h1

holdaper

Nobyembre 23, 2007

napaka-traffic sa daanan ko pauwi kaya nag-iba ako ng way. inabot naman ako ng 45 years sa kahihintay ng masasakyan. pray ako ng pray na makasakay na sana nang bigla namang merong isang jeep na papunta mismong Quiapo. sumakay ako sa jeep na isa lang ang sakay. dadaanan pala ng E-Rod, sumakay bandang Araneta Avenue ang isang lalaking gwapo at tumabi pa sakin (so gay!)

bigla ba namang me nag-flashback sa memory ko, kamakailan lang e naholdap ang kababata kong si Pooh at eto ang kwento niya:

POOH: naholdap ako – ng isang conio, clean-cut guy na kamukhang-kamukha ni Dingdong Dantes! hindi ko akalain na holdaper pala dahil naka-pustura at napaka-gwapo talaga. pinahinto ba naman yung jeep sa mismong RILES sa Espania!

PUCHA! bigla kong tinitigan yung lalaki at kamukhang-kamukha nga siya ni Dingdong Dantes, katabi ko pa siya and that time eh nasa harapan kami nakasakay pareho… pinakiramdaman ko siya ng maige – hanggang sa nagbayad siya sa driver at guess what kung san sya bababa? – SA RILES SA ESPANIA! anaknamputang buhay naman to!

hindi ako nag-panic – nag-isip ako nang mabuti, sayang naman ang fone ko kung mahoholdap ako tonight. nakapagbayad na ako – and Php5 lang ang natira sakin – kung bababa ako ng Welcome Rotonda – malamang na hindi na ako makasakay pa ng jeep ulit. kung bakit ba naman kasi ngayon pako naubusan ng pera, nag-TAXI na lang sana ako pauwi. napansin ko na madalas magtama ang paningin namin sa salamin, dahil tinitingnan niya ako at tumitingin rin siya sa ibang pasahero na nasa likod namin. may mga pasahero pang mukhang goons, na nakakatamaan ko rin ng tingin, naisip ko na baka magkakasama sila.

buo na ang isip ko – THERE IS NO FUCKING WAY THAT I WOULD RISK THE LIFE OF MY DEAR CELLPHONE! bumaba ako sa Welcome Rotonda. magtataxi na lang ako at pakikiusapan ko na lang ang driver na sa bahay na lang ako magbabayad. pero nahihiya naman ako kaya super-kalkal ako sa bag ko – PRAYING na sana eh me dalawang piso – para makauwi naman ako at sa jeep na lang sasakay. kalkal ako nang kalkal – and GUESS WHAT??? mabait talaga si LORD! me Php10 pako sa isang liblib na lugar ng bag ko. WAAAAAAAAAAAAAAH! Thank you LORD!!!

nakauwi ako ng matiwasay, saka lang ako nakahinga ng maayos nang nasa kalye nako ng lugar namin.

BA’T NAMAN KASI MAY MGA ANAKNAMPUTAKTENG HOLDAPER PA NA NANGUNGUHA NG MGA PINAGHIRAPAN NG IBANG TAO – bat ba hindi na lang sila magtrabaho ng parehas? kaya mga tol! Ingat kayo sa mga pasaherong kamukha ni Dingdong Dantes hehehe!

8 mga puna

  1. fuck all the bitches in town..indi marunong magbanat ng buto….yung mangkuha ng di sakanila yung inaatupag….mainit ulo ko diyan kasi besfrend ko na mahirap pa sa daga e indi din pinatawad..

    on the otherside..add kita sa blogroll ko..lols

    FAU: oo nga eh. yun na nga ang sinasabi ko eh. mga kupal sa buhay talaga – talagang la silang pinatatawad, dahil yun sa sarili lang nila ang iniisip nila. nangunguha ng pinaghihirapan ng ibang tao. PUCHA! sarap pagsasaksakin. tnx for the add nga pala. hehehe!


  2. ako naman e naholdap na rin sa jeep, ang lintek na mama may i takip ng kanyang dalang tuwalya sa bag ko… feeling nya e syota ko sya. ang lintek, biglang naramdaman kong warak na yung bag ko. aba, tiningnan ko yung katabi ko.. biglang tumalon pababa sa jeep. aba, dun lang nagsalita ang mga katabi kong pasahero na ang tagal na pala nilang nakikita yung ginagawang milagro nung hunghang sa tabi ko. ibig sabihin, wala silang paki-alam, takot sila dahil may dalang kutsilyo si manong… kainis. mula non kapag may siksik ng siksik sa akin, iwas na ako… either baba ako or lipat ako ng upuan.

    FAU: hindi mo rin talaga masisisi yung ibang tao – takot din kasi sila sa mga ganyang bagay, bat naman sila magpapakabayani diba? bihira na ang ganung klase ng tao ngayon na magpapakabayani para sa iba. haha asa ka pa! kailangan hindi ka aasa sa iba hehehe. tama yun at least diba me na-learn kang lesson!


  3. Mabuti nalaNg at di nakapag isisP ka agaD ng maBilis..

    Nakaka inis talaga yaNg mga nangunguha ng pinag hirapan ng iba, bakit di nalang sila magbanat ng mga buto, magtrabaho ng legAl, nakaka inis na nakokontento sila sa ganung uri ng hanap buhay. Mali sabihin ko na hanap buhay, dapat sa kanila makulonG. Maparusahan. Kong anu man rason nila kong bakit nila ginagawa yun mali pa ren.

    Ayan na highblood tuloy ako… heheheheh :)

    FAU: oo nga. buti kamo naalala ko yung nangyari sa kaibigan ko (complete with the details) at saka me phobia na rin talaga ako sa mga ganitong pagkakataon.


  4. you made the right decision!

    FAU: yah i think i did. hehehe. kaya pag kaw naman ang nasa pagkakataon – mabilis kang magdecide.


  5. nakupo! naranasan ko na rin yang ganyang modus… sana nga magtrabaho sila ng parehas. hindi yung umaasa sila sa pinagpaguran ng iba…

    FAU: korek ka dyan bro! kailangan na nating magtayo ng samahan!


  6. galing. buti naalala mo ang nanghold-up sa friend mo.. sige pag may nakita din akong kamukha ni dingdong, tatakbo na ako :D

    FAU: buti nga kamo talagang ala pa akong memory gap, kundi nakanang, muntik na ah! oo sige TAKBOOOOO!


  7. ano kayang nangyari sa mga natira sa jeep.. wala lang

    FAU: yun ay isang napakalaking question mark. i just hope they got home safe.


  8. Yang holdaper na kamukha ni dingdong dantes eh baket di na lng mag artista yan, at mag hubad para sumikat. Tsk tsk tsk. Konti na nga lang pogi magnanakaw pa ang iba.

    FAU: hahahaha. oo nga no. sana mabasa mo to holdaper na kamukha ni dingdong dantes, me idea na eh. bwa hahaha!



Mag-iwan ng Puna