h1

tapos na ang lahat.

Nobyembre 28, 2007

tapos na ang lahat. kahapon ang huling araw ko. nagkalayu-layo na kaming lahat… ng mga kaibigan ko. napadpad na sila sa iba’t-ibang lugar. pati ang mga kagamitan.

kamusta na kaya yung dalawang aso…
kamusta na kaya si bossing…
kamusta na kaya yung PC ko…

nakakalungkot. habang naglilipat kahapon. nagikut-ikot ako, mangiyak-ngiyak sa mga nakikita ko sa paligid. ang swimming pool, ang mga halaman, ang lahat – naipon lahat sa isipan ko. kalahating araw pa lang, nagpaalam na ako… aalis na ako. panibagong adventure na naman ang haharapin ko, at sana magtagumpay ako… nakakalungkot man isipin, kailangan ko talagang tanggapin – wala akong choice but to forget.

bukas, pupunta na ako sa mga eskwelahan para simulan naman ang paghahanap ng paaralang papasukan. mag-aaral na lang ako.

bukas, iba na ang lahat – gaya ngayon.

11 mga puna

  1. kalungkot naman.. pero kaya mo yan fau! :) .. baka may ibang plans lang 4 u si lord :D .. goodluck sa next chapter ng iyong buhay ;)

    FAU: haiz. sana nga. sana…


  2. tsk! tsk!…. :( ganun talaga ang buhay maraming mga pangyayaRi ang dumadating na di mo inaasahan..

    Kaya mo yan!!! Aja!!.. hehehe smile ka naman dyan oH.. heheh :)

    FAU: opo. okei lang naman ako. medyo hindi lang sanay sa ganito. tnx :-)


  3. talagang ganyan… some good things never last nga.. pero ayos lang yan fau, meron magandang kapalit yan. wait ka lang. :)

    FAU: i’ll be waiting for that. haha! i just hope it will be sooner than i expect. hahaha!


  4. Medyo madrama ah.. :D pero ok lang yan lahat ng tao dumadaan sa mga ganyang pagsubok.. Kaya mo yan! oh eto tissue wag ka na iiyak ah? hehe! :D

    FAU: waaaaaaaaaaaaaaah! hindi na ako naiiyak. okay nako. hehe.


  5. …wala akong choice but to forget.
    hindi dapat kinakalimutan. you should cherish memories. :D

    FAU: siguro nga tama ka.


  6. ano b ayan… walang ganyan.. dapat kwela lang… ders a reason for every season ika ni ate v… besides,…. all good things must come to an end…. bawat bukas, may araw… at bawat araw, may… wala lang.. ahhhee.

    FAU: dapat nga kwela lang. pero minsan nakakalungkot talaga waaaaaaaaaaaaaaah! hehehe. la lang din.


  7. Ok lang yan fau, at least panibagong adventure na naman. :)

    FAU: oo nga… think positive ika nga nila diba. kaya ko to. i know hahaha!


  8. masarap mag say bye bye dahil sa mga bagong darating para sa yo… sigurado mas maraming ka ma chika sa amin tungkol sa mga bago :)

    FAU: oo nga i’m sure pero sa ngayon. la pa new adventures eh.


  9. tama yung sinabi ng isang nagkomento… you should cherish memories.. Kaya mo yan! nakidaan lang po.. :D

    FAU: hahaha. tama kahit naman ano pa gawin ko hindi ko rin naman makakalimutan ang mga bagay na tumatak na sa puso at isipan ko. i should cherish na nga lang talaga.


  10. wag ka lang makalimot! wag mong hayaan mawala ang komunikasyon niyo!

    FAU: oo nga po. hinding-hindi ako makakalimot. sana sila rin.


  11. chin up mate! magkakahiwalay hiwalay nga kayo pero that doesn’t mean na you’ll burn your bridge with ‘em ryt?!! cheer up.. :-D
    btw, add kita sa roll ko.. tnX

    FAU: tnx po for adding me. kaso gusto rin po kita i-add the problem eh hindi mo naman nilagay ang link mo. waaaaaaaaah!



Mag-iwan ng Puna