
si topak…
Nobyembre 19, 2007kani-kanina lang (mga 5 minutes ago) parang medyo may narinig akong salita. at alam kong kay Topak yun. maya-maya narinig at naramdaman kong pabalagbag niyang isinara ang pinto.
kasalanan ko bang naka-headset ako at kasalukuyang nakikinig sa tambalan ng Balahura at Balasubas na sina Cris Tsuper at NiColehiyala? although narinig ko siya? bat niya ba ako kinakausap? SHIT! anuman ang kailangan niya which is siguro yung cap niya na kinuha ko dati na butas-butas naman… I Don’t Care and I don’t Give A Damn Sayo Topak!
dati ko siyang kaibigan. madalas kaming magkulitan, magharutan, mag-inuman, magkuwentuhan – kung saan eh napakalakas ng bagyo dahil sa angkin niyang kayabangan. I doubt pa rin naman hanggang sa ngayon kung totoo ba yung mga ikinuwento niya sakin noon. lately, hindi na kami nag-usap – BOARDER kasi namin sila nung kaibigan kong live-in partner niya. wala akong pakialam sa anumang business nila with my mom. hindi ako nakikialam sa mga ganung bagay. walang paltos na lagi silang late magbayad ng Rent… and still wala akong pakialam.
lately – nasobrahan na sa tagal ang late payment nila to the point na pinaaalis na sila ng mom ko, asking them to leave even without paying a dime. basta ba umalis lang sila para mapa-rent sa ibang tao. at mapakinabangan ang pinarerent na space. ang masama pa ay mahilig silang mangako at magpaasa ng tao. Bukas, sa makalawa, sa Biyernes…. SHIT! walang katapusang pangako kaya napikon na ang mom ko sa kanila and asked them to leave na lang if they can’t afford to pay naman.
one time. narinig kong nag-promise na naman yung girl na friend ko. maya-maya si Topak na ang lumabas at nagsalamin pa. sabi ba naman sa mom ko na “hindi naman namin kayo tatakbuhan eh!” galit siya – wala akong pakialam kung bagong gising siya or what. wala siyang karapatan. then sinabi niya pa “yung dati ngang boarder umalis na lang wala naman kayong nagawa eh!” hahahaha! enough said. PINAAALIS or PINALALAYAS na sila dahil hindi yata nila talaga Afford magbayad – hindi na namin sila inaasahang magbabayad ng kahit na magkano. basta umalis lang sila. TAPOS ang usapan. mas gusto pa nga naming TUMAKBO na lang sila eh. hindi na namin sila sinisingil, pinaaalis na namin sila. ang kapal naman ng mukha niyang magsalita pa. hindi na lang kasi siya umalis.
hindi totoo ang “kabaitan” na ipinakita niya noon. Ganun ata talaga pag ADIK! kung wala rin naman siyang magandang sasabihin. BETTER SHUT UP na lang diba? I was “SO” looking forward na umalis na siya or sila. Don’t Pay anything, just LEAVE MOTHAFUCKERZ!



Hi… napadaan lang po: )
Oh relax lanG po… Ha!!!
Grabe naman yan ObligasyOn nila na bayadan dahil paupahan yan.
Wala ng libre sa panaHon ngayOn…
San makasingil na kaYO… good luck…..
FAU: ei there. yun na nga eh. tapos sila pa ang may ganang magalit or magdabog diba! e di kung di nila kayang bayaran umalis na lang sila.
naks naman tol. galit ka na nyan ha. hehehe. tama lang yan! magalit ka. hindi maganda yung ugali ng mga boarders niyo.
FAU: oo nga eh. kabanas yung mga taong kagaya nila or niya. sana nga umalis na lang. as in hindi ko na siya pinapansin kahit bati-bati na sila sa bahay although binastos niya ang nanay ko. la na ako pakialam sa kanya.
elow….un lang papansin lang ako…salamat sa pagbisita sa blog ko…
FAU: hahaha! kaw din! salamat din po sa pagbisita sa blog ko. ang galing mo rin naman magsulat eh. haha. kakaiba ka.
Hay may kilala akong mambabarang, gus2 mo may lumabas na ibat ibang uri ng ipis at tipaklong sa bibig ng mayabang na yun, Hindi naten titigilan hanggat hindi nagtatanda! Ang mga ganyan na makakapal mukha dapat tinuturuan ng leksyon! Nag-init ang ulo ko…
FAU: nakssss. haha. hinay-hinay tol. bwa hahahaha! forgiven na naman siya. sana lang eh tigilan na niya yung masamang mga ginagawa niya.