayos.

kanina, tumawag ako sa Green Life. long-distance call kaya cellphone ang gamit ko at ang PLDT Pwede Card. nahirapan man akong kumontak. sa wakas ay nakontak ko din.

“Good Afternoon, I’m Mr. Fau Rafili – i had an exam last Saturday… i would like to ask if I passed the exam?”

“Pasado ka. Pumunta ka na lang dito sa Friday at magdala ka ng authenticated Birth Certificate at Form-137.”

“Thank you.”

“You’re Welcome!”

at gagawin ko na ang lahat para makarating sa nais kong puntahan.

h1

masaya naman pala eh.

Disyembre 14, 2007

wala talaga akong maisip na entry na pwedeng itype. nablangko ba ang utak ko sa mga pangyayari lately? hindi naman siguro. kaya ayoko malasing masyado kong dinidibdib ang mga problema at mga pangyayari sa buhay ko.

…habang nakaupo ako sa dulo ng bubungan, kumukuyakoy ang mga paa sa kawalan, isang malakas na hangin lang tigbak ako dahil malamang na malaglag ako. nagiisip ako. pag tumalon ako, tapos na ang lahat. hindi ko na mararamdaman ang sakit at lahat ng pahirap. sa isang banda… hindi rin. eh kung sumabit ako sa mga wires tapos makuryente muna hanggang sa matusta then nang malaglag eh makaladkad ng sasakyan… eh kung hindi ako mamatay at mamatay lang ang kalahati ng aking katawan, malumpo. PUCHA. mas mahirap ata yun. kaya di bale na lang. yoko rin naman ng brutal na kamatayan.

naisip ko din. BAKIT? bat naman ako magpapakamatay? sinubukan ko na dati. gastos lang. naisip ko din na marami pa namang taong pwedeng mahalin at pakisamahan.

kung ayaw na nya talaga. e di goodbye. sa bawat nagsasarang pintuan ay ilan ang bintanang nabubuksan. at napatunayan ko na yan. imbes na magpaka emo, try ko naman maging Jologs at magpakaligaya na lang sa buhay at sisipin ang mas mahahalagang bagay na gagampanan ko sa buhay.

tama kayo. kailangan ko na talagang magmove on. NGAYON NA.

::: napansin niyo bang walang exclamation point at ilan pang karakters na hindi ko ginagamit, yun ay dahil sira ang keyboard ko nang mabuhusan ng kapatid ko ng sambasong tubig.

::: sa lahat nga pala ng bumabasa nito ngayon. ipagpray niyo naman ako na makapasa ako sa entrance exam ko bukas, sabado 8:00am… kailangan ko talaga ng mga dasal niyo, ngayon pang nakalimutan ko na lahat ng pinagaralan ko.

::: wag kayo magalala kapag nakapasa ako at nakarating sa Japan… padadalhan ko kayo ng mga regalo. magiging instant santa ako para sa inyo. pray lang.

h1

paalam na.

Disyembre 12, 2007

 003.jpg

“na-miss kita… sobra, pero alam mo namang hindi pwede diba?” ang wika niya sabay halik sa aking labi. “okay lang yun, ang mahalaga nandito ka ngayon.” ang sabi ko sabay halik sa kanyang labi.

“mahal na mahal kita Fau, at alam kong mahal mo rin ako… pero hindi ba’t mali na itong ginagawa natin?” sabay halik. “alam kong mali… pero ako naman ang nauna diba? at alam ko rin na kasalanan ko ang lahat.” ang sabi ko sabay halik.

“kaw naman kasi…” sabay halik. “ayos na nga di’ba?” ang sabi ko sabay hatak sa kanya sa kama.

malamig ang panahon pero nagbabaga ang mga damdamin. muli na namang nagliwanag ang kalangitan, nawala ang kulimlim at ang nagbabadyang ulan. nabalot ng init at nagpupuyos na pakiramdam. masyadong pribado ang mga pangyayari, pero alam kong alam na ninyo kung ano iyon.

at nang matapos…

nakahiga siya sa aking bisig at nagwika, “kaya ako bumalik para magpaalam na.”, ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib niya. “natatakot na kasi ako, masyado nang maraming nakakaalam, nakakakita, delikado na ang lagay natin.” gumagaralgal ang kanyang tinig, pero nanatili akong tahimik. “…mahal kita, alam mo yan, pero… pero… pagod na rin akong magreason kung saan ako pumupunta sa tuwing umaalis ako, nagdududa na siya… alam niyang sa iyo ako pumupunta, hinuhuli niya lang ako. may responsibilidad na ako. dalawa na ang anak ko, sana maintindihan mo”. tumulo ang kanyang luha.

niyakap ko siya nang napakahigpit, hinalikan ng paulit-ulit. “magsalita ka naman!” ang sabi niya. napipi na yata ako sa mga pangyayari. pero may ngiti pa rin sa akin labi. tumalikod siya at kumaway, nagpapaalam. alam kong mangyayari iyon. alam kong babalik siya para magpaalam. maaaring bumalik pa siya, maaaring hindi na. alam kong mali. anong magagawa ko kung mahal ko siya. tapos na ang buong araw. tapos na rin siguro ang lahat. tinext ko siya.

“hindi na ako nagsalita. gusto man kitang pigilan, alam kong mali. salamat at bago ka tuluyang lumisan ay nagpaalam ka, siguro alam mong naghihintay ako. kasalanan ko ang lahat, alam ko yon. baliw lang siguro talaga ako para umasang maaari pang ipaglaban ang pagmamahal na wala nang patutunguhan. alam kong darating ang moment na ito. hinanda ko na ang sarili ko. tatandaan mo na mahal na mahal kita. kung babalik ka pa, salamat. kung hindi na, paalam. hanggang sa muli… kaibigan.”

message sent.

binura ko ang lahat ng message niya, binura ang lahat ng litrato naming dalawa, binura ko ang pangalan niya. binura ko ang lahat – sana pati ala-ala.

i’ll try to move on. pero babagalan ko. para kung sakali. mahahabol niya pako!

h1

nagbalik siya!

Disyembre 11, 2007

a kiss is just a kiss.

gaya ng sinabi ko. kinakailangang masayaran na ng Red Horse ang lalamunan ko. kahapon alas-tres pa lang eh nag-inuman na kami ng kaibigan kong si Drey. simula pa lang ang kulit na namin. nang matapos ang tig-dalawang bote (pa lang) ng RH eh naghanap na kami ng ibang makakasama.

sinubukan kong kontakin si Jenna at Lauren. pero pagod na daw sila dahil kagagaling lang nila sa trabaho. naalala kong may mga trabaho pala sila at kami ay wala. kami na lang tuloy ng walang kamatayan kong kaibigang si Drey ang pumunta sa Bar. noong una, inisip ko na hindi ako kakakanta… pakiramdam ko paos pa rin ako. kinailangan ko pang makahitit ng tatlong stick ng yosi para mawala ang clogged nose ko. pero wala pa ring epekto. kumanta ako. at halos hindi ko talaga maabot ang high notes na sisiw lang naman talaga sakin sa normal na pakiramdam. bigo ako. hindi na ako kumata ulit at baka mapahiya pa kami pareho.

iba ang mood ko. malungkot, inaantok, masaya, masama ang pakiramdam, halo-halo… parang nababaliw na naman nga ako. nakipagkulitan ako hanggang gabi. maingay ako (alam ko!) makulit ako (kasi lasing na!) pinagpapawisan ako kaya hinubad ko muna ang shirt ko at isinampay sa balikat ko.

maya-maya may humatak nito…

magkahalong asar at kakulitan ang namuo sa isip ko. mabilis kong nilingon ang humatak ng shirt ko. at nagitla ako sa aking nasilayan. ang malantik at mahahabang pilikmata, ang mapupulang labi, ang mala-porselanang kutis, ang mahabang buhok…. nagkatitigan kami hanggang sa napansin ko ang ngiti sa kanyang labi. nilukob kami ng pagmamahal. napangiti ako… hindi ko na napigil ang damdamin ko. hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at idinampi ang aking labi sa kanya. nagyakap kami ng mahigpit. parang isang eksena sa isang pelikula.

nagbalik siya…

walang umiimik samin. pareho kaming speechless. saka ko naramdaman ang init ng mga matang nakatitig sa amin. PUCHA! nasa gitna kami ng daan. anaknaputakte ngayon lang ako naging PDA! niyaya ko na lang tuloy siya sa bahay.

h1

buhay-tambay…

Disyembre 10, 2007

lunes na lunes nag-uuulan! balak ko pa naman sanang pumunta ng BIR, pero mukhang malabo. sinisipon pa rin kasi ako at nilalagnat. naku naman… ngayon pa ako nagkasakit. akala nga ng marami eh hindi ako tinatablan – sa laki ba naman ng katawan ko, sino ang mag-aakalang sipunin pa pala ako.

hexuli, hindi ako sipunin or sakitin. minsan lang sa isang taon ako magkasakit. kung kailan hindi ako nakaka-toma saka naman ako nagkasakit. naisip ko tuloy… POSIBLE kayang kapag uminom ako ulit eh gagaling ako. just a though lang naman – pero baka subukan ko mamaya.

ilang araw na rin naman kasi akong nakatengga sa loob ng bahay. pakiramdam ko nga antanda-tanda ko na at hindi na ako nakikibarkada sa mga kupal na gangster sa labas. ni hindi ako humihinto para makipagkuwentuhan, inuman, bolahan, lokohan, asaran o kung anu-ano lang. pero nakikipag-batian naman ako. ngayon ko lang napansin, marami-rami na palang bagong mukha sa lugar namin. may mga gorgeous gals na pala. napapatingin nga sila sakin pag lumalabas akong nakatapis lang. pero kailangan pa-suplado muna kaya hindi ko sila nginingitian he he he :-) naisip ko kasi na mas gusto nila ang suplado. baka ito na ang pagkakataon ko para magkasala he he he :-)

nakakaaliw din naman sa bahay kahit papaano. nariyan pa rin naman ang tambalan ng balahura at balasubas sa 90.7 Love Radio. nariyan pa rin ang mga palabas sa TV gaya ng CSI Miami at Pinoy Big Brother. natutuwa rin akong panoorin yung tutang ibinigay ng kaibigan ko last month na sa sobrang katakawan eh inaagaw sa pusa namin (imagine kahit nasa bunganga na ng pusa eh kinukuha niya pa ha!) buti na lang at matured na ang pusa namin kaya hindi siya pinapatulan. pero paminsan-minsan bigla na lang umiiyak yung tuta. minsan nakita ko binabatukan pala siya nung pusa.. seriously! (ngayon ko lang nalamang nambabatok pala ng makukulit at mahaharot na tuta ang matured na pusa). nariyan pa rin naman kasi ang paborito kong inuman… ang napakatapang na Kape na palagian kong inilalagay sa mug na may image ni Mickey Mouse… nariyan pa rin naman ang mga ka-textmates ko sa smart at sa sun. at siyempre nariyan pa rin po kayo mga katotong blogger.

kuntento na ba ako sa ganitong buhay… gaya ng maraming tambay na jobless? hindi siguro. siyempre mas gusto kong gawin ang mga bagay na ito sa isang malamig na apartment sa Japan bwa ha ha ha ha ha :-)

h1

Fau: ang dakilang hosto!

Disyembre 9, 2007

japan.jpg

Konnichiwa! (Good Day!)

sa tingin ko matutupad ko na ang pangarap kong pumunta, manirahan at magtrabaho sa ibang bansa. naks naman! ayos na ayos isipin diba? this coming Saturday – mageexam ako ng parang entrance exam sa isang Language School at ang pag-aaralan ko ay ang Japanese Language. wish ko lang makapasa ako.

ano naman kaya ang magiging trabaho ko dun. bwa hahaha! pwede na rin sigurong maging Hosto. o kaya kahit Macho Dancer na lang… basta ba malaki ang kita ayos na yun. pero sabi naman sakin eh bout clerical job ang gagawin ko dun. (sana lang)

kapag nakapasa ako sa Entrance Exam, 3 months akong mag-aaral ng salitang Hapon – balita ko 3 times a week me exam. ang final exam daw eh makikipagkuwentuhan ka dun sa isang Hapon doon. pag nakapasa ka. 1 month lang at pa-Japan ka na! naks sarap pakinggan – pero sana totoo! eto na siguro ang pagkakataon kong makaahon sa hirap. at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. marami na rin kasi akong narinig na success stories kapag nangingibang-bayan.

PUCHA! pano na? madami akong ma-mi-miss…

…ang mama ko (ala nang magluluto para sakin)
…ang mga kapatid ko (wala nakong maririnig na ingay)
…ang mga kaibigan at kabarkada ko (wala na kong kakulitan)

…ang lugar na tinitirhan namin (wala nakong makikitang mga chismoso at chismosa, mga basagan ng mukha, mga kaliwa’t-kanang grupong nag-iinuman, mga fixers, mga papansing bata at kung anu-ano pa.

…ang pinakamamahal ko na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam sakin. pano ko masasabi sa kanya na sa e-mail, friendster, wordpress, messenger etc. na lang kami mag-communicate, pano ko maibibigay sa kanya ang mga id, nicks, at e-mail address ko?

palapit na nang palapit. hindi ko alam kung ano pa ang mga pwedeng mangyari. isa lang ang alam ko. by hook or by crook eh tutuloy ako.

h1

sa iyo kaibigan…

Disyembre 7, 2007

akosifaublogger.jpg

ibang klaseng buhay to. ayoko talaga sa lahat eh maging tambay.

pinagsawaan ko na ang pagiging tambay ko noon. hindi ko naman akalain na magiging tambay na naman ako ngayon. nakakatamad, nakakalungkot, naiisip ko tuloy yung mga bagay na hindi ko naiisip dati sa sobrang ka-busyhan… nararamdaman ko ngayon ang pangungulila na hindi ko naramdaman dati.

nagpapasalamat pa rin ako… kasi sa bagong buhay na ito, mas marami akong kaibigang nakilala, mas na-realize ko ang worth ng mga simpleng bagay na hindi ko pinahahalagahan noon.

nakakapraning, nakakalungkot… although minsan, lalo na kapag sinamahan ng espiritu ng alak (pero minsan lang) napakasaya. pinipilit ko pa ring maging masaya sa bawat araw, at nagtatagumpay naman ako. pero may kirot pa rin.

ansama noh? puro senti ang mga entries ko. sana naiintindihan niyo ako. tao lang din naman ako diba? at nasasaktan… at nakakaramdam ng pangungulila.

sa mga susunod na mga entries ko. magiging masaya na ako. PANGAKO!

salamat nga pala sa mga kaibigan ko. sa iyo na nagbabasa nito, salamat sa mga komento at pagbisita… at higit sa lahat sa mga itinuturo niyong lessons in life. maraming salamat.

hindi ko akalain na sa pagbubukas ng bagong aklat ng buhay ko, mas marami pala ang babasa nito at makikisalamuha sa magulo kong mundo.

salamat.