h1

end na nga ba?

Nobyembre 25, 2007

habang tinitingnan ko ang mga pictures namin ng mga kasamahan ko sa trabaho – na hindi maikakailang mga kaibigan ko na talaga, mga sanggang-dikit, mga taong nagpasaya sa pagiging buhay empleyado… naiiyak ako, nalulungkot at mutik nang maluha – pero ganun talaga ang buhay, minsan kinakailangang magpaalam kahit ayaw mo talaga.

mamimiss ko ang bonding, kuwentuhan, tawanan, harutan, pagkain ng sabay. hindi naging malungkot ang buhay kasama sila. tinanong ko ang boss ko. hindi na kasi maganda ang takbo ng kumpanya – marami na ang na-eliminate, marami na ang nagpaalam. marami nang naging business ang bossing ko, pero lumalagpak ang lahat – alam ko ang dahilan, pero hindi na mahalaga iyon sa ngayon. basta ako, nalkulungkot ako at alam kong hindi na mauulit ang mga nakaraan kasama sila. hindi na ako makakahanap ng mga kaibigang natagpuan ko sa trabaho ko ngayon.

FAU:    
may i ask you something?
BOSS:   what is it?
FAU:     when will be my last day here?
BOSS:   that’s a good question! but i can answer it right now.
FAU:     (nag-iisip siya pero tahimik lang ako)
BOSS:   until the end of the month, but it’s not sure, maybe a miracle will happen, why did you ask?
FAU:     i just want to be ready for it.
BOSS:   you know i wanna save you, but there is no future in this company.
FAU:     i know… thank you sir.

hindi ako nanghihinayang sa dahilang mawawalan na ako ng pagkakakitaan – yun ang huli sa rason ko. kundi dahil, tapos na! kailangan ko nang kalimutan ang mga kaibigan ko at ang mga masasayang moments namin together. kailangan ko nang mag move-on, yun naman pala ang mahirap gawin talaga, para sakin… gusto kong maglasing pero baka mas lalo akong maiyak. gusto ko silang makasamang lahat kahit sa huling pagkakataon man lang. hindi ko alam kung kailan pa uli mangyayaring magkasama kami, tapos na ang papel ko.

at nalulungkot pa rin ako.

4 mga puna

  1. awww :( .. pero ok lang yan, pwede pa rin naman kayo maging friends kahit di na kayo magkawork dba? :)

    FAU: oo pero mahirap nang magkakita-kita ulit at saka nakakapanibago talaga. sobra!


  2. Di bale, siguradong mapapalitan naman ng bagong friends yun eh! Talaga bang lugi na si bossing mo? Kawawa naman.


  3. Wag kana malungkot kuya…kapag may nawala may panibagong magbubukas at darating para saYo di lang trabaho. Makakatagpo ka ulit ng mga bagong kaibigan. Ako kahit na dito sa WP. :)

    FAU! oo nga. alam ko yun kagabi lang me mga bago na naman akong kaibigan bwa hahaha. pero iba pa rin talaga yung naging masayang kang kasama yung mga taong yun in the past hehehe.


  4. elow kuya Fau!! kuya na kita huh.. hehe.. buti ka pa.. dakilang tambay.. wahh kulong na kulong na ako dito sa apat na sulok ng silid-aralan ng aming unibersidad… hehe waNt ko aman sana mag-work nalng.. palit na lng tau.. hehe.

    FAU: palit tayo? pano yun? hahaha!



Mag-iwan ng Puna