napaka-traffic sa daanan ko pauwi kaya nag-iba ako ng way. inabot naman ako ng 45 years sa kahihintay ng masasakyan. pray ako ng pray na makasakay na sana nang bigla namang merong isang jeep na papunta mismong Quiapo. sumakay ako sa jeep na isa lang ang sakay. dadaanan pala ng E-Rod, sumakay bandang Araneta Avenue ang isang lalaking gwapo at tumabi pa sakin (so gay!)
bigla ba namang me nag-flashback sa memory ko, kamakailan lang e naholdap ang kababata kong si Pooh at eto ang kwento niya:
POOH: naholdap ako – ng isang conio, clean-cut guy na kamukhang-kamukha ni Dingdong Dantes! hindi ko akalain na holdaper pala dahil naka-pustura at napaka-gwapo talaga. pinahinto ba naman yung jeep sa mismong RILES sa Espania!
PUCHA! bigla kong tinitigan yung lalaki at kamukhang-kamukha nga siya ni Dingdong Dantes, katabi ko pa siya and that time eh nasa harapan kami nakasakay pareho… pinakiramdaman ko siya ng maige – hanggang sa nagbayad siya sa driver at guess what kung san sya bababa? – SA RILES SA ESPANIA! anaknamputang buhay naman to!
hindi ako nag-panic – nag-isip ako nang mabuti, sayang naman ang fone ko kung mahoholdap ako tonight. nakapagbayad na ako – and Php5 lang ang natira sakin – kung bababa ako ng Welcome Rotonda – malamang na hindi na ako makasakay pa ng jeep ulit. kung bakit ba naman kasi ngayon pako naubusan ng pera, nag-TAXI na lang sana ako pauwi. napansin ko na madalas magtama ang paningin namin sa salamin, dahil tinitingnan niya ako at tumitingin rin siya sa ibang pasahero na nasa likod namin. may mga pasahero pang mukhang goons, na nakakatamaan ko rin ng tingin, naisip ko na baka magkakasama sila.
buo na ang isip ko – THERE IS NO FUCKING WAY THAT I WOULD RISK THE LIFE OF MY DEAR CELLPHONE! bumaba ako sa Welcome Rotonda. magtataxi na lang ako at pakikiusapan ko na lang ang driver na sa bahay na lang ako magbabayad. pero nahihiya naman ako kaya super-kalkal ako sa bag ko – PRAYING na sana eh me dalawang piso – para makauwi naman ako at sa jeep na lang sasakay. kalkal ako nang kalkal – and GUESS WHAT??? mabait talaga si LORD! me Php10 pako sa isang liblib na lugar ng bag ko. WAAAAAAAAAAAAAAH! Thank you LORD!!!
nakauwi ako ng matiwasay, saka lang ako nakahinga ng maayos nang nasa kalye nako ng lugar namin.
BA’T NAMAN KASI MAY MGA ANAKNAMPUTAKTENG HOLDAPER PA NA NANGUNGUHA NG MGA PINAGHIRAPAN NG IBANG TAO – bat ba hindi na lang sila magtrabaho ng parehas? kaya mga tol! Ingat kayo sa mga pasaherong kamukha ni Dingdong Dantes hehehe!